Chapter 2

41 1 0
                                    

Chapter 2

'HINDI PA TAYO TAPOS'

Hanggang sa paglabas ng classroom, hindi pa rin nawala sa isipan ni Ticia ang bantang iyon ni Vander. Hindi naman sa natatakot siya but the moment he said it earlier, parang gusto siyang lamunin nang buhay ng lalaking iyon. She felt the guilt after what happened but it wasn't her fault. Si Vander pa rin naman ang naunang magpakita ng kagaspangan ng ugali after all. Aminado naman siya na hindi rin naman maganda ang ugali niya minsan pero nakadepende iyon sa kaharap niya. Kaya tama lang ang ginawa niya kay Vander na kung tutuusin ay kulang pa dahil muntik na siyang pagbuhatan ng kamay nito.

Habang malalim ang iniiisip at tulalang naglalakad sa corridor si Ticia, hindi niya napansin ang taong nasa harapan. Hindi sinasadyang mabangga niya ang kasalubong dahilan para tumama ang ulo niya sa dibdib nito. Ang akala nga niya ay naglalakad na semento ang sumalubong sa kanya dahil sa tigas noon. Pero nang tingalain niya kung sino ang nagmamay-ari ng kasing tigas ng batong dibdib na iyon ay awtomatikong nagsalubong ang kilay niya. Magso-sorry sana siya pero mukhang ang dila na niya mismo ang umurong nang magsalubong ang mga mata nila ng lalaking pamilyar na pamilyar ang mukha at sumira sa first day of school niya sa Dalton Academy.

"Ikaw pala. Akala ko naman kung sinong aswang ang bumangga sa akin," angil niya sabay irap kay Vander na sinadyang salubungin siya habang tulalang naglalakad. Bahagyang yumuko si Vander para magpantay ang tingin nila. Medyo matangkad kasi ito sa kanya.

Tinitigan siya ng binata sa mga mata. "Sa guwapo kong 'to. Sasabihan mo 'kong aswang..." In fairness, guwapo nga naman siya sa malapitan. Kitang-kita ang kulay ash brown niyang mga mata sa tuwing matatapatan ng liwanag ng araw, dagdag pa roon ang makapal niyang kilay na bumagay sa complexion ng kanyang mukha. Kahit messy hair, ang hot niya pa rin sa malapitan. Pero teka, hindi naman yata tamang magpadala si Ticia sa taglay na kaguwapuhan ng lalaking kaharap lalo't ito ang naging dahilan kung bakit nasira ang araw niya.

"Taas din ng tingin mo sa sarili mo, 'no? Tumabi ka nga!" Bahagyang itinulak ni Ticia si Vander pero mabilis na nahawakan ng binata ang kanyang braso at siya naman ang itinulak nito sa pader dahilan para mapasandal siya roon at magkatitigan muli ang kanilang mga mata. Nagulat siya sa ginawa nito sa kanya na naging dahilan para bigla siyang makaramdam ng mabilis na pagtibok ng kanyang puso. All of a sudden, she heard a music in her ears. Iyon bang siya lang ang nakaririnig noon.

"Remember this name, young lady... Vander Dela Vega. You will regret the day you met me here at Dalton Academy," banta nito. Panibangong kaba na naman ang naramdaman ni Ticia. Pero bakit ba siya magpapadala sa sinasabi ni Vander? Wala naman siyang ginagawang masama rito. Kasalan din naman kasi niya kung bakit na-trigger siya. Mag-sorry ba naman ng labas sa ilong, sinong hindi maiinis doon?

"Scary..."

Walang ano mang paalam ay bigla na lamang hinawakan ni Ticia ang batok ni Vander at pinukol ang sikmura nito gamit ang kanyang tuhod. "Ugh!" Vander groaned with agony. Sa gulat nito, wala itong nagawa kundi ang hawakan na lamang ang tiyan at namilipit sa sakit hanggang sa mapahiga sa sahig.

"Pasalamat ka at hindi 'yang kaligayahan mo ang tinumbok ko. Kung hindi, balls eye ka sana." Tatawa-tawa pa si Ticia habang papalabas ng corridor at naiwang namimilipit si Vander sa sahig.

