Kabanata 4

154K 1.4K 33
                                    

Kabanata 4

New Home

Pagkatapos ng kasal pumasok na kami ng bahay ng mga Jimenez. Tahimik lang ako habang kumakain. Ngumingiti at tumatango kung may itatanong sila. Hindi ako makapaniwala na kasal na ako. Paano? Di ba kailangan ng panahon bago mangyari ang mga ganitong seremonya? Na dapat sumasang-ayon ang lahat? Siguro napilit nila sila mom. Pero bakit ako? Bakit kailangan agad agad?

"Oh Aly sweetie doon ka na pala uuwi sa bahay na pinagawa ni Gideon para sa inyo. Don't worry malapit lang iyon sa pinapasukan mong university. " sabi ni Tita, Mommy ni Gideon.

"Uh...sige po Tita." I half smile at her.

"Para namang hindi kita anak ngayon call me Mommy!" Tita said.

"Uhh. Sige po. Tit—Mommy!" Napalunok ako roon.

Nagsitawanan naman sila, namula tuloy ang pisngi ko sa nangyari. Hinawakan naman ni Mommy ang kamay ko. She mouthed 'everything will be alright'. Tumango ako at ngumiti sa assurance na ginawa ni Mommy. Everything will be all right. Umecho ang mga salitang ito sa isipan ko. Nagtitiwala ako sa mga magulang ko na maayos ito. Alam kong pinalalagay lang nila ang loob nila sa mga Jimenez para maayos ang lahat ng ito.

"Pinadala na namin sa mga maid ang gamit mo, Aly honey." Mom said. Tumango ulit ako at ngumiti.

Pero nagulat ako ng biglang nagsalita si Daddy na mula kanina ay tahimik lang. "My daughter is too young for a honeymoon, Mr. Jimenez" His jaw clenched. Bumilog ng pagkalaki-laki ang mata ko at napaubo ako sa sinabi ni Daddy.

Tinignan ko si Gideon napayuko siya sa sinabi ni dad. Nang naiangat niya ang ulo niya'y nagtama ang mata namin kaya agad ko itong iniwas.

"I respect her Mr. Rodriguez." sabi ni Gideon.

Biglang nagwala ang puso ko sa narinig ko sa kanya. Napalunok ako sa mga salitang binigkas niya. Hindi ako magpapaapekto sa mga salitang iyon. Niloloko niya lang kami. Kumalma muna ako bago tumingin ulit sa kanya pero laking gulat ko na mag-abot na naman ang mga mata namin. God, what the hell is happening to me?

Pagkatapos naming kumain ay nag-usap ulit ang magulang namin. I excused myself para makapagpahangin man lang. Tumungo ako sa hardin kung saan kami ikinasal ni Gideon. Napakaganda talaga ng hardin nila kahit gabi. Makikita mo ang mga bulaklak dahil sa liwanag ng ilaw isama mo pa ang buwan sa itaas.

Sabay ng pag-ikot ng katawan ko at paggala ng mga mata ko sa hardin ay laking gulat ko sa lalaking nasa harapan ko na ngayon. "Gid—Mr. Jimenez" sabi ko habang nakahawak ang kamay ko dibdib.

Nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya at hindi ko alam kung saan o kung bakit? "Alysson tara na, uuwi na tayo." Lagi ko na lang napapansin ang lahat ng ginagawa niya kahit napakaliit lang ng bagay tungkol sa kanya.

"Sige." At sumunod ako sa kanya.

Nagpaalam na kami ni Gideon sa magulang niya. Hinagkan nila ako at pinayuhan ng ilang bagay. Niyakap ko rin si Mommy at hindi na nag-aalinlangan ang luha ko sa pagtulo. "Mommy..." I said between sobs.

Kinalas niya ang yakap at tinitigan ako. "Promise me that you'll be strong enough on this." She said and kissed me on the cheek. Tumango ako.

She cups my face. Pinunasan niya ang mga luha ko. "Eveything will be all right, honey" Hinalikan naman niya ako sa noo para kumalma ako. My mom knows what's best for me. Alam niya kung anong nakakabuti sa akin at gagawin niya ang lahat para sa akin.

"I promise I'll be strong Mommy."

Kumalas na ng yakap si Mommy at binigay ako kay Gideon. Tinanguan lang ako ni Daddy. Pagkatapos ay sumakay na kami ni Gideon sa Limousine niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto pero ni isang tingin hindi ko binigay sa kanya. Pera ba? Pera lang ba kung bakit niya ako pinakasalan? Wala ba siyang mahal na iba? Hindi ba siya tutol? Napakalaking kahipokrituhang 'tong nangyayari. Paanong mangyayari ang dalawang taong hindi magkakakilala ay magmamahalan kung hindi nila kilala ang isa't isa? God! This is illogical!

Tahimik lang ako sa biyahe. Wala na ako sa wisyo. Wala na ako sa sarili ko. Bakit ba nangyayari 'to? May ginawa ba kaming mali? Mayroon ba? Wala naman! Siguro dahil sa namuong galit at inis sa puso ay hindi ko na namalayan ang paligid ko.

Naramdaman ko na lang parang binubuhat na ako. Minulat ko ang isa kong mata. Tama nga ang hinala ko binubuhat ako ng 'asawa' ko. Pinikit ko na lang ulit ang mata ko at hinayaang siyang buhatin ako papunta sa kwarto 'namin'. Mga ilang minuto lang ay parang may binuksan si Gideon, siguro pinto iyon ng kwarto. Binaba niya ako sa kama ng dahan dahan. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko na nakaharang sa mukha ko. Naramdaman ko rin na kinumutan niya ako.

"I'm sorry. I don't like to hurt you. I hate to see that you're crying. I'm too selfish, Aly. I'm too selfish." Hinaplos niya ang pisngi ko at nakaramdam ako ng kirot sa puso sa mga salitang sinabi niya sa akin. Naapektuhan na ako sa lahat ng ginagawa niya. Pakiramdam ko may ibang rason siya kung bakit ginawa niya ito.

Nang marinig ko ang yabag niya paalis ng kwarto at pagsara ng pinto ay agad kong minulat ang mata ko. Nag-uunahan naman ang mga luha ko sa pagbasak. I never imagined this to happen to me immediately. Marami pa akong pangarap. Marami pa akong gustong gawin sa sarili ko pero nawala ng lahat. Wala na.

Pinikit ko ang mata at humiling n asana bangungot lang ito.

U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon