Chapter 9

7 1 0
                                    


Chapter 9

"ABA! Talagang—" Hindi hinayaan ni Vander na makalapit pa kay Ticia. Bago pa man makahakbang ang kaibigan palapit sa dalaga ay hinawakan na niya ito sa braso. Tinitigan lang siya ni Ticia bago ito tumakbo palabas.

"Tama na, Zeek," awat niya sa kaibigan habang nakikipagsukatan ng tingin.

"Bitawan mo nga 'ko!" Marahas na hinila ni Zeek ang braso nito mula sa kanyang pagkakahawak. "What is wrong with you? Hindi ba ikaw ang nagpasimula ng ganitong surprise initiation sa mga transferee? Bakit parang tinubuan ka ng konsyensya sa babaeng 'yon. Huwag mo sabihing gusto mo rin—"

"Tumigil ka na!" bulyaw ni Vander sa kaibigan bago pa nito maituloy ang sasabihin. Alam niyang may iba na namang patutunguhan ang pagtatalo nilang iyon. At ayaw na niyang maalala pa ang mga nangyari na kahalintulad na lang ng ginawa nila kay Ticia. "What happened last night will be the last thing. Kung hindi mo mapigilang pag-trip-an ang mga estudyante dito sa Dalton, humanap ka ng ibang pagti-trip-an, okay?" Nanlisik ang mga mata ni Vander habang binibitiwan ang mga katagang iyon mula sa bibig niya.

Bahagyang lumpit sa kanya si Zeek. "Kaya ka siguro nagkakaganyan dahil naalala mo sa kanya si—" Hindi na muli pang hinayaan ni Vander na maituloy ni Zeek ang sasabihin. Kaagad niya itong inundayan ng suntok sa mukha dahilan para matumba ito sa sahig.

"Don't you dare to say her name again. Hindi lang 'yan ang aabutin mo kapag pinaalala mo pa sa akin ang lahat," banta niya nang hinawakan niya sa kuwelyo si Zeek. Nanlilisik pa rin ang kanyang mga mata na para bang ano mang oras ay isang panibagong suntok na naman ang ipupukol niya sa kaibigan.

Kaagad naman silang nilapitan ni Drae at inawat. "Vander, tama na 'yan. Baka may makakita sa atin dito," wika ni Drae habang hawak siya sa balikat. Padabog naman niyang binitawan ang kuwelyo ni Zeek. Nang makatayo ang kaibigan ay hindi pa rin nawawala ang matatalim nilang tingin sa isa't isa. Kung hindi lang dahil kay Drae ay baka magkakasunod na suntok ang natanggap ng kaibigan mula sa kanya.

Madalas silang magkapikunan ni Zeek. Pero kahit ganoon, magkaibigan pa rin ang turingan nila sa isa't isa. Pero sa mga oras na iyon, kailangan niya munang dumistansya rito at magpalamig ng ulo. Hindi rin naman magtatagal ang galit na nararamdaman niya sa kaibigan. Kailangan lang niyang pahupain ang tensyon sa pagitan nilang dalawa bago pa iyon lumala.

"Pagsabihan mo 'yang kaibigan mo. Baka kung ano pang magawa ko sa kanya," sambit ni Vander bago talikuran sina Zeek at Drae.

"Bakit hindi mo matanggap ngayon na wala na siya? Harapin mo ang takot mo, Vander!" sigaw ni Zeek. Napakuyom ng kamao si Vander, ayaw na niyang patulan pa si Zeek. Alam niyang ginagawa lang niya ang bagay na iyon para harapin at kalimutan ang masakit na nakaraan. Ipinikit na lang niya ang mga mata at nag-isip ng ibang bagay para doon matuon ang atensyon niya. Hindi pa niya kayang harapin ang lahat. Hindi pa niya kayang harapin ang sakit ng nakaraan. Kaya sa halip na harapin si Zeek ay naglakad na lang siya papasok ng school building.

