Chapter 18

23.1K 505 65
                                        

Chapter 18

"Oh, nagtatampo ka na naman," sabi ko kay Vermont na nakabusangot na naman ngayon sa loob ng kotse niya.


Pauwi na kami at ihahatid niya ako sa apartment. "Palagi ka na lang nagtatampo simula no'ng maging tayo," dagdag ko.


Napabuntong-hininga siya bago lumapit sa akin. "I can't help to get jealous. More boys are coming around you. Ang ganda-ganda mo, ang daming nakikiagaw," nagtatampo niyang boses na sabi.


Bahagya naman akong natawa dahil sa kaniyang sinabi. "Sa tingin mo naman magpapaagaw ako?" tanong ko. I runned my fingers through his hair and kissed him. "Hindi naman, hindi ba? Kasi nga sa 'yo lang ako."


"I love you," malambing niyang boses. "I love you, boss madam," ulit niya.


"I love you, too. Sa 'yo lang ako palagi..." I cupped his face. "Mawala man ako ng alaala, makikilala ka naman ng puso ko," mahinang boses na sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya.


He kissed me gently and guide my nape to kiss me more. Bumaba ang kamay ko sa kaniyang braso para mabigyan siya ng access. We're both smiling between our kisses.


"Hindi na... Hindi na ako magseselos. Ako ang hinalikan, eh," sabi niya. Bahagya lamang akong natawa dahil sa kaniyang sinabi.


Sa lumipas na araw ay naging maganda ang araw ko kaya nang mag-day off ay inaya ko na kaagad si Vermont na umuwi kami sa La Union. Hapon na kami nakabiyahe at 3hrs iyon bago makarating sa amin. Nag-stop over din kami sa ilang lugar para pagpahingahin si Vermouth dahil siya ang nagmamaneho. Inaya ko nga ang dalawa kong kaibigan pero hindi na sila sumama dahil biglaan at wala raw silang pasalubong sa mga kamag-anak nila.


"Lola! Lolo!" tuwang-tuwa kong sigaw mula sa labas.


Tumakbo ako papasok ng bahay. Nagulat naman sina lolo at lola nang makita ako. Mabilis akong yumakap sa kanilang dalawa at nagmano. 


"Na-miss ko kayo!" tuwang-tuwa kong sabi. Nakita ko naman ang galak sa kanilang mga mukha. Ang alam kasi nila ay sa December pa ako uuwi dahil kapag hindi ko nga tinapos ang isang sem ay hindi na ako babalik dahil sa pagka-miss ko sa kanila.


"Akala ko sa December ka pa uuwi?" takang tanong ni lola.


"May kasama po ako..." Nilingon ko si Vermont bago tumingin kina lolo at lola. "Si Vermont po, boyfriend ko."


"Oh? Boyfriend mo na, apo?" tanong ni lolo.


Marahan naman akong tumango. "Opo, lolo."


Tumingin silang pareho kay Vermont nang magmano ito sa kanila. "Good evening po. Pasensya na po at ginabi kami," aniya.


"God bless. Naku, ayos lang at saktong nakapagluto na kami ng hapunan. Kumain na ba kayo? Kain muna kayo, mga apo. Nagluto ako ng ginataang kalabasa at sitaw. Meron ding pritong tilapia," sabi ni lola.

Chew on Something | ✓Where stories live. Discover now