Chapter 5

8 2 0
                                    


Chapter 5

LUMILIPAD ang isipan ni Ticia habang sakay ng kotse. First day pa lang niya sa Dalton Academy pero parang buong sem na ang pagod na ang naramdaman niya. Hindi rin kasi matanggal sa isipan niya ang mga bagay na nangyari sa kanya, lalong-lalo na at na-encounter niya si Vander. Kung iisipin, normal lang para sa kanya ang makakilala ng lalaking tulad nito. Madalas din naman siyang may makaaway na lalaki noon sa school na dati niyang pinapasukan pero iba ang pakiramdam niya noong makaharap na niya ang binata.

"Ma'am, nandito na po tayo." Tila naalimpungatan siya sa malalim na iniisip nang kuhanin ng driver niya ang atensyon niya. Nang tingnan niya ay paligid ay nakaparada na pala ang kotse sa bahay nila.

Agad naman niyang inayos ang gamit. "Salamat, Kuya Jeff."

"Mukhang malalim ang iniisip natin, ah. Kumusta po pala ang first day natin sa school?" kaswal na tanong nito sa kanya. Hindi na rin naman iba sa kanya si Kuya Jeff niya. Simula pa lang noong elementary ay ito na ang kasa-kasama niya sa pagpasok sa school hanggang sap ag-uwi ng bahay. Halos isang dekada na rin nang magtrabaho sa kanila bilang driver ang lalaking nasa kuwarenta anyos na. Kaya naman ganoon na siya kausapin nito.

Napabuntonghininga na lamang si Ticia. "Medyo stressful pero kaya naman."

"Na-culture shock ka lang siguro." Napangiti si Ticia sa sinabi ng driver.

"Wow! Saan mo natutunan ang mga ganyang term, Kuya Jeff?" Natutuwa siya tuwing may maririnig na bagong salita sa driver. Minsan nga ay mas alam pa nito ang mga nauusong salita kumpara sa kanya. Palibhasa kasi ay babad ito sa social-media dahil iyon lang napapaglibangan ni Kuya Jeff kapag may bakanteng oras ito.

"Nabasa ko lang po sa sosyal-midya," natatawa naman nitong sambit sa kanya at proud pa sa sinabi.

Panibagong buntonghininga na naman ang ibinuga ni Ticia. "Siguro nga po. Nag-a-adjust lang siguro ako."

Kaagad namang bumaba si Kuya Jeff ng sasakyan at ito na mismo ang nagbukas ng pinto ng passenger's seat kung saan siya naroroon. "Ako na lang po ang magdadala ng gamit ninyo sa loob," alok nito.

"Salamat po."

Nang makapasok naman siya ay sumalubong sa kanya ang kanyang inang si Stella. Nagulat siya nang makita itong bumababa sa hagdan. "Hello, my princess..." malapad ang ngiti nitong bati sa kanya.

"Mom?" Hindi siya makapaniwala dahil madalas ay umuuwi itong wala sa bahay. Kung hindi kasi sa opisina naglalagi ang ina ay may business trip ito.

"Surprise?" tanong nito.

"I thought you were in Australia."

"Well, may na-cancel akong meeting kaya nag-decide akong umuwi," her mom announced.

"Bakit hindi ka nagsabi? Sana ako na lang ang sumundo sa 'yo."

"Eh 'di, hindi na surprise? Tsaka, first day mo ngayon sa Dalton Academy. I don't want to ruin your first day sa school." Hinawi nito ang buhok niya like she usually doing kapag nagkikita sila.

"Actually, nasira na," bulong niya sapat lang para siya ang makarinig ng sinabi.

"What?"

"Ah, wala po. Akyat lang po ako para magbihis," pagsisinungaling niya.

"Sige. Bilisan mo, I cooked all your favorites."

