Chapter 12

3.6K 73 13
                                    

—Chapter 12—

Pinipigilan ko ang pagngiti ko dahil ka-cutan niya. Talagang tumalikod pa siya sa akin dahil nahihiya siya. Ako nga ‘tong dapat mahiya sa kaniya.

Napatigil lang ako nang marahan siyang humarap sa akin. “Sorry if I made you feel uncomfortable. I just—”

“Huh? Hindi naman, ah? Sa kiss ba?”

Kahit medyo madilim ay nakikita ko pa rin ang mukha niyang mamula-mula. “Stop mentioning it,” nahihiya niyang sabi.

Marahan naman akong natawa. “Bakit ba? Do you feel shy? Why? Ako nga dapat mahiya kasi hindi naman makinis mukha ko but you kissed me,” paliwanag ko.

“And so? You’re beautiful.”

Nawala ang ngiti ng mga labi ko dahil nakaramdam ako ng hiya. Bumalik tuloy sa akin! Ako na ang kinikilig ngayon nang malala. Ako na tuloy ang hindi maangas ngayon.

“And you’re pogi,” sabi ko pabalik.

Akma na naman siyang hahalik sa pisngi ko nang may kumalabit sa kaniya. Lumingon siya roon at nando’n si Dos. “Hindi pa kayo uuwi? Naghahalikan na kayo diyan sa dilim,” nang-aasar na sabi niya.

Napalayo nang kaunti si Vermont sa pwesto ko. Bumaba na rin ako sa highchair at pinsil-pisil ang pisngi ko dahil nararamdaman ko ang pag-iinit ng mga ‘yon.

“Uuna na kayo?” tanong niya sa kaibigan.

“Oo. May pasok pa ako bukas.”

“Okay. Take care.”

Tinapik-tapik ni Dos ang balikat ni Vermont. “Sige sige...” Tumingin siya sa akin. “Una kami, Khione. Nice to meet you ulit. See you next time.”

Ngumiti ako bago kumaway. “Sure. Ingat.”

Nang makaalis na rin si Dos ay umalis na rin kami pero dumiretso muna kami sa Beauty Skin Shop dahil may bibilhin daw siya.

Pumasok na kami roon at halos pagtinginan kami ng mga tao. Nahiya na naman tuloy ako bigla.

“Do you want to buy something?” tanong niya nang humiwalay ako saglit sa kaniya.

Nagtingin-tingin kasi ako ng mga products na p’wede sa akin baka may humiyang. Mga light soap lang sana kaso ang mahal! Wala pa akong budget para roon.

“Wala naman. Nagtingin-tingin lang,” sabi ko.

“Are you sure? I can buy you one. Just pick.”

Umiling ako. “Hindi na.”

Hihilahin ko na sana siya nang tumigil siya sa isang products. “This soap might help you. All ingredients are all natural...” Tumingin siya sa mukha ko. “Based on your skin type, this will help you.”

Napakurap ako. “May alam ka sa skincare?”

“Not much. I just want to maintain my skin so I studied about skin type and products can be used.”

“Wow. Ang galing mo naman. Pero hindi na natin ‘yan bibilhin, ang mahal niyan. Wala akong budget. Babayaran pa kita sa last week.”

“Just think that this will be my gift for you,” aniya at kumuha ng isang malaking bote.

“Huy! Hindi na,” pigil ko pa pero mabilis niyang nilagay iyon sa basket na bitbit niya. “Hulog-hulugan ko na lang, ah?” dagdag ko pa pero hindi niya ako pinansin at nagpatuloy sa counter.

Chew on Something | ✓Where stories live. Discover now