Kabanata 48

129K 1.2K 76
                                    

Kabanata 48

Something

Pagkarating ko ng bahay, pakiramdam ko ang lungkot. Wala kasi si Gideon. Kakaalis lang niya nalulungkot na ako. Umupo muna akong sofa. Sinandal ang ulo ko at tumingin sa ceiling. Naiisip ko tuloy kung anong gagawin ni Diane kay Gideon dun sa London o anumang lugar sa Europe. Bakit naman kasi nasama si Diane doon? Ano naman kayang gagawin niya dun at kailangan kasama pa siya. Aba't dapat sumama ako. Pero kasi kailangan kong mag-aral.

Naku talaga!

Pero napangiti rin naman ako ng makita ang mukha niya na hindi maintindihan dahil sa kiss namin ni Gideon sa harapan niya. Hindi nga pinansin ni Gideon si Ms. Diane. Sa akin lang nakatuon ang atensyon niya.

Nakita ko nga rin ang mukha ni Karl e, may halong gulat pero alam ko naman masaya siya para kay Gideon kung anong meron sa amin.

Napapikit na lang ako. Kaya naming lagpasan ni Gideon ito. Walang makakahadlang. Wala kahit sinuman.

"Uy!" napamulat naman ako ng mata. May sumigaw kasi galing sa pinto.

Napatayo naman ako ng makita siya. "Bes?!" Bakit may dalang bag ang bestfriend ko? At with big shades. Para namang may paru-paro sa mata niya sa laki ng shades niya. Hala siya!

Dahan dahan naman niyang tinanggal ang mala paru-paro sa laki na shades niya. She flips her hair. Tapos kumindat. "Kumaree. Long time no see!" Lumapit naman siya sa akin at hinalikan ako sa magkabilang pisngi.

Napalunok na lang ako. Anyare sa bestfriend mo Aly? Sinaniban?

"Uh my gosh, kumare this is your bestfriend Veronica Villareal. My gosh!" Nag-iba kasi ang kulay ng buhok ni bes. Medyo kaparehas ng kulay ni manager Karl, medyo brown na black na buhok. At medyo umayos ang kilay niya. Eh? Kailan pa nagkainteres tong mag-ayos ng mukha.

At ang labi, jusko! Ngumunguso ang bes ko para lang bigyan pansin ang sparkling lips. May glitters glitters pa. Tapos parang binibigkas ang salitang 'pop' dahil sa kilos ng labi niya.

Eh?

"Anong meron? May kumare mare ka pa" Napataas naman ang isang kilay ko. Lumakad at inexamine ko ang buong katawan niya.

Anong meron? Party? Nakadress kasi siya --- fitted dress. And naka heels. Eh?

"Oh my gosh bes..." Sinapo pa niya ang noo niya gamit ang kamay niya at aktong parang mahihimatay dahil may papikit pikit pang nalalaman. "...Ngayon araw ay mayaman na ako." at tumawa siya. Pero infairness sa tawa pang mayamang tawa.

"Ha?"

"Papa Gideon your loves give me a privilege para manirahan muna ako sa kastilyo niyo mahal na reyna. And I'm so happy kasi. My Gosh bes. Pangmayaman to no. Grab grab din kapag may time." May pilantik pa ng kamay habang nagsasalita. Feel na feel talaga.

Hindi ko nakakayanan kung anong meron kay bes kaya umupo muna ako. Pagkaupo ko ay umupo rin si bes. At nagkuwento na siya kung bakit siya nandito. Kinausap daw siya ni Gideon kahapon. Sinabi ni Gideon kung pwede muna raw bang tumira si bes sa bahay habang wala siya. At eto ngayon ang bestfriend ko feel na feel ang pagiging mayaman. Pero para sa akin ay okay lang naman kasi alam ko namang pinapasaya niya lang ako ngayon. I know my bestfriend feels what I'm feeling right now.

She's batting her eyelashes while we're chatting. Natutuwa na lang ako kasi hindi ako nagkamali sa kanya. I love her very much.

"Bes kamusta naman yang glitters glitters mo sa labi?"

"Eto kumikinang sa labi ko. Ganda no?" at ngumuso nguso na naman siya. "..At saka ganda ng buhok ko no. Ih! Eto yung request ko kay papa Gideon no." and she flips her hair. Muntik na akong matamaan ng buhok niya.

U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon