Chapter 2

29.7K 630 106
                                        

Chapter 2.

Tour guide


"Naku, pasensya ka na, ah. Wala kasing pasok ang apo ko kaya hinahayaan ko na lang matulog nang mahaba."


Habang papunta ako sa may terrace ay naririnig ko na ang boses ni lola. Mukhang may kausap siya. Sino naman kaya ang pupunta ng ganitong oras? Kadalasan naman kapag aani ay sa bukid na nila kakausapin sina lolo at lola.


"Kung gusto mo, sina Chi at Akira na lang ang uutusan ko," dagdag nito.


Kumukusot pa ako sa mga mata ko habang nakasilip sa pintuan. Napahikab ako bigla nang matamaan ng araw ang mga mata ko. Anong oras na ba at ang tirik na ng araw?


Natigilan ako sa aking ginagawa nang makita kung sino ang kausap ni lola. Nakatingin siya sa akin habang nakaupo sa may rattan na upuan. Nasa hita niya ang alaga naming pusa. Hinihimas niya ang buhok nito habang ang aking pusa ay napapapikit pa. Mukhang gustong-gusto niya ang ginagawa sa kaniya.


"It's fine po, lola," sagot niya ngunit nakatingin pa rin sa akin.


Ang hilig niya akong tingnan! Dapat na ba akong mag-assume?!


Napahawak ako sa ilong ko nang may makapa na naman akong pimples doon. Lintek naman, oh! Pawala na nga sila, eh. Masakit!


Tumingin sa akin si lola at napangiti. "Mukhang may nagugustuhan ka, apo. Ang laki niyan, ah," pang-aasar ni lola sa akin.


Napanguso ako. "Totoo ba 'yon, lola?"


"Aba, kung alam mo naman sa sarili mo na meron. Edi, maniwala ka. Mayroon ba?"


Nahihiya akong tumawa at nag-unat. "Wala po, lola. Aral muna, oh! Dalawang sem na lang po. Pagkatapos no'n, p'wede na po."


Ngumiti si lola sa akin bago muling ibinalik ang tingin sa aming bisita. "Kaya mo ba siyang hintayin, Vermont?"


Napatingin si Vermont kay lola at mukhang nagulat pa. Nang makabawi ay ngumiti siya. "Oo naman po."


"Huh?" taka kong tanong. Anong hihintayin? Oh, bakit? Ano meron?


Tumingin sa akin si lola. "Kailangan niya raw ng tour guide ngayong araw. Sa akin lumapit. Kaya apo sige na at kumain ka na. Hihintayin ka ni Vermont."


Hindi ako makapaniwalang itinuro ang aking sarili. "Ako? Magiging tour guide niya?"


"Bakit naman hindi? Nakasama mo naman siya kahapon kahit saglit. Kaya alam kong medyo komportable na siya sa 'yo. Sige na."


Pinapasok na ako ni lola at wala na akong nagawa kundi ang dumiretso sa kusina at kumain. Pagkatapos no'n ay nagmadali lang akong naligo. Nagsuot lang ako ng t-shirt at ng pants. Simple lang dahil mainit din. Nagdala na lang din ako ng small bag para sa lagayan lang ng phone at wallet ko.

Chew on Something | ✓Where stories live. Discover now