Chapter 6

3.8K 74 4
                                    

—Chapter 6—

Hila-hila ko ang aking maleta papunta sa bus na sasakyan namin papuntang siyudad ng Reyesano. Doon kasi kami mago-OJT para sa last year namin as culinary art majors.

“Mas excited akong makakita ng mga City boys. Like, ang daming g’wapo!” tili ni Chi at nakipag-apir kay Akira.

Natawa naman ako sa kaniyang sinabi dahil pare-parehas kaming excited na makakita ng mga City boys. Sa aming probinsya kasi ay marami rin namang g’wapo at mababait pero sabi nila mas marami raw sa siyudad. Pero isa lang naman ang hinahanap ko.

Hindi pa rin ako nag-reply sa kaniya no’ng araw na ‘yon. Gustuhin ko man ay hindi ko rin alam paano iha-handle ang nararamdaman ko. Baka masiyadong mabilis at isa pa, ayoko ng malayo.

“Hoy, teh! OJT ang punta natin, hindi landi,” kontra ko kaagad.

Pabirong umirap si Chi. “Sus. Malay mo naman makakita ka ng the one mo roon. Edi swak na swak ang buhay mo!”

Hindi ko na siya sinagot at tinawanan ko na lang. Pumasok na rin ako sa bus at tabi-tabi kaming tatlo. Since ako ang nauna, ako ang nasa bintana. Katabi ko si Akira at si Chi naman ang sa unahan. Hindi naman siya nagreklamo dahil gusto talaga naming tabi-tabi kami.

Napuno ang bus dahil marami ang nasa kurso namin kaya naman nakaalis kami kaagad.

Hindi ko maiwasang hindi isipin ang mangyayari sa akin sa Reyesano. Pero sana ay marami akong memories na maidadala sa aking pag-uwi.

Habang nasa biyahe ay kain, kwentuhan, tawanan at panonood lang ang ginawa namin. Kaya nang mapagod kami ay nagsitulog na ang lahat at nanahimik na ang paligid.

Halos tatlong oras din ang biyahe kaya naman nakakapagod talaga ang pag-upo at nakailang stop over pa kami.

“Good afternoon, Culinary Arts Majors. We’re here now at Reyesano City. Enjoy your stay! Iyong mga nag-rent dito sa may Tala Dormitory, p’wede na kayong bumaba at magpahinga. Magkita-kita na lang tayo sa Lunes,” sabi ng adviser namin.

Lahat kaming nasa Tala Dormitory ay bumaba na rin. Ang nahiwalay lang yata sa amin ay si Chi dahil pang-girls dormitory lang ang Tala kaya sa ibang Dormitory siya.

Nang makapasok na kami ni Akira sa dorm ay kaagad na naming inayos ang mga gamit namin. Ilang buwan din kaming magsstay rito kaya kailangan naming magtino.

Biyernes ngayon at may dalawang araw kami para maghanda para sa darating na lunes. Balak nga namin na mag-grocery sa weekends para may stock na kami per week.

We decided to have a nap na lang din muna sa dorm kaya nang magising kami ni Akira ay alas-siete na ng gabi.

“Chat mo nga si Chi, bebs. Bibihis lang ako,” aniya.

“Oksi.”

Kinuha ko ang cellphone ko sa may small table na nasa tabi ng double deck. Kaagad akong nag-online.

PAwErPaps

Khione: @Chizo Saan u? Kain tayo!

Chizo: Kagigising ko lang hahahaha
Shutekk napahaba tulog ko
Saan ba?

Khione: Hanap na lang tayo
Malayo ba rito yung dorm mo?

Chizo: Nope. 10 mins. away lang
Mag tric na lang aq😭
Baka maligaw

Khione: Oki ingat ka!

Ilang minuto ang lumipas ay napagdesisyunan na rin naming lumabas ng dorm ni Akira dahil nasa baba na raw si Chi at hinihintay na kami.

Chew on Something | ✓Where stories live. Discover now