Kabanata 34

125K 1.1K 90
                                    

Kabanata 34

I breakdown

Pagkatapos ng work ay nagdiretso na kami sa bahay ni Belle. Pinagbigyan ko na. Pumunta na ako since birthday naman niya. Sinabi kong next week na lang ang gift ko. Papasama na lang ako kay bes sa mall.

"Pwede ka bang uminom?" tanong ni Belle.

"Uhmm oo pero konti lang."  sagot ko.

Kasalukuyan naming inaayos ang handa. Napagpasyahan ni Belle na sa garden na lang nila ganapin ang celebration. Malaki laki rin naman ang bahay nila Belle. Si Jas ang nag-aayos ng mga inumin. Tapos sila Mark, Terrence, and Renz sa barbeque. Tapos kami ni Belle inaayos ang table and chairs.

Si Manager Karl naman relax na relax sa pagkakaupo tapos ngiting ngiti dahil sa katext niya. Hmmp!

"Uhmm guys. Ininvite ko nga pala si sir Gideon."

Sabay sabay naman kaming napatingin. Nakangangang humarap kay Karl.

"Tapos?" sabay sabay naming sabi.

"Tutungo siya."

Halos bumagsak ang panga namin sa floor. Tumingin ako sa kaliwa, halos lumuwa ang mata ni Jas at halos mangisay na sa kilig sa nalaman. May sinasabi nga siya pero hindi ko naman maintindihan. Nung tumingin naman ako sa kanan para kila Mark, Terrence, and Renz wala lang okay na sila. Tapos tumingin ako sa katabi ko, wala na naiihi na rin sa kilig hata.

Tinignan ko naman si Karl, kinindatan lang niya ako at binalik ang paningin sa phone niya.

Eh?

Kahit mahirap isipin. Kailangang tanggapin.

Mayamaya lang ay natapos na rin kami sa ginagawa namin. Pwede nang magwala si Jasmine. Pero nagwawala na hata siya sa pagkanta sa videoke. Halos bumirit sa pagkanta. Nahihiya pa nga raw sa amin kasi mababa lang ang kinakanta niya katulad ng listen, alone, love on top, mga ganun lang daw kakantahin niya baka raw madiscover siya.

"Listeeeeeeeeeeen—"

Bigla namang napahinto si Jas at tumingin sa isang direksyon. Nakatingin siya sa may gate na nakanganga.

"Ms. Dianeee? OMG!" Biglang tumakbo si Jas kay Ms. Diane. Nakita ko ring napatakbo si Belle kay Ms. Diane. Nagyakapan sila at nagbatian. Eh? Siguro close sila talaga.

Nakita ko ring papasok si Gideon. Pero umiwas na lang ako ng tingin.

Umupo na lang ako, feeling ko naa-out of place ako. Naramdaman ko namang umupo rin sa tabi ko sila Renz. At dahil sa kanila nalaman ko kung ano si Ms. Diane sa kanila. Dati pala ay doon sa kumpanya ni Gideon iyon nagtatrabaho at sa department nila but nung pinili Ms. Diane na maging model sa states at nagresign ito. Doon ko rin nalaman na ex-girlfriend siya ni Gideon. Eh? Ang awkward naman, ex na nagkikiss pa rin? Hala siya.

Basta ako hindi pa ako nagkakaboyfriend.

"Hindi ko nga alam kung nagkabalikan na sila pero sa nakikita parang ngang nagkabalikan na sila." Napatingin naman ako kay Renz. Napalunok sa sinabi niya. Nagkabalikan pero sabi naman ni Gideon friends lang sila?

"Sa tingin ko nga pre sila na ulit." Napatingin naman ako kay Mark. Sila na ulit? Pero sabi ni Gideon magkaibigan lang sila baka naman friends na ulit pero pwede ring magboyfriend o maggirlfriend? Eh?

"Base sa mukha ni Ms. Diane siguro nga lovers na ulit sila." Nagawi naman ang paningin ko kay Terrence. Lovers bilang kaibigan siguro?

Eh? Aly bakit ganyan ka naman makareact? Eh?

Napailing ako.

"May problema Aly?" naramdaman ko ang akbay ni Renz sa akin.

Ngumiti ako at umiling.

U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