Nagmamadali namang umakyat si Ticia sa kuwarto niya at nagbihis. Hindi na niya nainda ang pagod mula sa maghapon dahil sabik siyang makasalo ulit ang ina sa dinner. Ilang beses pa lang kasi niyang nakakasama ang ina sa pagkain. Minsan naman, kapag kasama niya ito sa hapag ay trabaho pa rin ang kasalo nito. Kung hindi iPad ay laptop ang nakapatong sa mesa nito kasama ng mga pagkaing nakahanda. Pero mukhang sa pagkakataong iyon ay wala siyang magiging kaagaw sa oras nito habang kasalo sa pagkain.

Agad naman siyang nagtungo sa kitchen at sumalubong sa kanya ang napakaraming pagkain at lahat iyon ay paborito niya. "Wow..." ang tangi niyang nasabi.

"Do you like it?" Tumango si Ticia.

"Ano pong okasyon?" tanong niya.

"Wala naman. Masama bang ipagluto ang prinsesa ko?" That was the first time her mother made it for her. Kaya naman nagtaka siya.

Nagkibit-balikat lang siya. "Hindi naman po."

"Ang mabuti pa, maupo ka na bago lumamig itong mga pagkain." Stella pulled the chair to take her seat.

"Thank you, mom."

"You're always welcome, love." Hinaplos nito ang kanyang pisngi bago umupo sa kanyang upuan. "Kumusta pala ang first day mo sa Dalton. Did you enjoy it?"

"Kinda..." Napakibit-balikat siya.

"Is there something wrong?" Napaisip siya kung sasabihin pa niya ang nangyari sa school pero dahil iyon lang ang oras na makakapag-bonding silang mag-ina, hindi naman siguro masama kung sasabihin niya ang naging worst experience niya sa Dalton Academy.

"Well... I just met this arrogant guy in the academy. Sobrang yabang niya, mom!" The way she described Vander is like she wanted to punch him. Kung nasaan man Vander sa mga oras na iyon, siguradong nabulunan na ito.

"Mukhang hindi maganda ang first day mo, ah," her mother said.

"Maganda din naman, mommy. May nakilala akong bagong friends and they are your big fan," pampalubag-loob naman na bawi ni Ticia.

"You mean...your big fan. Remember, I named the company after you," Stella said proudly.

"Yeah, but you're the one who created Leticia's Collections so technically, they are your fans."

"What mine is yours. Ikaw rin naman ang magmamana ng lahat ng ito pagdating ng panahon." Stella always reminding Ticia that she will follow her steps soon. Kulang na nga lang ay ipasok na siya sa kompanya para mamahala nito pero masyado pang bata si Ticia para gawin ang bagay na iyon. Besides, she wanted to enjoy her youth first before she took the big responsibility that she needs to face. Mas gusto nga niyang mag-travel para magbakasyon lang at hindi dahil may business-trip siyang aasikasuhin tulad ng ina niya.

"Mom. Can we just enjoy the food?" pag-iwas niya sa usapan.

"Okay. Ubusin mo 'yan, ha?" bilin ni Stella.

Habang kumakain, nasagi sa isipan ni Ticia ang binatang si Vander. Naalala nito na 'Dela Vega' rin ang apelyido tulad ng kanyang ama kaya napatanong siya sa kanyang ina. "Mom, may iba pa bang relatives si Dad?" tanong niya.

Stella looked at her like she was remembering something. "Aside from your Uncle Eric, wala na. They have cousins abroad pero hindi na sila umuuwi dito sa Pilipinas. Bakit mo natanong?"

"Wala naman. May naalala lang po ako," she just said. Hindi niya kasi ginagamit ang apelyido ng ama kaya hindi niya na-realize na kaapelyido ni Vander ang ama niyang si Evo. Pero kung sakali mang konektado ito sa ama niya, napakamalas naman niya dahil nalahian sila ng arogante at walang modong tulad ni Vander.

My Dominant GirlfriendWhere stories live. Discover now