Kaagad naman siyang nagtungo sa locker room at kinuha ang gamit. Napagdesisyonan niyang huwag na munang pumasok. Para kasing nakaramdam siya ng pagod kahit kagigising pa lang niya. Habang palabas ng school ay natanaw naman siya ni Ticia na nakaupo sa may bench at tila ba may hinihintay. Nilapitan ito at tinanong, "Waiting for someone?"

Saglit lang siya nitong tiningnan. "Yeah. Hinihintay ko ang driver ko," saad nito.

"Hindi ka ba muna rin a-attend ng klase?" tanong niya.

"Kung papasok ako ngayon, para mo na rin sinabing magpakamatay na lang ako. Hindi pa ako naliligo at nag-aalmusal, alam mo ba 'yon?" Hindi naman 'yon lingid sa kaalaman ni Vander. Malamang magkasama sila kaya pareho sila ng sitwasyon ngayon.

Napabuntonghininga na lang si Vander. "You want to have a breakfast with me, may malapit lang na resto dito. Let's grab a bite?" anyaya niya kay Ticia.

"No. Huwag na. Busog pa ako," ani Ticia pero matapos niyang sabihin iyon ay narinig ni Vander ang malakas na pagkalam ng tiyan ni Ticia.

"That's not what your tummy's saying," nakangisi niyang sambit sa dalaga.

"Fine!" Kaagad na tumayo si Ticia. "Pero oras na—"

"Don't worry, wala akong balak na lasunin ka. Hindi ako gano'n kasama," pagputol niya kay Ticia.

"Good! Let's go!" They went to the parking lot where his car was parked. Pinagbuksan pa nga ni Vander ng pintuan si Ticia. Something that he wouldn't do with anyone. Kaya nagtaka rin siya sa ginawa niya. Siguro ay way niya lang iyon para makabawi sa kasalanan nilang makakaibigan sa dalaga.

A few minutes after, they came in a restaurant few blocks from their school. Doon madalas tumambay si Vander sa halip na sa cafeteria ng Dalton Academy. Kapag sa cafeteria kasi siya naglalagi ay madalas siyang pagkaguluhan ng mga estudyante roon at hindi siya makakain nang maayos. Kaya doon niya napiling kumain kasama si Ticia. Umupo sila malapit sa bintana para matanaw nila ang dumaraan. Maganda naman at maaliwalas ang ambience ng restaurant kaya doon madalas siya madalas kumain.

"Waiter!" tawag niya nang itaas niya ang kamay. Agad namang lumapit ang isa sa mga waiter doon. "The usual, please. Make it two." sabi nito.

"Copy, sir," agad naman itong umalis na hindi na tinatanong ang order ni Ticia.

"Teka! Hindi pa ako nakaka-order, ah!" nagtatakang sambit ni Ticia.

"I make it two para hindi ka na mahirapan."

"Hindi ko alam na trabaho mo rin palang magdesisyon sa buhay ng iba. Magkano ba ang suweldo sa pakikialam sa gusto ko?" makahulugang wika ni Ticia.

"Just trust me. Sigurado akong hindi mo pagsisihan ang mga in-order ko para sa 'yo," saad na lang ni Vander.

"Bahala ka nga."

Nang matapos sa litanya nito si Ticia ay nagpaalam muna si Vander na pupunta muna siya sa men's room dahil kanina pa ihing-ihi. Hindi naman niya napansin na sa pagtayo niya ay hindi sinasadyang malaglag ang wallet niya sa bulsa. Mabuti na nga lang at nakita iyon ni Ticia.

"Wait. 'Yong wallet mo." Nang marinig ni Vander ang sinabi ni Ticia ay agad niya itong nilingon. Nang makita niyang hawak ni Ticia ang wallet ay agad niya itong nilapitan at hinablot ang pitaka. Nakita niya kasing nakatitig si Ticia sa picture na nasa loob ng kanyang wallet.

"Give me that!"

"Girlfriend mo ba 'yong nasa picture?" usisa ni Ticia.

"Reporter ka ba? Bakit kailangan mong alamin lahat?" Agad niyang isiniksik sa bulsa ang pitaka at umalis papuntang men's room. Naiwan naman si Ticia na takang-taka sa nangyari.

My Dominant GirlfriendWhere stories live. Discover now