Chapter 4

6 1 0
                                    


Chapter 4

Habang abalang kausap ni Ticia ang mga newly met circle of friends niya, hindi niya inaasahan ang paglapit ng isang binata sa kanilang kinauupuan. Hindi inaasahan ng apat ang biglang pagdating nito sa kanilang table. Pero ang mas nakakagulat, bigla na lang natahimik ang tatlo nang dumating ang binatang iyon. Nagtaka si Ticia sa mga kaibigan niyang para bang nakakita ng artista. Well, may star-factor naman talaga ang lalaking basta na lang umupo sa kanilang harapan. Pero hindi maintindihan ni Ticia kung bakit ganoon na lang ang titig ng tatlo sa kaharap, kulang na lang ay maglaway ang mga ito na parang aso.

"Hi, girls..." the guy said with his biggest smile.

"Hi, Zeek..." koro namang wika ng tatlo niyang kasama sa malambing na tono. Para bang nagpapaligsahan pa ang mga ito kung sino sa kanila ang unang papapnsinin ng tinawag nilang Zeek. Pero si Ticia, tiningnan lang ito na gulat na gulat sa ginawa.

"Hi miss, may I know your name?" tanong nito na nakatitig kay Ticia. Yes, sa kanya. Tatlong babae na ang nagpapa-cute dite pero siya talaga ang unang pinansin.

Napatanong tuloy siya kung tama ba hinala niya. "A-Ako?" Tinuro pa niya ang sarili.

"Yes. You."

Sabay-sabay namang pumaling sa direksyon niya ang mga mata ng tatlo na para bang nagtataka. Sino ba namang hindi magugulat? Todo pa-cute ang tatlo kay Zeek pero siya ang pinansin at tinanong pa ang pangalan.

Napatikhim siya. "Ahm. Ticia," pakilala niya sabay inom ng iced-tea. Bigla kasi siyang kinabahan sa mapanghusgang tingin ng tatlo niyang kaibigan na kulang na lang ay kainin siya.

"Nice to meet you, Ticia." Yumuko na lang siya at tipid na ngumiti. Hindi rin niya kasi alam kung anong sasabihin niya. Baka kapag may sabihin pa siya ay hindi lang matalim na titig ang matikman niya sa tatlong babaeng fan-girls yata ni Zeek.

"Ahm... Zeek, may kailangan ka ba?" singit ni Vien.

"Actually, may kasalanan si Vander with your beautiful friend," sabi ni Zeek sabay titig kay Ticia sa huling sinabi. He really meant it... beautiful friend.

"What? Why? What did Vander do to our friend?" tanong naman ni Belle.

"I don't know. But he really wanted to say sorry to you, Ticia. Mukhang nagsisisi na nga ang kaibigan ko sa ginawa niya sa iyo, eh." Napatingin siya sa kinaroroonan ni Vander na kanina lamang ang nakikipagsukatan sa kanya ng tingin. So, mukhang natauhan na nga ang ungas. She grinned at she stared back at Vander.

"It's okay. Basta sabihin mo, 'wag na lang niya uulitin." Hindi niya sigurado kung okay lang sa kanya iyon pero para tigilan na siya ni Zeek, iyon na lang ang siguro ang magandang sabihin.

"Actually, he wanted to make it up to you. He wanted to make it personally pero hindi pa siya handa ngayong kausapin ka. So... he told me to invite you kung p'wede ka raw niya makausap bukas, sa rooftop." Mukhang seryoso si Vander na mag-sorry sa kanya. Hindi naman siya papupuntahin nito sa rooftop kung hindi ito seryoso.

"Sige, pupunta 'ko," sabi niya.

Napangisi naman si Zeek. "Good."

"Pero kapag may ginawa na naman siyang kalokohan—"

"Don't worry. I got you. Kung may ginawa na naman siyang kalokohan, ako mismo ang bubugbog sa kanya," Zeek said.

"Okay." Iyon na lang ang nasabi ni Ticia.

"So, I'm expecting a reconciliation tomorrow?" paninigurado ni Zeek.

Napakibit-balikat na lang si Ticia. "Let's see."

"Good. I'll tell him you will come."

"Okay."

"So, girls... thank you for your time. See you around." Saka pa lamang tumayo si Zeek sa pagkakaupo at bumalik sa kinaroronan ng mga kaibigan nito. Pagkatapos ng pag-uusap nilang iyon ay napansin niyang tahimik na nakatitig sa kanya ang tatlong kaibigan na para bang ineestima siya.

Napangiwi siya sa reaksyon ng tatlo. "What?"

"What was that, Tish?" tanong ni Vien.

"Anong 'what was that'? Bakit parang ang big deal para sa inyo ng nangyari?"

"You really don't know what you're saying, girl," Farrah said disbelief.

Naguguluhan siya kung bakit ganoon na lamang ka-big deal sa tatlo ang pagkausap sa kanya ni Zeek. Para bang napakahalaga sa kanila ng ganoong moment. Eh, para sa kanya naman, it was just a guy who wanted to talk to her and made an agreement. Pero sa tatlo, para napakahalaga ng naging pag-uusap nila ni Zeek, as if he's the most important person on earth.

"Girl, hindi mo ba talaga sila kilala?" tanong ni Belle.

"Teka nga, bakit parang ang laki ng ginawa kong krimen sa pagkausap ko kay Zeek? Sino ba sila?" Medyo nakakapikon nga naman na parang kasalanan pa niya na siya ang pinansin ni Zeek kaysa sa tatlo.

"Girl, alam mo bang bihira kumausap ng ibang girls ang Dalton Boys?" paliwanag ni Vien.

"Dalton Boys?" Uso pa pala ang mga ganoong pangalan ng group sa school. Hindi naman na-inform si Ticia na may boyband sa Dalton Academy.

"Yes! Also known as... DBOYZ," sagot naman ni Farrah.

"Ang corny, ha." Hindi alam ni Ticia kung matatawa siya o maaasar sa mga sinabi ng mga kaibigan: matatawa dahil ang corny na may pangalan pa pala ang grupo nina Vander o maaasar dahil parang masyadong affected ang tatlo na kinausap siya ng isa sa mga miyembro ng tinatawag nilang DBOYZ.

"Girl, hindi mo alam kung anong pinapasok mo. Yes, they are the hottest boys of this academy but they are the most notorious pagdating sa mga pambu-bully, lalo na sa mga freshman and... transferee like you," paliwanag naman ni Farrah.

"Teka, paano pala nagkaroon ng kasalanan si Vander sa 'yo? Hindi mo naman nakuwento sa amin na nakilala mo na pala ang isa sa mga member ng Dalton Boys," nagtatakang sabi ni Vien. Wala naman talaga siyang balak ikuwento ang nangyari sa pagitan nila ni Vander dahil ayaw niyang masira lalo ang araw niya. Kakalimutan na nga sana niya na na-encounter niya ang lalaking iyon pero hindi niya inakala na kilala pala si Vander sa buong campus.

"Unfortunately, he's my classmate."

"What?!" Sabay-sabay na nalaglag ang panga ng tatlo sa sinabi niya na para bang nasa bingit siya ng kamatayan sa nasabi.

"You are so dead," wika ni Farrah.

Ganoon ba talaga kalala ang Dalton Boys para matakot nang ganoon kagrabe ang mga kaibigan niya para sa kanya?

My Dominant GirlfriendOnde histórias criam vida. Descubra agora