Chapter 5

2.1K 38 10
                                    

—Chapter 5—

“Ina, tama na po,” kalmadong sabi ni Vermont sa kaniyang lola.

“Oh, bakit naman? Dapat malaman ni Khione dahil magkaibigan naman kayong dalawa.”

Ngumiti ako. “Ayos lang po, MamaLa...” Inilapag ko sa small wood table ang dala kong tupperware na may lamang ulam. “Ulam po. Niluto ni Vermont. Una na po ako.”

Nagmadali na akong lumabas ng kanilang bakuran at hindi na sila nilingon. Napahawak ako sa dibdib ko nang makalayo. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Halo-halong emosyon kasi. Ako ba ‘yon o ibang tao?

Kapag umamin ba siya sa akin ay ayos lang? Kung hindi naman ako ‘yon ay masakit naman sa akin. Hindi ko na talaga alam.

“Khione...” Napalingon ako kay Vermont. “Ina was just joking. I just went here for vacation and to visit someone. Nasabi ko naman sa ‘yo iyon, hindi ba?”

Naglakad siya papalapit sa akin kaya napakurap ako. “Oo nga. Anyway, kung may pupuntahan ka bukas hindi muna kita masasamahan, ha?”

Kumunot ang noo niya saglit. “Bakit? Did I do something wrong?”

Marahan akong umiling. “Wala. Parang bigla kasi sumama ang pakiramdam ko. Kailangan ko nang umuwi.”

Mas lalo pa siyang humakbang papalapit sa akin. “I will send you home,” alok niya na ikinailing ko.

“Hindi na. Umuwi ka na at baka hinahanap ka na ng lola at lolo mo.”

Mabilis ko siyang tinalikuran at naglakad na palayo. Kailangan ko na siyang iwasan para maisalba ang sarili ko. Alam kong kapag maging magkasama pa kami sa mga susunod na raw ay mahulog lang ako lalo. Ayaw ko pa naman ng gano’n.

Natatakot akong masaktan at umiyak. Hirap na hirap na nga akong mahalin ang sarili ko dahil sa kondisyon ng mukha ko. Magmamahal pa ba ako ng hindi ako mahal? Kung sakaling susugal man ako sa susunod ay iyong sigurado na. Sigurado na sa akin.

Kinabukasan ay hindi ako lumabas ng kwarto ko. Panay nga lang ang dala ni lola sa akin ng mga pagkain. Natatakot kasi ako na baka nandiyan siya.

“Khione, apo kanina pa pabalik-balik si Vermont dito sa bahay. Hindi mo ba siya lalabasin?” tanong niya nang pumasok siya sa kwarto ko.

“Lola, magagalit ka ba kapag magsisinungaling ako sa kaniya? Please, pakisabi po na may sakit ako. Ayoko po siyang makita,” pag-amin ko.

Hinaplos niya ang buhok ko. “Bakit naman? May ginawa ba siya sa ‘yong masama?”

“May crush po kasi ako sa kaniya noon pa. Natatakot po akong lumalim lang ang nararamdaman ko sa kaniya. Takot akong masaktan, lola, eh.”

“Hindi naman maiiwasan ang magkagusto, apo. Sige na at hindi na kita pipilitin na labasin siya. Kapag may kailangan ka, tawagin mo lang ako, ah?”

Marahan akong tumango. Niyakap ko siya. “Thank you po, lola. Love you po.”

“Sus naglalambing na naman ang apo ko.”

Buong araw akong hindi lumabas ng bahay. Nang maghapon na nga ay hindi na bumalik si Vermont sa amin.

Ilang araw ko siyang tinaguan at wala naman akong nakitang presensya niya. “Uy, tama na kakatago. Wala na siya,” sabi ni Chi sa akin nang pumunta ako sa bukid.

Kumunot ang noo ko. “Huh? Bakit naman?”

“Umuwi na siya sa City. Ang balita ay nasa hospital daw ang mama ni Vermont.”

Chew on Something | ✓Where stories live. Discover now