Chapter 3

37 2 1
                                    

Chapter 3

HAWAK pa ni Vander ang sikmura habang papasok sa cafeteria kung saan sila madalas tumambay ng mga kaibigan niya. Halata pa rin sa mukha niya ang pamimilipit sa sakit habang papalapit sa mesa kung saan naroroon ang dalawa niyang kaibigan na sina Drae at Zeek.

"Bro, what happened?" tanong ni Drae nang umupo ito sa tabi niya. Nahalata nito ang pagkalukot ng mukha niya nang lumapit siya sa dalawa.

"Someone hit me," he just said.

"What?! Nasaan? Gusto mo, upakan namin 'yon ni Drae?" saad naman ni Zeek na handa na sanang rumesbak. Sa kanilang tatlo, si Zeek ang madalas napapa-trouble. Ayaw kasi nito na may ibang tao naaargabyado sa mga kaibigan nito. Kaya ganoon na lamang ang naging reaksyon ni Zeek nang marinig ang mga sinabi ni Vander.

"H'wag na. She's just nothing."

"Naku! Hindi! Dapat walang—" Bigla itong natigilan nang ma-realize kung ano ang huling sinabi ni Vander. "Wait! Did I hear it right? 'She'? You mean... it's a girl?" Halos malaglag ang panga ng dalawa sa mga nalaman mula sa kanya. No one in Dalton Academy could have the guts to hurt anyone of them, lalo na si Vander. Pero sa dinami-dami na puwedeng manakit kay Vander, babae pa talaga.

Buong akala naman ni Vander ay maaawa sa kanya ang mga kaibigan, pero mali pala ang inaasahan niya mula sa mga ito. Narinig pa niya ang korong paghagalpak ng dalawa na segundo lang ang lumipas matapos niyang sabihin na babae ang nanakit sa kanya. Kasabay noon ay nagsalubong ang kilay niya at tiningnan ng masama ang mga kaibigan. "A-Anong nakakatawa?" gigil na tanong niya. May nakakatawa ba sa mga nasabi ko?

"Bro naman, all we thought you are the Casanova king here at the academy. Kulang na nga lang ay maghubad ng panty ang mga babae sa harap mo, pansinin mo lang sila. Then all of a sudden, you will say na babae lang din ang bubugbog sa 'yo?" paliwanag ni Drae tapos ay muling humagalpak ng tawa.

"'Yong heartthrob ng Dalton Academy, mukhang hurtrob na ngayon," segunda naman ni Zeek na mas lalo pang lumakas ang tawa.

"Tumigil nga kayong dalawa. Hindi nakakatawa 'yon!" pikon na sigaw ni Vander. Hindi niya alam kung saan siya napipikon, eh. Sa pang-aasar ng mga kaibigan o dahil sa babaeng sumikmura sa kanya kanina. Kung hindi lang talaga babae ang isang 'yon, malamang ay hindi lang bugbog ang inabot nito sa kanya. For the first time, may pumatol sa kanya. Pero hindi siya papayag ng ganoon na lang 'yon. Oras na magkita ulit sila ng babaeng 'yon, ipapakilala niya rito kung sino siya.

"Pero bro, maganda ba 'yong girl?" Sa dinami-dami ng puwedeng itanong iyon pa talaga ang naging tanong ni Drae sa kanya.

Maganda sana kaso... "Hindi! Mas mukha pa siyang lalaki sa 'kin!" pagsisinungaling niya.

"'Yon lang..." dismayadong sambit ni Zeek sabay tawa ulit. Hindi talaga titigil ang dalawa sa pang-aalaska sa kanya lalo pa't nalaman ng mga ito ang nangyari sa kanina. Sigurado siyang hanggang mamaya ay iyon ang magiging topic nila.

Habang abala naman ang dalawa sa pagsira sa kanyang pinagmamalaking ego, hindi sinasadyang mapalingon si Vander sa isang table hindi kalayuan sa kanilang kinaroroonan. Pamilyar ang mukhang bumungad sa kanya sa table na iyon kung saan nakaupo ang apat na babae kasama ang babaeng muntik nang sumira ng pagkatao niya.

"Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. She's here!" Awtomatikong umangat ang kabilang dulo ng labi ni Vander. Nakakalokong ngisi ang ipinukol nito sa babaeng kabangayan niya kanina. Nang mapansin naman ng dalawa kung sino ang tinitingnan ni Vander ay agad na inilapit ng mga ito ang mukha sa kanya upang masipatan din kung saang direksyon siya nakatingin.

"Sino?" korong wika ng dalawa na halos gawing palaman ang mukha ni Vander. Pinanggitnaan kasi siya ng dalawa kaya ramdam ni Vander ang mainit na pisngi ng dalawa.

"Ano ba?! Lumayo nga kayo!" Nandidiring itinulak ni Vander ang mga kaibigan.

"Siya ba 'yong bumugbog sa 'yo?" tanong ni Drae.

"Sino ro'n? Apat 'yon, eh," sambit naman ni Zeek na isa-isa pang tiningnan ang mga babae sa katapat nilang table.

"That girl wearing white shirt." Magkasabay na lumingon ang dalawa sa babaeng dine-describe ni Vander.

"Sabi mo, mukhang lalaki pa sa 'yo? Eh, pucha! Kung tatanungin mo ako ng totropahin o jojowain, bro... jojowain ko 'yan. Ganda, oh!" May emphasis pa sa huling sinabi ni Drae.

"Bro, sigurado ka bang iyan ang bumugbog sa 'yo? Para namang hindi niyan magagawang manakit," segunda ni Zeek.

"Hindi mo sigurado. Kayang-kaya niyang paduguin ang ilong mo," may pagbabanta sa tonong sambit ni Vander.

"Nagawa n'ya 'yon?!" gulat na tanong ni Drae. Tumango lang si Vander bilang sagot.

"Mukhang nakahanap na ng katapat ang isang Vander Dela Vega." Pailing-iling pang nakangisi si Zeek habang nakatingin sa kanya.

"Kaya kailangan kong makaganti sa kanya. Hindi niya kilala kung sino ang kinakalaban niya." Matalim na tinitigan ni Vander ang dalaga sa kabilang table. Napansin naman siya nito na napatingin na rin sa kinaroroonan nila. Pero sa halip na matakot ang babae ay nakipagpaligsahan pa ito ng titig sa kanya. Kunwari pang kinamot nito ang ulo gamit ang hinlalatong daliri na senyales na minumura siya nito.

Mas lalong nainis si Vander na tatayo n asana pero bigla na lang hinawakan ni Zeek ang balikat niya dahilan para mapabalik sa kinauupuan. "Gusto mo bang gumanti? Akong bahala," pangungumbinse ni Zeek.

"Anong gagawin mo?" Tumayo lang si Zeek na wala man lang paliwanag at nilapitan ang kabilang table. Nagtataka ang dalawa sa ginawa ng kaibigan. Para lang itong pormal na nakikipag-usap sa mga babae na inikot pa ang upuan bago umupo na nasa harap nito ang sandalan.

"Anong sinasabi ni Zeek?" tanong ni Drae na ikinibit-balikat lamang ni Vander. Hindi kasi nila marinig ang pinag-uusapan nila dahil malayo at maingay din ang cafeteria. Nang magpaalam na si Zeek sa mga babae matapos ang ilang minutong pakikipag-usap ay kaagad na itong bumalik sa table nila.

"Bro, okay na," proud nitong sabi sabay thumbs up.

"Paanong okay na?"

Umupo muna si Zeek bago nagsalita. "Pinagsabihan ko lang naman. Magso-sorry daw siya bukas sa 'yo. Magkita daw kayo sa rooftop."

Napangisi si Vander sa narinig. Mukhang tumiklop na nga ang babaeng 'yon sa kanya. Pero syempre, hindi niya tatanggapin ang sorry nito kapag nagkita sila sa rooftop. Ano 'ko? Hibang! Hell no!

My Dominant GirlfriendOnde histórias criam vida. Descubra agora