Kabanata 44

120K 1.2K 61
                                    

Kabanata 44

Place where I fell in love


"Ready na ba?" tanong ni manager. Teka wala pa kasi si bes. Hinihintay pa namin siya. Aalis kasi kami ngayon at manonood ng race. Friendly race lang naman daw iyon. Si Gideon nga nag-aya na manood. Inaya niya rin si Karl tapos ako naman si bes ang inaya ko.

"Malapit na siya. Nagtext na siya sa akin. Malapit na raw." Tinignan ko naman ang cellphone kong hawak. Nagtext na nga si bes, malapit na raw siya. Ewan ko na lang kung gaano kalayo o kalapit yang malapit niya.

Lumapit naman si manager sa akin at ngumiti. "Yun kaibigan mo ba yun Aly? Yung amazona"

"Amazona!" napatingin naman ako sa nagsalita. Si Nica nandito na and look at her. She's wearing an ombre short and a simple shirt. And a converse shoes. Just wow! She looks sexy.

Nakita ko naman ang pagbukas bahagya ng bibig ni Manager pero sinara niya iyon agad. But suddenly he looked away. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Gideon sa kamay ko. Napatingin naman ako. Ngumiti siya sa akin at tumingin din sa paligid.

Pinagmasdan ko siya sandali. Simple lang siya naka asul na damit at nakapantalon. At sapatos din. But then again, he looks so sexy. Napalunok ako ng bigla siyang tumingin sa akin. Iniwas ko naman ang tingin ko at tinignan si bes.

Nagbabangayan na hata si manager and bes. Woo, anong meron sa kanila?

Humigpit naman ang hawak ni Gideon sa kamay ko. "Let's go. Mauna na tayo." Bago ako makapasok sa kotse ay narinig ko pa ang pagsigaw ni bes na.. "Huy bes saan ako sasakay? Dito sa unggoy na 'to. No way! How dare you bes? Alam mo bang madumi tong unggoy na 'to? Feeling cute. UY!" hindi ko alam pero parang nagwawala na si bes.

Hindi na ako nakareact kasi nag-umpisa ng magmaneho si Gideon patungo sa paroroonan namin.

"Okay lang ba si bes dun?" napatingin naman ako kay Gideon. Naka-focus pa rin siya sa daan at sinayaran ako ng tingin panandali.

"Yes, baby" Nakita ko naman ang pagkurba ng labi niya kahit naka tuon ang atensyon niya sa daan. Ang gwapo talaga ni Gideon kahit sa anong gawi. Hay! Parang ang perfect niya. Ano naman kaya nagustuhan niya sa akin?

"How do you find my face, baby? Gwapo ba?" Woo! I looked away. Ano ba tong pintig ng puso ko? Bakit na lamang ganito?

Nakailang lunok ako. Anong nangyayari? Napayuko ako ng bahagya kasi makikita ni Gideon na nagba-blush ako. Lumunok ulit ako. And hardly gain some confidence to speak. "Uhm, pwede na." Anong pwede na Aly? Pwede lang yan? Naguguluhan ako. Anong sinabi ko? Paanong pwede na?

Nakita ko naman sa gilid ng mata ko ang pagtango niya at ang kurba ng labi ay unti unting naging ngiti. Jusko anong sinabi ko?

"O? That's good. Do you find me attractive? I wonder if you find me appealing to you" napahinto na siya. Nandito na rin kami sa lugar.

Woo, pakiramdam ko ang tensyon. Tensyon na nangyayari sa puso ko. Ramdam ko rin ang titig niya sa akin. Hindi naman ako makapagsalita. Lunok na nga ako ng lunok para makapagsalita pero wala pa rin. I can't even utter a single word. My God.

Hindi mo kasi alam ang Gideon ang epekto mo sa akin. Hindi mo alam kung gaano ka ka-attractive. Hindi mo alam kung gaano ka kaperpekto sa akin. Hindi mo alam na---

"Hey.." Bakit ba kasi?

"What?" my brows creased. My God, anong sinabi ko. Gideon tama na. Tama na ang tanong alam mo naman ang sagot e. "I mean yes." Oh.my. God. Nabigla na naman ako. Napatakip ako ng bibig gamit ang kamay ko.

U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)Where stories live. Discover now