"You, b*tch! Bumalik ka rito!" sigaw ni Vander pero parang walang tainga lang si Ticia na confident na naglakad palabas ng building.

***

"TISH! DITO!"

Nasa cafeteria noon si Ticia at hinahanap si Vien. Nang marinig niya ang sigaw ng kaibigan ay kaagad naman niyang itinaas ang kamay at sinenyasan ito saka lumapit sa kinaroroonan ni Vien. Kasama nito ang dalawa pang babae na tingin niya ay kasing-edad lang din nila at doon din pumapasok. Sopistikada rin manamit tulad ni Vien kaya sigurado siyang kaibigan din nito ang dalawa.

"Hi, girls. Kumusta?" agad niyang bati sa dalawa. Tipid ang ngiti ng babaeng ibinigay sa kanya ng babaeng payat at hanggang balikat lang ang buhok habang ang isa naman ay tinitigan lang siya na para bang hinuhusgahan.

"Hi." Saka pa lamang ngumiti sa kanya ang babaeng tiningnan muna siya mula ulo hanggang paa.

"Ahm... by the way, Tish, ito nga pala si Farrah," pakilala niya sa babaeng short-hair, "at ito naman si Belle," sunod niya sa babaeng parang pinanganak na may trust issue dahil sa tingin nitong mapanghusga. "They are my friends," dagdag pa ni Vien.

"OMG!" Bigla na lamang nanlaki ang isa sa mga kaibigan ni Vien na si Belle. Nagulat ang tatlo sa naging reaction nito at napansin na lang nilang nakatingin ito sa dibdib ni Ticia.

"Why? What's wrong?" tanong ni Farrah.

"Girl, ano ba? Nakakagulat ka naman!" sabat ni Vien.

"A-Anong meron?" may pagtataka namang tanong ni Ticia.

"Is... is that Leticia's limited collection necklace?" tanong ni Belle habang titig na titig sa kuwintas na suot ni Ticia.

"Ah... yes. Ito nga 'yon."

"C-Can I hold it?" Halos malaglag ang panga ni Farrah nang makita ng alahas na suot ni Ticia.

"Yeah, sure. Sandali lang." Agad naman hinubad ni Ticia ang kuwintas at ibinigay kay Farrah.

Manghang-mangha naman si Farrah nang mahawakan nito ang kuwintas na para bang iyon ang unang pagkakataong nakakita siya ng ganoong klaseng kagandang kayamanan. "Oh my gosh! It is so beautiful."

"Wait. How come that you have this necklace? Alam mo bang iilan lang ang may ganito? Iniyakan ko pa na hindi kami nakabili ng ganitong limited collection dahil a minute after it was release, sold out agad knowing na napakamahal ng kuwintas na 'to?" paliwanag ni Belle na hindi rin makapaniwala.

Napakibit-balikat na lang di Ticia. "It was one of my mom's designs." Balewala lang sa kanya iyon pero big deal na para sa ibang alta sociedad ang mga ganoong klaseng bagay.

"Wait... what? Your mom's design? You mean, anak ka ni Stella Villaflor?" They heard it right. She's the one and only, Leticia Villaflor.

"Actually, that jewelry was named after me," Ticia said with confident. Kung may maipagmamalaki man siya, iyon ay ang pangalang itinatag ng kanyang ina mula sa pangalan niya.

"OMG! Vien, you didn't tell me na may friend ka palang anak ng paborito kong personality," sambit naman ni Farrah na hawak pa rin ang kuwintas.

"Well. Hindi naman kayo nagtatanong, eh," natatawang saad naman ni Vien.

"P'wede ko bang hiramin 'to? I just want to feel the essence of this jewelry," pakiusap ni Farrah.

"You can have it if you want."

"Talaga!" Oh my God! Thank you, Tish. From now on, kasali ka na sa circle namin," Farrah said.

"Welcome to the club, Tish," nakangiti namang saad ni Belle.

Hindi man naman naging maganda ang umaga ni Ticia dahil kay Vander, mukha namang magiging maganda ang experience niya dahil sa mga bagong kaibigan. Pero ang tanong, tatagal kaya siya sa Dalton Academy kung araw-araw niyang makikita ang Vander na 'yon?

My Dominant GirlfriendWhere stories live. Discover now