Chapter 8

6 1 0
                                    

Chapter 8

Flashback...

'Hospicio de San Jose'

Masayang tinatakbo ng walong taong gulang na si Leticia ang hardin ng bahay-ampunan kung saan sila naroroon. Nakiusap siya sa ina na kung maaari ay doon muna siya maglaro habang nag-uusap sila ng mother superior ng nasabing ampunan. Hinahabol niya ang paru-paro na kanina pang dapo nang dapo sa mga bulaklak. Gusto niyang makahuli ng isa para sana alagaan. Pero sa kalagitnaan ng kanyang pagmamadali ay hindi sinasadyang matapilok siya sa nakausling bato sa madamong bahagi. Hindi niya iyon napansin kaya hindi na niya nagawa pang iwasan ito.

"Aray!" daing niya habang hinihipan ang tuhod na nasugatan.

Hindi naman niya namalayan ang paglapit ng isang bata na napansin lang niya nang ilahad nito ang palad. "Okay ka lang?" dinig niyang sabi ng may-ari ng boses ng palad na nakalahad sa kanya. Nang tingnan niya kung sino iyon ay isang batang lalaki ang bumungad sa kanyang mga mata. Walang kahit anong ekpresyon sa mukha ng bata pero halata rito ang pag-aalala. Inabot naman ni Leticia ang kamay nito na inalalayan siyang tumayo.

"Salamat," wika ni Leticia pero hindi niya magawang makatayo nang maayos.

"Kaya mo bang maglakad? Sasamahan kita sa clinic," alok ng bata sa kanya.

"Hindi na. Baka hanapin ako ng mommy ko rito," tanggi naman niya.

"Gano'n ba? Sige, sandali lang." Kagyat na tumakbo ang batang lalaki matapos siyang alalayan na makaupo sa isang bench. Nang makabalik naman ito ay may dala na itong first-aid kit. "Akin na 'yang sugat mo." Inangat ng bata ang kanyang tuhod na may sugat at nilagyan iyon ng pangunahing lunas. Napadaing siya nang unang idampi ng bata ang bulak na may gamot sa kanyang sugat, pero habang hinihipan nito iyon ay unti-unti na ring nawala. Nang masiguro na ng batang lalaki na malinis na ang kanyang sugat ay saka pa lamang nito tinapalan ng band-aid ang kanyang tuhod.

"Salamat."

"Sa susunod kasi, mag-ingat ka... oh," sambit ng bata sabay abot ng lollipop.

"Ano 'yan?" Obvious naman na lollipop ang inaabot nito pero nagtaka pa rin siya.

"Lollipop!"

"Oo nga. I mean, para saan?"

Ang bata na mismo ang nagtanggal ng balat ng lollipop para sa kanya. "Ang sabi kasi sa akin ni sister, kapag daw may masakit sa katawan natin, nakakatulong daw ang lollipop para mawal ito."

"Ha? Ano namang connect no'n sa sakit?" Na-weirdo-han siya sa sagot ng bata pero tinanggap pa rin niya ang lollipop.

"Kasi, kapag nakakakain daw tayo ng matamis, mas naiisip natin ang saya kesa sa sakit. Kaya naisip kong bigyan ka ng lollipop para kahit paano, maalis 'yang sakit ng tuhod mo." Napakibit na lang ng balikat si Leticia. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang logic ng batang kausap pero mukha namang effective ang sinasabi nito. Naibsan din kaagad ang hapdi na nararamdaman niya pagkaraang malasahan ang tamis ng lollipop na bigay ng batang lalaki sa kanya.

"Ako nga pala si Leticia. Ikaw, anong panga—"

"Baby! Let's go!"

Tatanungin na sana niya ang pangalan ng bata pero bigla siyang tinawag ng kanyang mommy. "And'yan na po!" Hindi na nagawa pang alamin ni Leticia ang pangalan ng batang lalaking iyon. Nang lingunin naman niya ang kinaroroonan nito ay wala na ito roon.

***

NAALIMPUNGATAN si Ticia sa boses na paulit-ulit niyang naririnig. "Wake up, lovers!" Iyon ang huling salitang narinig niya bago siya nagkamalay. Nang imulat naman niya ang kanyang mga mata ay tumambad sa kanya ang mapang-asar na ngiti ng mga pamilyar na mukha. Pero hindi rin nakaligtas sa kanyang pakiramdam ang matigas na bagay sa ilalim ng kanyang ulo kung saan siya nakahiga.

Teka... braso ba 'to? Nang ipaling niya ang paningin sa kanyang kanan ay ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makitang nakahiga siya sa braso ni Vander. Tulog pa ito noong mga oras na iyon kaya bago pa ito magising ay kaagad siyang bumangon.

"How was your sleep? Masarap ba?" tanong ng lalaking sa pagkakaalala niya ay Zeek ang pangalan. Tila ba may pakahulugan ang tanong nito.

"Ikaw ang may gawa ng lahat ng ito!" Sa inis ni Ticia, naitulak niya si Zeek.

"Woah! Relax! I just did it with purpose. Ayaw mo no'n? Nakatabi mo ang lalaking pinag-aagawan ng buong Dalton Academy. You don't know how lucky you are," dagdag pa ni Zeek.

"Ah, gano'n? P'wes! Ito naman ang purpose ko sa pagtulak ko sa 'yo!"

Halos mabali ang leeg ni Zeek nang dumapo sa mukha nito ang malakas na sampal mula kay Ticia.

"How dare you?!" Nakaumang na sana ang kamao ni Zeek na handang lumapat sa mukha ni Ticia, pero bago pa man ito tumama sa kanya ay may kung sinong bigla na lang humawak sa braso ni Zeek.

"Stop it..." kalmadong awat ni Vander na ngayon ay hawak ang braso ni Zeek. Gising na pala ang binata.

"Get off me." Mabilis na hinatak ni Zeek ang braso nito sa pagkakahawak ni Vander. Mukhang sa kanilang tatlo, si Zeek ang may pinakamaiksing pasensya. Hindi kasi ito nangiming saktan si Ticia kung hindi lang siya nailigtas ni Vander sa suntok nito.

Nang maawat na ni Vander si Zeek ay saka pa lamang siya tiningnan ni Vander. "Sabi ko naman sa 'yo, babalikan nila tayo rito," ani Vander.

"Dapat lang! Kung hindi, kakasuhan ko kayo sa ginawa ninyo!" angil ni Ticia. "You better find a good lawyer!" dagdag pa niyang banta sa mga ito bago siya naglakad papalayo.

"Hey!"

"What?!" Natigilan lang siya nang tawagin siya ni Vander.

"My hoodie..." Saka lang niya naaalalang suot pala niya ng hoodie jacket na ipinahiram ni Vander sa kanya kagabi. Kaagad naman niya iyong hinubad at padabog na ibinalik kay Vander. Ngunit bago siya tuluyang humakbang palayo ay tiningnan niya nang masama si Zeek bago ito sinenyasan gamit ang nakataas niyang hinlalato.

"Aba! Talagang—" Lalapitan pa sana siya ni Zeek pero mabilis ang dalawa nitong kasama na inawat ito. Kung sino pa talaga ang may kasalanan ng lahat ito pa ang may ganang magalit. Mabuti na lang talaga at napigilan ito ni Vander bago pa siya masaktan. Pero teka... he really did it? He really protected me?

My Dominant GirlfriendМесто, где живут истории. Откройте их для себя