Chapter 16
Kanina pa ako pagulong-gulong dito sa higaan dahil sa nangyayari. Kami na ni Vermont! Boyfriend ko na siya. First boyfriend.
Napanguso ako dahil hindi ko alam kung paano na ako magre-react sa harapan niya. P'wede na ba akong mag-inarte? Magpalambing? Magpa-baby?
First boyfriend ko siya kaya hindi ko alam kung paano na ako aarte sa harapan niya.
Hindi ko mapigilang ngumiti lalo na nang makita ang story niya sa IG.
@verzaricio • 3hr
my girlfriend 💗
Picture iyon ng kamay naming dalawa na magkahawak. Nando'n din ang bouquet. Maging ang babang part ng painting niya para sa akin.
May post din siya sa kaniyang ig. Puro iyon pictures sa museum pero ang nasa pinakaunahan ay ang nakatalikod na ako habang hawak ang bouquet at nakatingin lamang sa malaking painting.
Hindi rin ako makikilala sa painting dahil sa babang parte lang ang inabot. Nakita ko naman kaagad ang mga comments na nando'n.
@verzaricio • 3hr
my beautiful boss madam💓@madivillavicencio
finally! congratsssss, mabmab ko❤️@delttizaricio
yun oh pakain na, 'ya@majestyzaricio
yeyy! ang ganda talaga niya huhu
~ replied
@lilychiz
Sino po ang girlfriend?
~ replied
secret po
Napangiti ako dahil supportive ang pamilya niya. Pinaalam ko na rin kay mama at tatawag na lang daw siya bukas para makausap si Vermont. Kailangan ko ring ibalita 'to kina lola kaya uuwi kami sa sabado ng hapon para pagkalinggo ay babalik na rin.
Maaga akong nagising kinabukasan dahil masaya ang araw ko. Hindi na ako maawat kakangiti dahil finally may boyfriend na ako at si Vermont iyon. You will be happy when your dream guy became yours. . . officially.
Pagkalabas ko ay naabutan ko siya sa kusina na nagluluto. Marahan akong naglakad papunta sa kaniyang likuran at niyakap siya. Isinandal ako ang aking ulo sa kaniyang likuran. Amoy na amoy ko ang kaniyang pabango dahil sumisiksik iyon sa aking ilong. Kahit yata pagpawisan siya ay maaamoy mo pa rin siya.
"Good morning," bati ko.
"Good morning, boss madam. How's your sleep?" malambing niyang tanong habang nagluluto pa rin at nakayakap ako sa kaniya.
"Masarap ang tulog ko..." Tumabi ako sa kaniya. "Himala at hindi ka maagang pumasok ngayon?" tanong ko.
"I cooked for my girlfriend..." He gave me a softkiss. "I love you."
Napangiti naman ako lalo. "Ang aga, ha..." Napatingin ako sa kaniyang niluluto. Egg sandwich iyon na may bacon. Napatingin ako sa tabing kawali. May fried rice pa roon at saka longganisa. "Ang dami mo namang niluto."

YOU ARE READING
Chew on Something | ✓
RomanceCOOK SERIES UNO: Vermont Mabry Z. Villavicencio Meet Khione, a cooking student from La Union who has been dealing with insecurities due to persistent pimples since high school. She's in the city for her internship and has become a timid girl due to...