Chapter 7
Matapos ang araw na iyon ay hindi ko na siya nakita. Mga tatlong araw na rin. Mabuti na lang ngayon ay i-a-assign na kami kung saan kami mag-O-OJT. Punong-puno ng kaba ang aking dibdib habang pinagmamasdan ang labas ng VM's restaurant. This is one of the known restaurant here in the City. Ngayon ko lang nabalitaan na sikat pala ito kung hindi pa sinabi ni Chi at Akira.
Hindi naman kasi ako palalabas na tao sa amin at hindi ko rin afford ang ganitong mga pagkain kaya wala rin akong gana pang makialam sa mga ganito.
Pero ngayon na dito na ako magtatrabaho ay dapat na akong kumilos para malaman ang tungkol sa restaurant na ito.
"Tara na. Excited na ako," saad ni Akira sa tabi ko at humawak sa aking braso bago ako hilahin papasok.
Sabay-sabay kaming pumasok na mga mag-OOJT dito. Bale, nasa anim kami at sakto namang magkakasama kami ng mga kaibigan ko.
Kaagad kaming pinahilera ng isa sa mga waiter doon sa underground floor. Namangha ako dahil meron ditong kitchen na para sa staffs lang, change room, at maging dining area.
Sa main ground kasi ang pinaka-restaurant at mayroon pa iyong 2nd floor. Habang nakapila kami ay hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil baka mamaya ay masungit iyong magiging trainer namin.
"Chef Vermont, nandito na po sila," tawag ng waiter sa isang opisina.
Pare-parehas kaming napatingin nang bumukas lalo ang pintuan at niluwa no'n ang isang lalaki na pamilyar na pamilyar sa akin. Suot-suot niya ang chef's attire at seryosong mukha.
He crossed his arms across his chest and looked at us. Napalunok ako nang magtama ang tingin naming dalawa. Hindi ako kumurap dahil natatakot ako.
Nakita ko naman na siya last week pero hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil baka mas sungitan niya ako dahil baka isipin niyang tinetake advantage ko siya dahil magkakilala kami.
Naglakad siya papunta sa harapan naming lahat. Hindi pa rin niya pinuputol ang tingin namin.
"Good morning, everyone. The owner isn't here yet, so I will introduce myself. I am Vermont Mabry Z. Villavicencio. Co-assistant chef of this restaurant. I hope you will be responsible since you are all graduating students and you are here to gain experience..." He gulped. "Ang ayaw ko sa lahat ay mahina ang loob. Ikalawa, ayaw ko nang lalampa-lampa. At ikahuli, ayoko nang hindi nirerespeto ang isa't isa. Be kind to each other."
Napaiwas ako ng tingin. Mas lalo lang akong kinabahan sa kaniyang sinabi. Paano kung hindi ko kayanin? Mukhang magiging masungit ang isang 'to ngayon! Tatagal kaya ako rito? Gusto ko lang naman gumraduate.
Napabuntong-hininga ako at pilit na sinasabi sa sarili ko na para naman ito sa future ko. Nandito ako para maka-graduate!
Kaya ko 'to! Kaya mo 'yan, Khione! Let's fight for our dreams!

ВЫ ЧИТАЕТЕ
Chew on Something | ✓
Любовные романыCOOK SERIES UNO: Vermont Mabry Z. Villavicencio Meet Khione, a cooking student from La Union who has been dealing with insecurities due to persistent pimples since high school. She's in the city for her internship and has become a timid girl due to...