Chapter 15

6 1 0
                                    

Chapter 15

"BE MY GIRLFRIEND." Halos malaglag ang panga ni Ticia nang marinig ang mga katagang iyon mula kay Vander. Bakit naman sa dinami-dami ng paraan na puwede nitong maisip, iyon pang pagiging girlfriend nito ang siya pang naging suhestiyon sa kanya? Puwede namang iba na lang ang magpanggap kaysa si ito... o kaya naman, si Zeek mismo ang palayuan nito sa kanya. Tutal, magkaibigan naman sila. Pero hindi, ang pagiging boyfriend talaga niya ang naisip na ideya ni Vander.

"You can't be serious," she chuckled. Ticia thought it was another prank of Vander but the way he looks at her; he was deadly serious. "Boy, you're joking, right?" she asked again.

"Nope," Vander replied.

Ticia couldn't express any emotions at that moment. All of a sudden, her eyes pinned at the guy who'd she thought become her enemy after the incident few days ago. Pero heto siya ngayon, stuck between saying 'yes' or 'no' with the deal. If papayag siya, there's a possibility na titigilan na siya ni Zeek pero may posibilidad na lalong dumami ang mga mambu-bully sa kanya sa school knowing that Vander is the ultimate campus crush ng Dalton Academy. But if she would say no, mahihirapan siyang maghanap ng lalaking ihaharap kay Zeek.

"You know what, I have to go." Kaagad na tumayo si Ticia sa kama.

Akma na sana siyang aalis nang bigla na lang hilahin ni Vander ang braso niya, dahilan para mapahawak siya sa balikat nito at si Vander naman sa kanyang bewang nang magkaharap sila. Halos magkalapit ang kanilang mukha. Halos maramdaman na rin ni Ticia ang init ng hininga nito at ang gamit nitong cologne. That scent, it smells like her dad. Tandang-danda pa niya ang perfume na gamit nito, it was the MD Boss Fragrance who happened to be one of the product endorsements of her dad. But how come that he and her dad wore the same perfume? Maybe it's because of the perfume's popularity. Hindi na lang niya inisip ang bagay na iyon dahil baka nga dahil sa sikat ang pabango kaya kaparehas ito ng amoy ng kanyang ama.

"Sabay na tayo, baka kung sino na namang sumugod sa iyo sa labas kapag hinayaan kita," Vander said.

Habang magkayakap ang dalawa, ay siya namang pagpasok ng nurse sa clinic at nahuli silang magkalapit ang mukha. "Oh, akala ko ba wala kayong label, bakit pumunta kaagad kayo sa next level?" Mabilis na naglayo ang dalawa nang makita ng nurse na may malisyosong tingin sa kanila.

"Napatid lang po ako. Sige po, alis na po kami," wika ni Ticia pero hindi niya napansin na hawak pala niya ang braso ni Vander palabas ng clinic. Napapailing na lang ang nurse habang sinusundan sila palabas ng clinic.

"P'wede mo na 'kong bitawan," bigla namang saad sa kanya ni Vander. Wala siyang kamalay-malay na hinihila na pala niya ang binata palabas ng clinic. Saka pa lamang niya ito napagtanto nang nasa corridor sila malapit sa classroom nila at nang magsalita si Vander.

"Sorry." Kaagad naman niyang binitiwan ang braso ni Vander at hindi nagawang makatingin sa mga mata nito.

***

"ANO BA 'YAN? Hindi ako sinipot ng ka-meet up ko sa Timber kahapon. Akala ko ba pa naman, magkaka-boyfriend na 'ko." Panay ang rant ni Vien sa mga kaibigan nang hindi siya tagpuin ng lalaking ka-meet up nito sa dating ang na kinababaliwan. Habang si Ticia naman ay tulala at iniisip pa rin ang nangyari kahapon lang. Naririnig naman niya ang usapan ng mga kaibigan niya pero wala doon ang isipan niya.

"Tigilan mo na 'yang kaka-dating app mo. Maghanap ka ng totoong jojowain, hindi 'yong nag-swipe right ka lang, akala mo... si Mr, Right na!" sermon ni Farrah.

"Oo nga. Madalas sa dating app, scam. Pogi sa picture pero sa personal, nganga. O kaya naman, pogi nga sa personal pero literal na scammer pala," segunda naman ni Belle.

"Hay, naku! Mabuti pa 'tong kaibigan natin, hindi na kailangan ng dating app para magka-boyfriend. Hindi man lang sinabi sa akin na may jowa na pala," ani Vien.

"Kaya pala kanina pang tulala at hindi tayo kinakausap," nakangising sambit ni Farrah kay Ticia. "Girl, may hindi ka sinasabi sa amin," dagdag nito nang kalabitin si Ticia.

"Huh?" Doon pa lang nila nakuha ang atenyon ni Ticia. "A-Ano nga ulit 'yon?" maang niya sa mga kaibigan.

"Tish, kailan mo ipapakila ang boyfriend mo?" tanong ni Vien.

"Huh? Boyfriend?" She lately realized what was going on. "Ahmm... soon," she just answered.

"When is that 'soon'?" usisa ni Farrah.

"Basta soon."

Belle leaned beside her and said, "It made me wonder if that guy is Daltonians or from the other school. Kilala ba namin 'yan?" Daltonians ang tawag sa mga estudyenteng nag-aaral sa Dalton Academy at halos lahat ng nag-aaral sa akademya ay kilala ni Belle, because she was the former SSG President of the academy.

"Ahm... h-hindi siguro." Halos pigilan ni Ticia ang hininga, huwag lang masabi ang totoo. Walang nakakaalam sa tatlo na wala naman talaga siyang boyfriend. Ayaw din namn niyang aminin sa mga ito ang totoo dahil napanindigan na niya kay Vien na may boyfriend siya. But the problem is, who would pretend to be her boyfriend? Eh, wala nga... unless she would agree with Vander's proposal. Pero hindi, kahit tamaan siya ng kidlat nang sampung beses. Hinding-hindi siya papaya sa gusto nitong mangyari.

"Okay, hindi ka na namin pipilitin. But promise to us na ipapakilala mo siya sa amin, soon," Vien said.

"Okay." Iyon na lang ang nasabi ni Ticia para matapos na ang usapan.

Siya namang pagdating ni Zeek na tumapat pa sa mesa nila habang nasa kalagitnaan sila ng pag-uusap. Ngiting-ngiti ito at para bang may hindi magandang iniisip nang tingnan siya nito. "Hello, Ticia. So... kailan ko makikilala ang mystery boyfriend mo?" Inakbayan pa siya nito nang wala man lang paalam. Pero hindi niya inaasahan na kasama pala nito ang dalawa pang kaibigan.

Sabay na nagtama ang tingin nila ni Vander na segundo lang ang pagitan pagkatapos siyang akbayan ni Zeek. Iyong tinginan nila, parang may sinasabi sa isa't isa na sila lang ang nakakaalam.

What will I do now? Papayag na ba ako sa gusto ni Vander para tigilan na 'ko ni Zeek?

My Dominant GirlfriendWhere stories live. Discover now