Kabanata 23

127K 1.2K 110
                                    

Kabanata 23

Sira tapos palitan ng bago

 Gumising ako ng maaga para samahan si manang na magluto ng agahan. Pero pinabayaan din naman ako ni manang sa kusina. Hindi ko alam kung tama ba ang amount ng salt na nilagay ko sa itlog. Tapos hindi ko alam kung luto ng ba 'yung hotdog at bacon. Ewan ko nga rin kung bakit ang itim nung bread. Sira na siguro 'yung toaster, hindi alam na toast na ang bread! Bakit ba kasi ang itim ng pagkatoast?

Pero okay na 'yan siguro, kailangan ko na kasing magprepare. Offering lang naman 'tong pagluluto ng agahan dahil sa ginawa niya sa department namin na pag-assign ng pagla-launch ng Aston Martin.

Pagkatapos kong maiayos ang mesa at lagyan ito ng mga plato ay nagmamadali akong naligo at nagbihis. Bumaba naman ako agad pagkatapos kong mag-ayos. Naghugas muna ako ng kamay pero napaistatwa ako ng maramdaman 'yung presensya niya. Napalunok ako ng ilang beses kahit nakatalikod ako sa kanya...kay Gideon. Kinakabahan kasi ako doon sa niluto ko para sa kanya.

 "Sir si Aly po ang nagluto niyan para sa—" Bigla akong kinabahan sa sinabi ni manang kaya wala sa oras ang pagsasalita ko.

"Manang tara po may papakita po ako!" Bakit ba kasi sinabi pa ni manang 'yun?! Oo, para sa kanya pero offering lang, pasasalamat  parang ganun!

Nagmamadali akong magpunas ng kamay at humarap sa kanila. Nabigla naman ako ng makita ko agad ang pagkurba ng labi niya na para tuloy siyang nagpipigil ng ngiti. Teka...nang-aasar ba 'to?!

Bumulong ako kay Manang. "Secret lang dapat Manang." Pagkabulong ko umupo na ako sa silya. Nag-umpisa namang kumain si Gideon habang ako nakatitig sa pagkaing niluto. Masarap kaya? Sana naman umayos 'tong mga pagkain na 'to? Namamawis ang mga kamay ko sa kabang dinudulot nitong mga pagkain na 'to!

Siguro kailangan ko ng mag-explain kung bakit ganun. Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Gideon. "Sira na siguro ang toaster kaya ganito na lamang ang bread no? Aly? Pati ang stove at 'yung salt na nabili ni manang masyadong maalat. Sira na lahat bibili na lang ako ng bago para sa'yo."  Ngumisi siya na nagpaigting ng inis sa loob ko. Napapikit ako sa sinabi niya. Yung nang-aasar siya?! Hindi naman ako slow Gideon!

 "Ikaw na nga pinagluto diyan ikaw pa may ganang magreklamo. Oo na hindi na masarap." Inismiran ko siya. Nakakasakit din naman ng damdamin ang ganito, ang hindi niya pagtukoy o pagsasabi ng totoo! Oo na! Hindi na masarap ang luto ko!

Napatayo ako sa pagkakaupo at lumayo sa kanya. Grabe! Dapat naman na-appreciate niya 'yung ginawa ko sa kanya. Nakarinig ako ng yabag papunta sa akin pero hindi ko siya pinansin. Biglang nagsitaasan ang buhok ko sa katawan sa paghawak niya sa bewang ko at biglaang paghapit niya rito. God! "I don't say it baby.  Bibili na tayo ng bago para maging mas masarap ang luto mo. Right? Favorite ang toaste black bread mo." Napabukas ako ng bibig sa pagtitig sa kanya. Teka...pwedeng lumayo? Kasi parang mamatay ako sa titig niya ng paulit ulit hanggang sa mamurder ako ng titig niya. Bakit ba ang ganda ganda ng mata niya? Yung mata niya may kakayahang magpatunaw ng panty? Idagdag mo pa na nang-aasar 'yung mga mata niya sa akin.

At saka anong sinabi niya? Baby? Baby niya ako? Na ganun na lang ako kabata? Ganun ba 'yun? Porket hindi marunong magluto baby na? Ganun!

 "You're blushing," he chuckled. Wala na pakiramdam ko wala na talaga akong panloob. Jusko!

Nataranta naman ako sa pag-alis ng hapit niya sa akin. Napatakip ako ng kamay sa mukha dahil sa sinabi niya. Nakakahiya Aly! Nakakahiya ka! "Don't look at me. This is embarrassing Gideon. God. Don't look!" Todo takip talaga ako ng mukha. Grabe siguro pulang pula talaga ang mukha ko sa kahihiyan!

"Can I see?" aniya.

Manang help?! Tulong! Mommy?! Daddy? Nica? Tulong!

Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko sa mukha. At unti unti niya iyon inaalis. Nagtagumpay siya at nawala ang kamay ko sa mukha. Pagkaalis niya nito ay hinawakan niya pa rin ang mga kamay kong namamawis. "Even you're blushing you're still my Aly. Still you're beautiful, baby." At titigan niya ako ng tagos tagos hanggang sa pakiramdam ko nalambot ang tuhod ko sa ginawa niya.

Bakit may kumakabayo sa loob ng puso ko? Ang bilis bilis.  Gusto ng kumawala sa chest ko. Oh God! Oh God!

Sira na rin puso ko, ang bilis ng tibok, palitan na ng bago!

U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt