Chapter 6

4 1 0
                                    


Chapter 6

PAGKATAPOS na pagkatapos ng klase ni Ticia ay agad siyang nagtungo sa rooftop ng academy. Hindi naman sa excited siyang marinig ang apology speech ni Vander pero may kailangan din kasi siyang gawin sa araw na iyon. Kailangan niyang mamili ng kulang na gamit para sa kanyang projects kaya ang pakay lang niya ay makausap ang binata at pagkatapos nitong mag-sorry sa kanya ay diretso na siya sa bookstore para mamili. Iyon na ang agenda niya at wala nang iba. Nang makarating na siya sa rooftop, nakita niya ang lalaking nakatayo sa pinakabalkonahe. Nakatalikod ito at nakatingala na tila sinasamyo ang hangin sa taas ng gusali. She was sure it was him. Kahit likod nito ay natandaan niya noong una silang magkita. Hinding-hindi makakalimutan ng kanyang memorya ang malapad nitong balikat.

"Hoy! Lalaking mukhang tinubuan ng ilong, nandito na 'ko," tawag niya rito. Sa lahat ng p'wedeng itawag kay Vander, iyon pa talaga ang naisip niyang sabihin para mapansin siya nito. Paano'y noong una silang magkita sa mata ay ang napakatangos na ilong nito ang agad na pumukaw sa kanyang atensyon. Kaya hindi na rin siguro siya nagtaka kung bakit nang patamaan niya ito ng bola ay iyon ang unang napuruhan at dumugo. Paanong hindi? Napakataas ng ilong ni Vander at kahit ruler na gamit niya ay mahihiya kapag ginamit na panukat.

Hindi man niya kita ang mukha ni Vander pero rinig niya ang mahina nitong pag-ismid.

"Finally, you're here." Vander stomp his feet down to face her. He slightly lowered his face. Medyo maliit kasi si Ticia kaya bahagya itong yumuko. "Are you ready with your apology speech?"

Ticia suddenly felt confused. She narrowed her brows as she stared at him seriously. Apology speech. Hindi ba sabi ni... Napahampas siya sa noo nang may mapagtanto. "Sh*t!" She bit her lower lip in disappointment. She was fooled. "I knew it! Sinasabi ko na nga ba, notorious kayong magbabarkada pagdating sa panti-trip sa mga estudyante rito! Ano bang napapala ninyo sa mga ginagawa ninyo?"

"Wait. What did you just say?" Vander asked drawn a confusion on his face. Kunwari pa 'tong mokong na 'to!

"Ang sabi ng magaling mong kaibigan, pumunta raw ako rito pagkatapos ng klase dahil magso-sorry ka sa ginawa mo sa 'kin. Huwag mo sabihing wala kang alam doon?"

"I don't have any idea with what you are saying. Bakit naman ako magso-sorry sa 'yo? Hindi ba dapat, ikaw ang mag-sorry sa 'kin dahil sa ginawa mo last time?" giit ni Vander.

"Kapal!" ngitngit ni Ticia. "Kung ano man 'yong ginawa ko sa 'yo, deserve mo 'yon!" She was about to leave him when someone snitch out at the back of the doorway.

"Zeek? Drae? What are you, guys, doing here?" Vander asked. They weren't aware that the two was watching them.

"Enjoy your date, guys!" Imbes na sagutin ng dalawa ang tanong ni Vander kung bakit sila naroon ay mabilis na hinila ni Drae ang pinto at sinara iyon.

"Sandali!" Hahabulin pa sana ni Ticia ang dalawa pero bago pa man niya mahawakan ang doorknob ay na-lock na sila nina Zeek at Drae. "Palabasin n'yo 'ko rito!" Halos maputol ang litid ni Ticia sa pagsigaw at paghampas sa pinto. Kahit anong hila at pihit niya sa seradura ay hindi niya magawang buksan ito.

"Technically, nasa labas na tayo," kalmadong wika ni Vander. Parang hindi man lang ito nagulat sa ginawa ng mga kaibigan nito.

"H'wag mo 'kong pinipilosopo! Tulungan mo na lang akong buksan 'tong pinto," utos niya sa binata pero parang wala itong naririnig sa mga sinabi niya.

Napabuga ng hangin si Vander. "Kahit sirain mo 'yang door knob, hindi mo pa rin mabubuksan 'yan."

"What?"

"That door has double-lock. Kaya kahit magawa mong sirain 'yan, hindi ka pa rin makakaalis dito dahil sigurado akong kinandado rin nila 'yong isang lock." Mukhang walang pakealam si Vander sa nangyayari. Imbes nga na mag-panic ito dahil nakulong sila roon ay tinitigan lang siya nito habang hindi na halos alam ni Ticia ang gagawin.

"I need to call someone." Ticia got her phone and was about to call for help. But unfortunately, the time she exactly dialed Vien, her phone went off. "What the hell?! Dead-batt na 'ko!"

"Lucky you..." Vander smirked.

"I need your phone. Give me your phone!" She had no choice. They need to get out of that place or else, she will be stranded with Vander on the rooftop the whole night.

"I left it in my bag."

"Then where's your bag?"

"In my locker..."

Sa lahat ng araw, iyon na yata ang pinakamalas para kay Ticia. Himala na lang siguro kung may tutulong silang maalis sa lugar na 'yon. She tried to call someone at the field of the campus but no one could notice them. Sa taas ba naman ng building ng academy, imposibleng marinig sila ng mga nasa field.

"What are you planning to do now?" tanong niya kay Vander.

"Nothing." He just walked away to find a place where he can rest.

"Seryoso ka ba?" tanong niya sa binatang nakaupo na ngayon sa sahig at prenteng nakasandal ang likod sa pader. Ipinikit pa nito ang mga mata na tila wala lang para rito ang nangyayari.

"Relax ka lang. Makakalabas din tayo rito," saad pa nito.

"When?"

"They did this last time with my ex-girlfriend. Ikinulong nila kaming dalawa rito at kinabukasan na kami binalikan. For sure, gano'n pa rin ang gagawin nila," paliwanag nito.

"Bukas? Bukas talaga?" Ticia couldn't calm herself thinking that she would spend the whole night with that guy. Iniisip pa lang niya na makita ang pagmumukha ni Vander ay umaakyat na ang dugo niya, ngayon pa kayang magdamag niya itong makakasama. Mas gugusutuhin pa niyang matulog sa gubat kasama ang mababangis na leon kaysa makasalamuha ang katulad ni Vander.

"The least thing that you can do for now is to wait. Wala din akong magagawa kung nadamay ka sa panti-trip ng mga kaibigan ko. Akala yata nila, papatulan ko ang katulad mong mas mabangis pa sa babaeng amazona," ani Vander.

"At sa tingin mo, papatulan din kita. Nagkakamali ka!" Hindi sinasadyang maapakan ni Ticia ang sintas ng sapatos niya nang bahagya itong lumapit sa kinaroroonan ni Vander. She suddenly fell down and found herself on the top of him. Halos magkapalit na nga sila nang mukha nang mahulog si Ticia. Mabuti na nga lang at nasalo siya ni Vander kaya ngayon ay nakapatong siya rito.

Napatitig nang ilang segundo si Ticia sa mukha ng binata. Nagulat siya at hindi alam kung anong magiging reaksyon sa biglaang nangyari. Bakit bumilis ang tibok ng puso ko?

My Dominant GirlfriendWhere stories live. Discover now