Kabanata 5

3.5K 146 8
                                    

Kinabukasan, naabutan ko si Gian sa waiting shed na mag-isang naghihintay ng masasakyang tricyle. Bago pa ako tuluyang makalapit ay natigilan ako nang makita ko ang buong ayos niya.

He's wearing a black tuxedo with pattern necktie. His hair was slicked back, making him look clean and fresh despite the highway pollution. Abala siya sa binabasa niyang papel kaya hindi niya napansin ang pagdating ko.

Nanatili akong nakatayo sa labas ng waiting shed, natatakot na baka maabala ko siya. Naningkit ang mga mata ko habang tinitingnan ang mga dumadaang sasakyan at tricyle. Marahas ang sinag ng araw ngunit tiniis ko iyon.

"Miss?"

Napalingon ako nang magsalita siya. Nakatingin siya sa akin pero itinuro ko pa rin ang sarili ko para makasigurado na ako talaga ang tinatawag niya.

He nodded. "You should take a shade."

Hindi na ako nagdalawang-isip na sumilong kaagad. I can feel my cheeks burning and a sweat dripping on my neck. He's looking at me the whole time so, I tried to initiate a conversation.

"Mags-speech ka?" tanong ko habang tinitingnan ang hawak niyang papel.

Umiling siya. "No, I'll deliver the oath."

"Oh, good luck..."

"Thanks."

And... that's it. I nodded at him, hindi alam kung ano pa ang sasabihin sa kan'ya. Ilang sandaling nanaig ang katahimikan sa amin, ang kalsada ay tumahimik din nang walang ni-isang sasakyan ang dumaan. Naririnig ko sa kinatatayuan ko ang pabulong niyang pagbasa. Bahagya niyang tinatapik ang kan'yang kanang paa sa lupa. Hindi ko mapigilan na sulyapan siya.

Kasalanan 'to ni Julie! Kung ano-ano na lang ang pinapasok niya sa utak ko.

Ilang minuto ang lumipas ay may dumaan na tricyle at pinara niya ito. Nakita kong may upuan sa likod kaya doon ako dumiretso.

"Miss?"

Sasakay na sana ako nang tawagin niya ako. Lumingon ako sa kan'ya na puno ng pagtataka.

"Dito ka sa unahan umupo, diyan na lang ako," he offered.

Umiling ako "Hala, okay lang. Dito na ako dahil baka malukot ang suot mo."

Mabilis akong umupo sa likod para hindi na siya makatanggi. Nang lumingon ako sa kan'ya ay nakita ko siyang bahagyang ngumiti.

Did I just made him smile?

Nagsimula ang oath taking ceremony nila habang nagk-klase kami. Tahimik akong nakikinig sa teacher namin dahil wala si Julie na binubulungan ako ng mga chismis tuwing discussion. Inikot ko ang tingin ko sa loob ng classroom at doon ko napansin na iilan sa mga kaklase ko ang wala.

Nang dumating ang recess, pumunta ako ng covered court dahil doon ginaganap ang event. Karamihan sa mga estudyante ang dumagsa para mapanood ang programa. May stage sa gilid ng covered court kung saan may naka-decorate na makukulay na tela at ang tarpaulin na patungkol sa event. May mga bulaklak rin sa harap ng stage bilang palamuti.

Malayo pa ako sa venue ay tanaw ko na ang mga magagarang suot ng SSG officers. Habang papalapit ako, nakita ko si Julie na kinakawayan ako sa malayo. Nakasuot siya ng pulang mermaid dress na bagay na bagay sa kan'ya. Her hair is curled and she's also wearing a light makeup.

Nang makalapit ako ay bigla niya akong hinila sa loob ng mismong event. May harang ang covered court para hindi makapasok ang mga estudyanteng hindi kasali katulad ko, kaya grabe na lang ang kaba ko nang maihalo ako sa mga SSG officers.

"Julie, hindi ako pwede rito."

"Let just say I invited you because I need your help," sabi niya habang diretso ang lakad niya at kunti na lang ay kakaladkarin niya ako.

"Para saan?"

"Kailangan mo kaming i-picture ni Phillip."

Naabutan namin si Phillip na kausap si Gian. Nakuha namin kaagad ang atensyon nila, maaaring dahil sa pamimilit sa akin ni Julie o baka dahil nagtaka sila kung bakit ako pumasok sa event.

"Mr. President, can we take a picture?"

"Sure."

"Sa stage sana."

"Uh... okay."

Nakangiti si Julie nang inabot niya sa akin ang phone niya. Pareho silang umakyat sa stage. Julie instructed him what pose they'll be doing so; I just keep clicking the phone whenever they are ready.

Nang matapos sila, sumulyap ako kay Gian na nakikipag-usap sa isang babae. Napansin agad iyon ni Julie pagkalapit niya sa akin kaya pabulong niya akong tinukso.

"Uy, nakita ko iyon."

"Ang alin?"

"Iyong pasulyap mo."

"Hindi ba pwedeng tumingin-tingin lang sa paligid?" I defended.

"Pero kay Gian agad ang tingin?" tanong niya pabalik. Hindi ako nakasagot kaya makahulugan siyang ngumiti.

Tumalikod ako sa kinatatayuan ni Gian para hindi niya kami mapansin. Tila pumapasok na sa sistema ko itong ginagawang panunukso ni Julie sa akin.

"Diyan ka lang," wika niya.

Umatras si Julie nang kaunti at itinutok niya sa akin ang camera ng kan'yang phone. Mabilis ang pagpindot niya rito kaya nagulat ako. "Anong—"

Excited siyang lumapit sa akin.

"Ayan, mayroon na kayong picture!"

Ipinakita niya sa akin ang mga litrato ng seryoso kong mukha hanggang sa naging mukha akong nalilito. Napansin ko kaagad ang tinutukoy niya sa akin.

Behind me, almost three meters away, is Gian talking to his brother. And in the last photo, he's suddenly looking in our direction, having a confused expression like mine.

MarahuyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon