Kabanata 10

141K 1.2K 44
                                    

Kabanata 10

Himself

 Nagising ako sa katok mula sa pinto ko. Tatlong oras lamang ang tulog ko kaya ang sakit ng ulo ko. Hindi kasi ako makatulog sa nangyari kahapon. Sa ginawa ko kahapon. Nakakakonsensya ang ginawa ko sa kanya. Iyong pag-iwan ko na lang sa kanya sa kotseng walang pasabe.God! Ang sakit sa ulo!

 Naghilamos muna ako bago tuluyang buksan ang pinto. Bumungad sa akin ang ngiti ni mommy. "Sinusundo ka na ni Gideon, may lakad daw kayo." Lakad? Paano? Hindi naman namin ito napag-usapan at lalong hindi kami nag-usap paanong magkakalakad? Siguro sinabi niya na lang iyon para hindi na maungkat ang nangyari kahapon kay mommy.

"Sige po, pakisabi na lang po maliligo lang ako." Sagot ko.

Agad akong tumungong banyo at naligo. Saan naman kaya kami pupunta? Gumagawa lang ito ng sakit ng ulo. Gideon, kainis ka! Ano pa bang magagawa ko? E di sumama! Kaysa naman mag-isip si mommy ng kung ano! Nagsuot na lang ako ng asul na t-shirta t jeans.

Pagkatapos kong magkapa-ayos ay bumaba na 'ko. Nakita ko na agad si Gideon na nakaupo sa sala namin.Napatayo siya nung nakita ako. Simple lamang ang suot niya, puting damit at nakapantalon lang pero iba pa rin ang epekto niya.Hindi siya katulad ng iba.  He has the most beautiful features. I let a sigh on what I'm thinking. Iniwas ko na lamang ang tingin ko sa kanya.

Nang makarating ako sa pwesto niya tinanong ko agad siya. "Bakit?" I said in a cold voice.

He lifts my chin and looks me in the eyes. "Aly, I'm sorry" aniya. Iniwas ko naman agadang tingin ko sa kanya.

"Tara na sa pupuntahan." Nilagpasan ko na siya pagkasabi ko ng mga katagang 'yon. Pagkalabas ko nakita ko ang isang BMW X4. Seriously? BMW? Kailan ba ako hindi napanganga sa iba't ibang kotse niya araw araw?!

"We're not taking it, Aly," sabi niya sabay hawak sa kamay ko. Parang bang may kung ano sa hawak niya kaya napabitaw ako kaagad. Pumara na si Gideon ng taxi. Napansin kong nagsuot siya ng shade at sombrero. Tahimik lang ako sa biyahe. Hindi ko naman alam kung saan kami pupunta. Hinayaan ko na lang siya. Napapansin ko ring tumitingin siya sa akin pero hindi ko iyon pinapansin. Kainis!

Maya-maya lamang ay nakarating na kami sa isang building na malawak at katamtaman lang ang taas. Sarado ito ngayon kasi Linggo. "Follow me," sabi iyon ni Gideon at pumasok sa building Ako naman? Sumunod lang sa kanya.

Agad na bumungad sa amin ang isang security guard. "Good Morning Ser!" Ha? Sir? Tumango lamang si Gideon sa kanya. Napansin din naman ako nung guard kaya ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako pabalik. Pagkatapos ay pumasok na kami ng building. Noong una madilim ang paligid, may kung anong pinidot si Gideon kaya biglang nagliwanag. Bumagsak ang panga ko sa nakita kong mga kotse sa paligid. Take note, mga luxury cars. Nilapitan ko ang isang Audi. Nakita ko ring may BMW, Cadillace, Ford, Jaguar, Kia, Bentley Motor, Toyota, Honda, Nissan, Volvo, at Aston Martin. Wow lang kanino 'to? Sa kanya? Napatingin naman ako sa kanya. "Bakit mo ako dinala rito?" I said.

"I just want you to know me Aly," aniya.

"Huh?" My brow creased on his statement.

Naglakad siya at pumunta sa gitna. "I am Gideon Azel Jimenez. 26 yrs. old. Son of George Jimenez and Haizel Jimenez. Born on April 15, 1986." Napabukas naman ang bibig ko sa sinabi niya.

"Anong ginagawa mo?"

"You said that you don't know me. Now I let you knew my world. Pinapakilala ko lang ang sarili ko sa'yo Alysson Jane Rodriguez...." sabi niya iyon ng nagpipigil ng ngiti. Napanganga ako sa sinabi niya pagkatapos nun. "Jimenez. Alysson Jane Jimenez" I can't even say a word. Hindi rin ako makaalis sa kintatayuan ko.

U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)Where stories live. Discover now