Kabanata 52

116K 1K 28
                                    

Kabanata 52

Conscience

"E kamusta naman kagabi?" Bumulong naman tong si bes sa akin. Naghuhugas kasi kami ng pinggan ngayon. Tinulungan na namin si manang. Si Gideon hata ay nasa small office niya rito sa bahay.

"Nakatulog naman ako ng maayos." Tama naman ang sinagot ko.

"Wushu. Huwag ng magtumpik tumpik pa..." sinisiko siko naman ako nito. Hala hawak ko pa naman ang baso. Kapag to nabasag siya may kasalanan. "...privacy na nga pala yun. Sorry bes." Hindi ko na lang pinansin. Hayaan mo ng siyang mag-isip ng kung ano-ano. Weird kasi ang bestfriend ko minsan.

Pagkatapos namin sa ginagawa namin ay tumungo kaming sala at nanood ng movie. Medyo abala rin si Gideon ngayon kasi hindi pa siya lumalabas ng office e. Pero masaya na ako kasi nandito siya. Jusko, kinikilig talaga ako ngayon. Napapangiti na lang ako.

Nang matapos ang movie ay umalis naman si bes. May pasok siya kasi ng tapos gabi na ang uwi. Ako naman bukas pa ang pasok. Apat na araw lang ang pasok ko: Monday, Tuesday, Friday and Saturday.

Since wala si bes ngayon ay nawalan naman ako ng kausap. Si manang kasi katatapos lang maglaba kay nagpapahinga siya ngayon. Mag-isa tuloy lang ako sa sala at palipat lipat lang ng channel. Nabasa ko na kasi yung libro na Warm Bodies kaya nag-iisip ulit ako kung anong babasahin.

Nakakahiya naman kung iistorbuhin ko si Gideon. Pero diba sinabi naman niya ano..ideal distraction daw ako kaya pwedeng iinterrupt ko siya. Chos! Syempre nagbibiro lang ako.

E ano naman kasi gagawin ko?

Makakatulog na sana ako sa sofa pero nakita ko naman si Gideon na pababa ng hagdan. Napaayos naman ako.

Tutungo siguro siyang kumpanya. Naka business suit kasi siya. "Please go with me." Sabi niya. Napatayo naman ako. Nagulat din naman pero sasama rin ako sa kanya.

Sinabihan ko si Gideon na maghinatay sandali dahil maliligo lang ako. Pagkaligo ay nagbihis agad ako. Nagdress na lang ako ng asul at nag puti na flats. Hinayaan ko na lang nakalugay ang buhok ko. Tapos ay nagpowder.

Pagkatapos ay bumaba na ako. Nang makababa ako ay agad kaming pumasok ng kotse para makaalis na. Bakit naman kaya ako sinama ni Gideon? Ano naman kayang gagawin ko roon?

Si Gideon ang nagmaneho ng kotse. Masaya na ako kasi nandito na siya sa tabi ko. Hindi na siya aalis.

Pagkarating namin sa building ay pinark ni Gideon ang kotse. Pinagbuksan niya ako ng kotse. Kinuha naman ni Gideon ang kamay  ko. We're holding hands.

Napalunok na lang ako kasi magkahawak kami ng kamay papasok sa kompanya niya---nila. E di pagtitinginan kami ng tao rito? e di maraming mag iissue? E di maraming usapan? Halaa! Sasabog na ang ulo ko kakaisip na mga 'e di'?

Napatingin na lang ako sa hawak niya --- sa hawak ng kamay niya sa kamay ko. Napatingin din si Gideon doon. Ngumiti lang siya pagkatapos ay naglakad na kami papasok ng building. Si manong guard tinignan na kami. Paano pa kaya yung ibang tao sa super laking building na ito? Na minsan pinagtrabahuhan ko?

Parang ang sayang mag back out? He-he.

Nakayuko na nga lang akong naglalakad hanggang sa makarating kami sa lugar nung HR. Hala nagbago ang HR? ano nga ba ulit pangalan nung dating hr? nakalimutan ko na.

"Sir Mr. Enriquez called and he said that you need to call a meeting today ---" Hindi ko napansing na kasabay na pala namin si Andy papasok ng private elevator. Napatigil naman si Andy when Gideon raised a hand.

"Cancel all my appointments today Andy."

"But sir..."

"What did I say?"

U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)Where stories live. Discover now