Chapter 8

3.6K 65 10
                                    

—Chapter 8—

“Opo, chef. Kayo po ba?”

Hindi ako makatingin sa kaniya dahil nahihiya ako. Ilang beses kong pinigilan ang kabang nararamdaman ko pero walang nangyari dahil mas lalo ko lang naramdaman ang kabog ng dibdib ko.

“Yeah. I’m glad that you enjoyed the food...” He looked at me before he stood up. “See you tomorrow, then and goodluck.”

I smiled a little bit. “You too, chef. Thank you so much po.”

He slightly nod his head before going out. Kumalma na ang puso ko nang makalabas siya. Para akong nabunutan ng tinik nang mawala ang presensya niya. Napangiti na lang ako nang maalala na kahit papaano ay mukha naman siyang mabait sa akin.

Nang matapos na si Akira ay umuwi na rin kami sa dorm. Pero laking gulat namin nang makita naming umiiyak na ang mga kasama namin habang bitbit ang kanilang mga gamit. Nasa tabi rin nila ang mga gamit namin. Nasa labas sila at halos nag-iiyakan na.

“Anong nangyayari rito?” tanong ni Akira.

“Pinalayas na tayo rito. Naibenta na pala ng may-ari ang lupa niya at ngayon pala ang turn over ng bagong may-ari,” sagot ng isa habang umiiyak.

Para akong nanlumo bigla sa kaniyang sinabi. Paano na kami ngayon nito? Saan kami pupulutin?

“N–nakausap n’yo na ba si Mrs. Vista?” tanong ko naman.

Tumango ang isa sa kanila at nagsalita, “Ang sabi niya, bahala na raw tayo maghanap dahil wala rin naman siyang alam...” Nag-angat ng tingin ang isa. “Naglibot na kami kanina, punuan na ang mga mura at ang sobrang mahal naman ng iba. Hindi naman namin alam kung saan kami kukuha ng pambayad kung doon kami.”

Napaupo na lang ako sa gilid ng kalsada habang naghihintay ng solusyon. Buong gabi kaming naghanap nang matitirhan hanggang sa sumuko na kami ni Akira. Ang iba naming kasama ay nagsama-sama na at dumayo talaga sa malayo. Gustuhin man naming sumama sa kanila ay kapos kami sa pera dahil sakto lang ang aming dala. Nahiya naman akong mag-text kina lola ng ganitong oras.

“Bebs, nag-text si Chi. Doon daw muna tayo sa dorm nila. Itatakas na lang daw muna niya tayo sa loob habang wala pa tayong nahahanap.”

Marahan akong napatingin sa kaniya. Wala kaming choice kung hindi gano’n ang gawin. Maaga kaming aalis bukas ni Akira para hindi kami maabutan ng landlady. Sana man lang ay mabait ang mga kasama ni Chi.

Kinabukasan ay tulala akong pumasok sa trabaho dahil sa nangyayari. Hindi pa sweldo ni mama kaya alam kong wala pa siyang pera sa ngayon. Samantalang sina lola naman ay kakaunti lang ang kita sa bukid.

Hindi ko na alam kung saan kami dadamputin sa mga susunod na araw.

“Why are you staring in the ingredients?”

Napatingin ako sa nagtanong. Mabilis akong bumalik sa aking ulirat. “Sorry, Chef.”

Umalis na siya at tiningnan na ang ginagawa ng iba. Napatulala naman ako saglit sa kalawakan. Ah! Kailangan mong mag-focus ngayon, Khione! Hindi naman p’wedeng lutang ka! Umayos ka naman, please lang?

Paulit-ulit ang naging routine namin ni Akira sa loob ng ilang araw. Wala rin akong masiyadong tulog dahil halos siksikan kaming dalawa sa kama at nananakit ang katawan ko.

“Tangina! Nagpapasok ka na ng babae? Paano kung may mangyari riyan? Edi kargo ko pa?!” iyan ang sigaw ng may-ari ng dorm nina Chi. “Kung hindi mo pa papaalisin ‘yang mga ‘yan ngayon! Pare-parehas kayong aalis dito.”

Chew on Something | ✓Where stories live. Discover now