Chapter 9

3.5K 69 13
                                    

—Chapter 9—

Hindi ko alam kung paano ako sasagot sa kaniya. Nakahinga lang ako nang maluwag nang tumayo siya. “I’ll do the dishes.”

Mabilis akong sumagot, “Hindi na. Ako na ang gagawa—ikaw naman na ang naghanda ng pagkain, eh.”

Natigilan siya bago muling timitig sa ‘kin. “It’s fine, Khione. You had a rough day, and you deserve a rest.”

“Okay—”

Hinawakan niya ako sa magkabilaang braso bago itinalikod sa kaniya. Marahan niya akong tulak-tulak papunta sa tutulugan ko. Nang buksan niya ang pinto ay binuksan niya rin ang ilaw.

“Sleep now.”

Hinarap ko siya saglit. “Thank you.”

“Always welcome.”

Iniwan niya na ako at nagtungo na siya sa kusina. Samantalang ako ay naiwang tulala sa may pintuan habang pinipigilan ang pagngiti. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko maging ang paghinga ko. Buti nga at hindi niya nahahalata ang pamumula ng mga pisngi ko.

Marahan ko nang isinara ang pintuan at tumakbo papunta sa single bed. Napatitig na lang ako sa kisame. Nakahinga ako nang maluwag dahil alam kong hindi siya galit sa ‘kin.

Kinabukasan ay maaga pala siyang umalis sa hindi ko alam na dahilan. Nag-iwan na lang siya sa ref ng notes na maaga siyang aalis. Nagulat din ako dahil nag-iwan na rin siya ng breakfast.

Ang breakfast ay pizza roll yata ang tawag. Ito ‘yong tasty bread na may lamang hotdog at cheese sa loob. Pagkatapos maikot ay ico-coat sa itlog at breadcrumbs at ipiprito na.

Nagtimpla rin siya ng gatas na may chocolate powder. Ang nakalagay sa notes ay initin ko na lang daw lahat sa oven pero hindi ko na ginawa. Lahat naman ng gagawin niya ay kakainin ko.

Nag-jeep lang ako papunta sa restaurant at nakita kong maraming nakapila sa labas. Lahat sila ay mukhang masayang nakarating dito. Dumaan ako sa backdoor dahil loaded nga sa unahan.

“Bakit maraming tao?” tanong ko kaagad kay Akira nang makapasok ako sa quarters namin.

“May nag-trending na video ni Chef Vermont. Tingnan mo,” aniya sabay pakita sa akin ng kaniyang cellphone.

Video iyon ni Vermont habang naglalakad sa loob ng isang mall. He was wearing a black long sleeves polo shirt. Maya-maya pa ay hinawi niya ang kaniyang buhok palikod na siyang nagpadagdag sa kaniyang awra. Kung ako rin ay makikita siya, mapagkakamalan ko siyang artista.

Ang g’wapo niya sobra roon! Hindi maitatanggi kung bakit maraming nakapila para sa kaniya.

Mayroon pa roon sa video na naglabas siya ng kaniyang sunglasses at isinuot niya. Halos magtilian na ‘yong mga nagvi-video. Ang huling nahagilap sa video ay may sinalubong siyang babae, mukha ring expensive tingnan.

Marami akong nabasa na comments at talagang hinahangaan siya. May mga nagtanong pa kung taga-saan si Vermont o may nakakakilala sa kaniya. Maging sino ang mga magulang niya.

Ako... Hindi ko pa nakikita ang mama niya na siyang may-ari ng restaurant. Busy pa kasi ito sa pag-aasikaso sa ibang branches ng restaurant niya.

“Hindi naman nakakapagtaka. Ang g’wapo kasi niya,” sabi ko at pinasok na ang bag sa may locker.

Kinuha ko na rin ang chef’s attire.

“Yiee, type mo ba si Chef, Khione?” tanong ng Viena, isa sa mga nag-oojt din dito.

Chew on Something | ✓Donde viven las historias. Descúbrelo ahora