Kabanata 8

145K 1.3K 34
                                    

Kabanata 8

Rebelasyon

Napatayo ako at napamulat ng bigla kong maramdaman na umaga na pala. Tinignan ko ang orasan sa wall, 7:00 am na. Patay! Nagmamadali akong pumuntang banyo para makaligo. Hinalungkat ko ang gamit ko at nakita ang isang statement shirt tapos nag jeans na lang ako. Pagkabihis, nagsuklay na ako at nagsapatos. Nang nakababa na ako at nakapuntang kusina nakita kong nakatalikod si Gideon na naka men suit na, ready to go. Tila naramdaman niya ang presensya ko kaya humarap siya. Napalunok ako nang humarap siya sa akin. Lumunok pa muli nang nagsalita siya "Kain na tayo." Parang habang tumatagal gumagwapo siya sa paningin ko. Napansin ko ring may itim si Gideon sa ilalim ng mata niya. Masyado ko siyang pinahirapan sa thesis namin. Pero kahit ganoon, gwapo pa rin siya.

"Problem?" Napakunot siya ng kilay noong bigla siyang tumingin sa akin. Diretso sa mata ko. I swallow again.

"W-wala" I shake my head.

Wala akong kaimik-imik pagkatapos 'nun. Pagkakain ay inayos ko na ang sarili ko at naunang pumuntang garahe. Nakita kong naka-ready na ang isang... Audi lang naman. Siya na talaga mayaman. Pinagbuksan na ako ng driver ng kotseng iyon. Siguro marami siyang gagawin ngayong araw kaya may driver siya tapos pinuyat ko pa siya. Nakakahiya naman.

Pagkapasok ko sa passenger seat, nakita kong pinagbuksan din ni kuya si Gideon. May I correct myself, Siya na mayaman, gwapo, at hot. Naka-shade siya, tapos kalmado lang siya talaga. Hindi ako nagpahalata ng tingin sa kanya. Tumingin lang ako sa bintana ng kotse. Tahimik lang din si Gideon. Hawak hawak niya ang blackberry phone niya. Siguro talaga, magiging busy siya tapos pinuyat ko siya. Nakakahiya talaga! Minsan kasi talaga ang kapal ng mukha ko.

"I think may nakalimutan kang isang importanteng bagay sa araw na ito?" Napatingin naman ako sa kanya. Napaisip ako kung ano ang tinutukoy niya.

Napalaki ang mga mata ko sa anunsyong binigay ni Gideon! "Shit!" bulong ko. Kinalabit ko naman agad si kuyang driver "Ano uh...kuya balik tayo sa bahay...please." Naku baka mapatay ako ng mga kagroupmates ko nito. Nakalimutan ko ang thesis namin, hindi pa nga napiprint 'yun.

"No need Aly." sabi ni Gideon at pinakita sa akin ang isang folder at flash drive. Oh my God! Napayakap ako sa kanya ng mahigpit. Maraming salamat sa kanya. "Salamat talaga. Grabe nakakahiya na sa'yo tapos ginawa mo pa 'yan. May hardcopy na tapos softcopy. Iba ka talaga! Salamat!" sabi ko habang nakayakap sa kanya. Grabeng tulong na ang ginawa niya sa akin.

"Anything for you, Aly." napatingin naman ako sa mata niya. Naalis ang shade niya kasi sa likot ko at para ring ang awkward ng pwesto namin. Hinapit niya ang bewang ko habang ang kamay ko ay nasa dibdib niya. "Ay sorry." sabi ko at inayos ang pwesto ko. Umayos ka Alysson!

Nakita ko lang ngumiti si Gideon. Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa bintana. Nakakahiya! Kung ano –ano kasi ang nangyayari? Nakakahiya naman kay Gideon, baka nasaktan ko siya sa bigat ko. Hindi talaga ako nag-iisip minsan. Ang awkward talaga!

Maya maya lang ay nasa university na kami. Bumaba ang driver tapos pinagbuksan ako. Nakita kong ngumisi si kuya habang binubuksan ang pinto at pasalit salit ng tingin sa amin. Ngumiti rin ako nang pinagbuksan niya ako. Hindi ba ako mapagpapaalam? Nakakahiya naman kasi e. Huminga akong malalim, ang laki ng utang na loob ko sa kanya. Tapos hindi man lang ako magpapaalam? God, wala kang respeto Aly?!

Bumaba na ako pero humarap muna ako kay Gideon. Ngumiti ako at nagsalita. "Thank you."

"Welcome, anything for you." Nararamdaman ko ang pintig ng puso ko noong mga oras na iyon. God! May problem na talaga ako! Lagi na lang talaga akong naapektuhan sa kanya!

U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)Where stories live. Discover now