Chapter 4

25.9K 574 139
                                        

Chapter 4.

"Kailan ka pa umuwi?" kalmado kong tanong sa kaniya bago ngumiti.


Lumapit ako para tingnan kung ano ang kaniyang niluluto. Sinilip ko ang kaldero at sinigang na bangus iyon. Wow! Favorite ko!


"Kanina lang. I went here when I arrived."


Naramdaman ko ang presensya niya sa gilid ko kaya ramdam ko na naman ang kaba ng puso ko. Pero hindi iyon nakakatakot kung hindi kilig na nararamdaman. Dahil alam ko sa sarili ko na may nararamdaman para ako sa kaniya. Kung noon ay mababa pa ang chance ko na lumalim ang nararamdaman. Ngayon, alam ko na lalalim lang iyon.


"How are you?" he asked.


Marahan akong tumingin sa kaniya at nahuli ko kaagad ang tingin niya sa 'kin. Napakurap ako lalo dahil sa paraan ng pagtingin niya. Para bang nalulusaw ako sa mga titig niya. Iyong tingin na na-mi-miss mo ang isang tao at ngayong nakita mo na ay ang sarap sa pakiramdam kaya gusto mo na lang tumitig. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o hindi.


Ngumiti ako sa kaniya. "Ayos lang naman ako. Wala namang espesyal na nangyari..." Maliban sa dumating ka na.


Naramdaman ko kaagad ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Umayos ka nga, Khione! Baka mahalata ka niyan! Kita mo namang malabong magustuhan ka niyan. Look at yourself, nagbe-break out ka na naman kaya malabo talaga na magustuhan ka niya.


"Ikaw ba?" tanong ko pabalik at umiwas ng tingin saglit.


"I missed you."


Literal na natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya o ano! Lord, ano po ito? Boyfriend na po ba ito or joke time?


Para na akong natameme dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko sa kaniya! Para na akong binuhusan ng malamig na tubig sa sobrang gulat.


Nang makabawi ako ay humalakhak ako at pabirong hinampas ang braso niya. "Grabe, ah. Na-miss mo siguro ang gala natin," I said cheerfully.


Para bang sinagot ko ang sinabi niya in a joke way. Walang ibang ibig sabihin. Baka na-miss niya lang ako bilang kaibigan.


Nakita ko ang expression na para bang hindi inaasahan ang sinabi kong iyon. Nakakunot ang kaniyang noo habang nakaawang ang mga labing nakatingin sa akin.


"Uy, sana all!"


Parehas kaming napatingin sa may bungad ng kusina at nando'n na ang dalawa kong kaibigan. Sina Chi at Akira, halatang may mga mapang-asar silang mga mata nakatingin sa amin. Hindi ko na iyon pinansin at saka kaagad akong lumapit sa may platuhan para kumuha na ng mga plato.


"Kain na tayo," aya ko sa kanila. "Pakitawag naman sina lola," sabi ko habang nakatalikod sa kanila.


Naramdaman ko na naman ang presensya ni Vermont sa may likuran ko. Alam ko na siya dahil sa pabango niya! Sumisiksik kasi sa ilong ko iyon.

Chew on Something | ✓Where stories live. Discover now