Chapter 7

4 1 0
                                    

Chapter 7

HINDI maunawaan ni Ticia kung bakit bigla na lang bumilis ang tibok ng kanyang puso nang magtama ang kanilang mga mata ni Vander. She was supposed to get mad at him pero bakit parang hinahatak siya ng mga titig nito? Hati ngayon ang paningin niya sa mata at sa labi ng binata. Pero bago pa man siya tuluyang mahulog sa pakiramdam na hindi niya maunawaan ay kaagad niyang itinulak si Vander palayo sa kanya bago tumayo at pinagpag ang sarili. Mabilis niyang iniiwas ang tingin dito dahil baka kung ano pang magawa niya oras na matitigan ulit niya ang mga mata ng binata.

She chuckled to relief the uncomfortable air. "Safe ba rito?" she asked. Dahil nga mukhang walang magre-rescue sa kanila, mukhang kailangan na niyang ihanda ang sarili sa sitwasyon nilang dalawa. Isang gabi lang naman iyon at ipinapangako niya sa sarili na wala nang susunod.

"I don't know," Vander answered.

Napairap si Ticia. "Ugh! I need an answer!"

"I just answered you," giit ng binata sa kanya.

"Argh!" Sa inis ay napasabunot na lang ng buhok si Ticia. Wala rin naman siyang mapapala kung kakausapin pa niya si Vander dahil mukhang wala naman itong kuwentang kausap. Minabuti na lang niya na maghanap ng lugar kung saan siya mgpapalipas ng gabi. Iyong lugar na malayo kay Vander at sa nakakainis nitong ugali. Pakiramdam niya ang magiging kalbaryo ang buhay niya sa Dalton Academy kapag nakasama pa niya ang binata. Napapaisip tuloy siya kung tama bang sinunod niya ang mommy na doon na lang lumipat ng school. Okay naman siya sa dating pinapasukan pero dahil nga mas convenient at mas malapit ang Dalton sa kanila ay s-in-uggest ng kanyang ina na doon na lamang siya pumasok. Kaya kahit ayaw niya, pinili niyang doon na lang mag-transfer.

Napiling umupo ni Ticia sa pinakasulok na bahagi ng rooftop kung saan kita niya ang langit. She got her phone and tried to open it. Nabuksan naman niya ito at nag-dial ng number ng ina pero bago pa man mag-ring at makatawag sa kanyang mommy ay namatay ulit ito. "What a life!" Frustrated and mad, she looked at the guy sleeping on the other corner of the building. Bakit parang okay lang sa kanya itong nangyayari? Noon lang siya nakakita ng taong nasa gitna na ng mahirap na sitwasyon pero relax lang at balewala ang nangyayari. Samantalang siya, hindi na halos makaisip ng paraan para makaalis doon.

After a few hours...

Hindi namalayan ni Ticia na nakatulog na pala siya. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay madilim na ang paligid. Bumungad sa kanyang ang liwanag ng buwan na tila ba pinanonood siya. She felt relax as she saw the moonlight. Ticia couldn't help but to stare the beauty of night. Nawala na nga sa isip niya na natutulog pala siya sa rooftop. Saka lang niya iyon ulit napagtanto nang lingunin niya ang kabilang sulok at walang natagpuang tao. She was expecting Vander was there but when she found out that no one is with her, she quickly panicked. "Vander?" Tumayo siya at hinanap kung nasaan ang binata. Malawak man ang rooftop ay kita naman niya ang paligid at kabuoan nito. "Vander, nasaan ka?!" She was panicking while searching the guy who happened to be her companion but no one was answering. "Hoy! Kung isa na naman 'to sa trip mo, hindi ako natutuwa, ha?" Halos mangilid na ang mga mata niya sa takot.

"P'wede bang tumahimik ka?" Narinig na lang niya ang pamilyar na tinig na iyon sa likod ng mga nakatamba na sirang arm chairs. Then she found Vander laying down while staring at the sky.

"Bakit ba kasi basta ka na lang umaalis sa puwesto mo?" angil niya nang sa wakas ay makita ang binata. Saka lang siya nakahinga nang maluwag nang matagpuan itong nagpapahinga lang pala sa mga nakatambak na sirang gamit.

Vander smirked before he answered. "Hindi pa tayo pero gusto mo na agad na palagi akong mag-update sa 'yo."

"What?"

"I saw you sleeping, kaya hindi na kita ginising. Lumipat lang ako dito kasi malamig na doon sa puwesto ko kanina," Vander said. Doon pa lamang naramdaman ni Ticia na medyo lumalamig na nga ang hangin.

"C-Can I sit with you?" Hindi alam ni Ticia kung ang pagkautal niya ay dala ng lamig o dahil sa nahihiya siya sa sinabi. Ayaw din naman niyang mapag-isa kaya mas mabuting sumama na lang siya kay Vander kung saan ito naroroon.

Vander just nodded and said, "Yes." Umupo na lang ito mula sa pagkakahiga at tiningnan si Ticia na tila ba blangko ang mukha.

"Thanks."

Ticia sit beside him but continuously rubbed her arms to warm her body. Napansin naman iyon ni Vander at tinanggal nito ang hoody jacket na suot bago ipinatong sa nilalamig na si Ticia. "No, thank you. Okay lang ako," tanggi ni Ticia.

"Shut up. H'wag kang maarte kung ayaw mong manigas sa lamig." Napaisip si Ticia sa sinabi ni Vander. Maginoo sana ito pero matabil din pala ang dila kung minsan.

"Paano ka?" tanong ni Ticia dahil long-sleeve na lang ang suot nito. Alam niyang makakabawas ng lamig ang suot ni Vander pero hindi sapat iyon. Isa pa, nasa tuktok sila ng building kaya mas mararamdaman doon ang lamig.

"Hindi mo 'ko kailangang alalahanin. I can manage." Napatitig na lang si Ticia kay Vander. She felt safe that time. Parang ibang tao ang kausap niya noong mga oras na iyon. Hindi ito ang Vander na una niyang nakilala. He was calmly staring at the sky. Perhaps, he was thinking of something in his mind that could possibly make him relaxed in the middle of their unprecedented situation. Kung ano man ang bagay na iyon sa utak ni Vander, nakatulong iyon para mahawaan siya ng pagiging kalmado nito. "Don't worry. Makakaalis din tayo dito." He was sure about it. The way he said it is like he meant it. Pinalipas na lang ng dalawa ang magdamag hanggang sa hindi nila namalayang nakatulog na pala sila. Iyon yata ang oras na hindi nila narinig ang isa't isa na nagbangayan. Magtutuloy-tuloy kaya ang ganoong trato nila sa isa't isa?

My Dominant GirlfriendWhere stories live. Discover now