Chapter 15

2.2K 40 24
                                    

—Chapter 15—

Ipinulupot ko ang aking mga braso sa kaniyang leeg. “Talaga? Parang hindi naman, eh,” pang-aasar ko sa kaniya.

Kitang-kita ang pamumula ng kaniyang mga tainga hanggang sa leeg. Mas natawa ako lalo. Confirmed nga. May gusto siya sa akin pero hinihintay ko na lang na umaamin siya.

Basta masaya ako sa kung anong meron kami ngayon. Baka naghahanap lang din siya ng tyempo kung kailan aamin.

Nang ibaba ko ang mga kamay ko ay ibinaba niya na rin ako sa sahig. Nagtungo siya ng kama at inayos ang mga unan. Nilingon niya ako.

Come here,” aniya.

Marahan akong lumapit bago siya tapatan. Ngumiti ako at hinihintay ang kaniyang sasabihin.

“Everything we did, I like it, okay? I don’t want you to overthink about things. Do you understand me, boss madam?” he said softly and touched my lips.

“I know. Kaya nga thankful ako sa ‘yo, hindi ba?”

He kissed my cheeks. “Good girl. Sleep now. Maaga tayo bukas.”

Kumunot ang noo ko. “Maaga tayong uuwi?”

Umiling siya. “No. We will go somewhere.” Inangat niya ang malaking kumot. “Get more sleep and be ready for tomorrow, hmm?”

Tumango na lang ako kahit na hindi ko alam ang kaniyang sinasabi. “Goodnight, Vermont,” sabi ko nang makaupo sa kama bago tuluyang humiga.

“Goodnight. Have a sweet dream.”

Dahil nga sa sobrang pagod ay nakatulog na rin ako kaagad. Nagising na lang ako kinabukasan dahil sa araw na tumatama sa may balat ko.

Pagmulat ko nga ay wala si Vermont sa buong kwarto. Medyo kinabahan ako dahil baka umalis na siya. Napatingin ako sa orasan at alas-sais na ng umaga.

Bumukas ang pintuan at sumilip naman si Majesty. “Hi, Khione. Good morning,” bati niya sa akin. Malawak ang kaniyang ngiti.

Napabalikwas ako ng bangon. “Good morning. Pasensya na at kagigising ko lang.”

Tuluyan na siyang pumasok. “Ayos lang. Sabi naman ni Vermont na ayusan kita kapag ready ka na.”

“Ayusan? May event ba?” tanong ko.

Tumango siya. “Oo. Nag-renta si Vermont ng buong museum para sa commercial niya. Sayang naman daw kung hindi ka makapag-photoshoot,” pagkwento niya pa sa akin.

Kumunot naman ang noo ko bago lumapit sa kaniya. “Hindi naman na kailangan,” aniya.

“Lahat kami mayroon, ikaw rin dapat. Aayusan kita mamaya, ah. Ipapahatid ko na kay manang ‘yong pagkain mo tapos ligo ka na, okay?” she said sweetly.

“Thank you, Majesty.”

“Welcome. Sige, maiwan muna kita.”

Nang lumabas na siya ng kwarto ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Napalapit naman ako sa may malaking glass wall at tanaw roon ang siyudad. Magandang tingnan dahil kakalabas lang din ng araw.

Pagkatapos doon ay nilibot ko naman ang kwarto ni Vermont. Ang dami niyang pictures maging ang pamilya niya. Nakuha ng atensyon ko ang picture na nasa side table niya. Hindi ko maaninag kung sino ang nando’n pero babae iyon na nakatalikod habang nakatingin sa gilid.

Sakto naman ang pagdating ni manang dahil naayos ko na ang tinulugan ko. Kumain na rin ako sa mga inihain, sobra nga akong nabusog dahil ang inihain sa akin ang liempo, fried rice at chop suey.

Chew on Something | ✓Where stories live. Discover now