Kabanata 32

125K 1.3K 71
                                    

Kabanata 32

Close to me

"Pasensya ka na Aly tinulak kasi ako ng mga ugok na 'yun? Tatamaan talaga sila sa akin" Tinulak kasi ng mga ka-teamates niya si Nick sa akin kaya napahalik siya sa pisngi ko. Okay lang naman yun pero hindi na naging okay kasi nung pinulot ko ang phone ko naka end na ang call.

Biglang lumungkot. Hindi ko alam pero parang nalungkot ako.

Nandito na kami sa bahay nila Nick. Si Nica naman kailangan ng umuwi may aayusin lang daw. Pagkapasok ko sa bahay nila biglang tumambad sa akin ang isang malaking t.v. kapag naman tumingin ka sa kaliwa nakalagay roon ang ilang mga picture frame, at ilang achievements ng pamilya nila at sa kanan ay ilang paintings. Halos kasing laki ng bahay nila Nick ang bahay namin—I mean ni Gideon. May 2nd floor. Tapos napansin ko rin nung nasa labas ako ay may bodega sila. At napakalaking garahe para sa mga luxury cars. Katulad din ng kumpanya nila Gideon ang kumpanya na mayroon sila Nick, dealers din sila ng mga luxury cars pero mas popular ang kumpanya nila Gideon.

"Mom..Dad.." sabi ni Nick. Lumingon naman ang mga magulang nila Nick. Ngumiti sila, ngumiti rin ako. Hinapit ni Nick ang bewang at ni-lead ang way para makapunta sa magulang niya. "Mom dad si Aly po. Classmate—"

"Son your future girlfriend right? Sinabi mo 'yan sa akin." Sabi nung daddy ni Nick

"She's beautiful.. bagay kayo.." sabi naman ng mommy niya.

"Mom at dad naman.." aniya ni Nick. Namula naman ang pisngi niya.

Lumapit sa akin ang mom niya at hinalikan ang pisngi ko. Pinaupo nila ako sa sofa. Napatingala ako at nakita ko ang isang parang gold na chandelier. Ang ganda!

"Aly right?" sabi nung mommy niya.

"Opo ma'am" nakangiti kong sabi.

Napatawa naman ang mommy niya. Eh? May nakakatawa ba akong sinabi?

"Don't call me ma'am. Pwede nang tita uhmm o kaya mom na rin.." nag-giggle naman ang mommy ni Nick. Hala siya.

"mom!" singit ni Nick. Sobra ng namumula ang pisngi niya sa sinasabi ng magulang niya.

"Sorry anak.." Lumapit naman ang mommy ni Nick sa kanya at niyakap. May binulong siyang kung ano at napamula pa lalo ang pisngi niya.

Kasalukuyang katabi ko sa kanan si Nick habang yung tatay naman niya ang nasa kaliwa ko. Lumipat naman ng pwesto ang mommy ni Nick sa tabi ng daddy niya.

Maraming kinuwento ang mommy niya sa akin tungkol sa kanya. Pati hata embarrassing moment ni Nick ay nakuwento sa akin. Nakakatuwang isipin na napaka-open na tao ni Nick sa pamilya niya. Namiss ko tuloy sila mommy at daddy.

Nakabukas din ang telebisyon nila. May bigla nagflash na news. Tumambad doon si Gideon. Maraming sinabi ang reporter pero wala akong naintindihan kasi tangi siya lamang ang tinitignan ko. Alam kong nagsasalita rin ang mom ni Nick pero hindi ko rin naiintindihan. Parang may eyebags si Gideon. Hala? Bakit pati yung napansin ko? pero gwapo pa rin siya.

Eh?

Bakit parang ang lungkot ng mata niya?

Bakit parang hindi siya komportable?

Bakit parang—

"Aly anak lam mo bang sakim ang taong 'yan?" Napatingin naman ako sa nagsalita. Ang mom ni Nick na parang namumula sa galit. At tila may balak sirain ang telebisyon? "...sakim. Gusto nila sila ang makapangyarihan. Pilit kaming sinisiraan sa iba. Walang puso. Halang ang kaluluwa..." nanggigil na sabi ng mom ni Nick.

"Sila na nga ang popular gusto pa nilang umangat kahit nasa taas na sila.." Napatingin naman ako kay Nick.

Ano bang sinasabi nila?

U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat