Chapter 14

2K 43 15
                                    

—Chapter 14—

Matapos naming kumain ay dumiretso na rin kami sa may party area. Ang ilan ay nagsasayaw na sa gitna kasama sina Chef Madi at Sir Vladi. They’re swaying their body smoothly. The music was slow and calm.

Ang iba naman ay nasa tabi at kumakain. Ang ilan ay umiinom, at ang iba ay naglalaro sa may swimming pool.

They’re all happy lalong-lalo na ang pamilya Villavicencio.

“Do you want to dance, Khione?”

Napatingin ako kay Vermont. I still remember how he asked me when I was in Senior highschool. Ganitong-ganito iyon. Nasa tabi lang ako at tinanong niya ako kung gusto kong sumayaw.

“Hindi na. Hindi naman ako babagay sa gitna,” sabi ko.

Inilahad niya ang kaniyang kamay sa aking harapan. “May I have this dance, boss madam?”

Napatitig na lang ako kay Vermont. Kung paano niya ako tingnan noon ay gano’n din hanggang ngayon, but it became stronger. I love how his eyes look at me.

It was genuinely sparkling...

“Boss madam?” he called me softly.

Kumurap ako saglit bago marahang ipinatong ang aking kamay sa kaniyang kaniyang palad. Nang maramdaman niya iyon ay iginiya niya ako malapit sa gitna. I put my arms around his neck and his arms around my waist.

“Hindi naman ako sanay sa ganitong event,” pag-amin ko sa kaniya. Hindi na makatingin dahil sobrang lapit na ng mga mukha namin sa isa’t isa.

“You deserve a dance,” aniya sa malambing na boses. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. He’s smiling at me. “Do you still remember our first dance?”

Marahan akong tumango. Napakagat ko ang ako sa aking ibabang labi. Paano ko makakalimutan iyon? Si Vermont naman ang unang lalaking nagsayaw sa akin. Ang nakalapit ng gano’n nang husto sa akin.

“Of course. Nasa akin pa ‘yong mga binigay mo noon.”

I saw his eyes dilated. “You kept them?”

Tumango ako. “Bakit naman hindi? Ang mamahal kaya ng mga ‘yon saka ang gaganda. Nanghinayang nga akong suotin kaya itinago ko.”

“It costs not much, Khione. You should wear it. It suits you.”

Napangiti naman ako. “Hindi na muna. Initials mo ang nasa kwintas.”

“Hmm... So when are you going to wear it?”

I shrugged. “Kapag nakabalik na ako siguro. Ewan.”

We enjoyed our dance together. Maya-maya lang ay lumapit sa amin sina sir Vladi at Chef Madi. “Hihiramin ko muna si Khione, anak,” aniya.

“Why?” takang tanong ni Vermont.

“Basta,” aniya.

“Mom,” pagpigil ni Vermont na hawakan ako ni Chef Madi.

“Wala naman akong gagawing masama. I just want to talk with her. Don’t be paranoid.”

Hinawakan ni Chef Madi ang kamay ko at marahan akong dinala sa loob ng kanilang bahay. Dinala niya ako sa isang kwarto at pinaupo sa isang vanity chair. Nakita ko tuloy ang reflection ko sa salamin.

Para akong naka-blush on dahil medyo mamula-mula pa ang mga pisngi ko. Nakita ko sa reflection ng salamin na kumuha ng suklay si Chef Madi. Sinuklay niya ang buhok ko nang marahan.

Chew on Something | ✓Where stories live. Discover now