Chapter 4

4.1K 77 26
                                    

—Chapter 4—

“Kailan ka pa umuwi?” kalmado kong tanong sa kaniya bago ngumiti.

Lumapit ako para tingnan kung ano ang kaniyang niluluto. Sinilip ko ang kaldero at sinigang na bangus iyon. Wow! Favorite ko!

“Kanina lang. I went here when I arrived.”

Naramdaman ko ang presensya niya sa gilid ko kaya ramdam ko na naman ang kaba ng puso ko. Pero hindi iyon nakakatakot kung hindi kilig na nararamdaman.

“How are you?” he asked.

Marahan akong tumingin sa kaniya at nahuli ko kaagad ang tingin niya sa ‘kin. Napakurap ako lalo dahil sa paraan ng pagtingin niya sa ‘kin. Para bang nalulusaw ako sa mga titig niya.

Ngumiti ako sa kaniya. “Ayos lang naman ako. Wala namang espesyal na nangyari...” Maliban sa dumating ka na.

Naramdaman ko kaagad ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Umayos ka nga, Khione! Baka mahalata ka niyan! Kita mo namang malabong magustuhan ka niyan. Look at yourself, nagbe-break out ka na naman kaya malabo talaga na magustuhan ka niya.

“Ikaw ba?” tanong ko pabalik at umiwas ng tingin saglit.

“I missed you.”

Literal na natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya o ano! Lord, ano po ito? Boyfriend na po ba ito or joke time?

Para na akong natameme dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko sa kaniya! Para na akong binuhusan ng malamig na tubig sa sobrang gulat.

Nang makabawi ako ay humalakhak ako at pabirong hinampas ang braso niya. “Grabe, ah. Na-miss mo siguro ang gala natin,” I said cheerfully.

Para bang sinagot ko ang sinabi niya in a joke way. Walang ibang ibig sabihin. Baka na-miss niya lang ako bilang kaibigan.

Nakita ko ang expression na para bang hindi inaasahan ang sinabi kong iyon.

“Uy, sana all!”

Parehas kaming napatingin sa may bungad ng kusina at nando’n na ang dalawa kong kaibigan. Sina Chi at Akira. Kaagad akong lumapit sa may platuhan para kumuha na ng mga plato.

“Kain na tayo,” aya ko sa kanila. “Pakitawag naman sina lola,” sabi ko habang nakatalikod sa kanila.

Naramdaman ko na naman ang presensya ni Vermont sa may likuran ko. Alam ko na siya dahil sa pabango niya! Sumisiksik kasi sa ilong ko iyon.

“You didn’t miss me?” he asked softly.

Dahan-dahan akong humarap sa kaniya. Nanghihina ako dahil sa itsura niya! Para siyang nagpapaawang bata na sabihin nami-miss na siya para maging good mood!

Kung alam mo lang kung gaano kita na-miss no’ng mga araw na wala ka! Hindi mo naman kasi ako inadd sa Facebook or kuhain man lang ang phone number ko, hindi ba?

“Uh, na-miss din naman,” kagat-labi kong sagot.

Nakita ko kung paano siya ngumiti at ang kaniyang mga mata ay naningkit dahil doon. Bumalik siya sa kaniyang niluluto at tinikman iyon. Tumalikod na rin ako dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko!

Narinig ko na ang yapak ng mga paa ng mga kasama namin kaya pumunta na ako sa lamesa para ihanda ang kakainin namin.

Puro lang sila kwentuhan habang kumakain pero ako ay nanatili na lang tahimik dahil sa gulat sa mga nangyayari. Kinakabahan pa nga ako dahil panay ang tingin sa akin ni Vermont. Magkatapat kasi kami nang inuupuan!

Chew on Something | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon