Chapter 10
Napatingin siya sa dalawa kong kasama. He stopped from smiling and went back for being serious.
"Chi, tara na kakain na tayo," aya ni Akira at hinila si Chi. "Maraming pagkain ngayon."
"Oo nga. Tara na, dali. Itakwil muna natin 'yong isa," sagot naman ni Chi.
Nang makaalis silang dalawa ay napatingin ako kay Vermont, nakatingin na siya sa akin at mukhang hinihintay ang sagot ko. Hindi ko alam kung p'wede na ba ako mag-assume sa lagay na 'to o hindi pa, e. Pero sana p'wede na para naman sulit ang OJT ko.
"Tara na..." Napaiwas ako ng tingin. "Baka napagod ka nang sunduin nililigawan mo, eh," bulong kong dagdag.
"What?" kalmado niyang tanong.
Marahan akong natawa sa kaniyang itsura. Dahil takang-taka siya sa aking sinabi. "Wala. Tara na," sabi ko at ngumiti sa kaniya.
"Hmm? Ano nga 'yon? I didn't hear it clearly."
"Ito naman. Wala nga..." Hinawakan ko siya sa kaniyang braso. "Tara na."
Pumila na rin kami sa may lunch area para kumuha ng pagkain. Tatlong putahe ang madalas ihain kapag break time tapos madagdagan lang kapag ubos na at mag-iiba ang nakahain. Mga chef lang din dito ang nagluluto ng mga 'yan pero sabi sa amin ay ang triplets daw ang madalas magluto.
"Why you got so little?" he asked me while we're sitting. Pagtukoy niya sa pagkain.
Napatingin ako sa pagkain ko. "Ha? Okay na 'to, hindi naman ako kumakain nang marami kapag nasa work. Sa bahay lang."
Hindi siya umimik at tumingin lang saglit sa akin bago muling kumain. "You should eat more later," aniya sa mababang boses.
Nagtama ang tingin naming dalawa. Tumango ako bago ngumiti. "Siyempre naman. Ako magluluto, ah?"
"No. I will."
"'Wag ka na makipagtalo," pang-aasar ko pa sa kaniya bago tumawa.
He just smirked at me. Nagpatuloy na rin siya sa kaniyang kinakain.
Masaya ako sa nararamdaman ko ngayon. Kasabay ko siyang kumain. Hindi siya nandidiri sa kung anong nakikita niya. He treated me so well. Tipong wala siyang pakialam sa pimples ko kahit no'ng nasa province pa kami.
Pero kung dumating man ang araw na hindi na siya ganito, I'll let him go. Never na rin akong magbe-beg for attention.
Pagkatapos ng duty namin ay napansin ko naman kaagad si Chef Madi sa labas ng restaurant. Pinagkakaguluhan siya ng media.
"Chef, ano pong masasabi n'yo tungkol sa nangyari sa inyo?"

YOU ARE READING
Chew on Something | ✓
RomanceCOOK SERIES UNO: Vermont Mabry Z. Villavicencio Meet Khione, a cooking student from La Union who has been dealing with insecurities due to persistent pimples since high school. She's in the city for her internship and has become a timid girl due to...