Wattpad Original
There are 14 more free parts

Kabanata 1

213K 4.8K 188
                                    

Kabanata 1
Call girl

"Urgent talaga ito, eh. Kailangan ko talaga siyang personal na makausap." I insisted.

"Ah, sige po. Upo po muna kayo sa sofa habang naghihintay." Nagpasalamat ako sa kanya at tumungo sa sinabi niya.

Nakalipas ang halos treynta minuto pero wala pa ring progress. Naiinip na ako.

"Miss, wala pa ba?" tanong kong muli. Sumulyap ang babae sa kulay mahogany na pintuan bago lumingon sa akin at umiling.

Napabuntonghininga na lang ako at pinagtuunan ng pansin ang hawak kong stress ball na palagi kong dala.

Isang oras pa ulit ang lumipas. Nag-banyo na ako at lahat pero wala pa rin. Shit.

"Miss, ano na?" Tumayo ako at lumapit sa babae. Maya-maya pa ay napabaling ako sa pintuan nang magbukas iyon at lumabas ang isang babae na may magulong buhok.

Nang tumingin siya sa amin ay may kung anong ngisi ang sumilay sa kanya at sinimulan niyang i-butones ang damit niya.

What the fuck?

Tumikhim ang babae sa harapan ko at ipinakita sa akin ang telepono.

"Tatawagan ko po kung pwede na." Tumango ako at inayos na ang sarili ko. Sa wakas!

"Sir...Ha? Paanong...Okay po..." Tiningnan ko ang babae pagkatapos niyang kausapin ang amo sa telepono at maya-maya pa ay nagsalita siya.

"Ah, Madamé..."

"Pwede na?" tanong ko. Ngumiti ako at hinawi ang buhok ko.

"Ah, ano kasi, eh...wala pala si Sir d'yan." Natigalgal ako sa sinabi niya. I clenched my jaw at napahigpit ang hawak ko sa stress ball.

Ang kaninang pagkainip ko ay napalitan ng pagkainis at galit. Iyon na iyon? Matapos akong paghintayin ng halos ilang oras ay wala pala ang hinihintay ko?!

Hindi ko nasundo si Chance para lang dito tapos gano'n lang?

"Pardon, miss?" Nagtiim-bagang ako. Nakita ko ang alinlangan sa mukha ng babae maging ang paglunok niya.

"K-Kasi ano po...sabi ni Sir, wala siya d'yan...sa loob." Nag-iwas siya ng tingin. Nagdilim ang paningin ko at gusto kong hambalusin ang mukha ng kung sino mang hinayupak na Mr. Salcedo na 'yan!

Nawala ang kaba ko kanina at nag-uumapaw na ang pagkabanas ko. Sobra!

Hindi na ako nagsalita at basta na lang tumalikod sa babae at dumeretso sa pintuan ng amo niya. Narinig ko pa ang pagsigaw niya bilang pagpigil sa akin pero hindi ko pinansin iyon.

Mabilis akong nakapasok at bumungad sa akin ang isang lalaking nakatalikod.

"Halos isang oras akong naghintay d'yan sa labas tapos sasabihin na wala—" natigil ako sa pagsasalita nang humarap sa akin ang isang pamilyar na lalaki. Magulo ang buhok niya at tabingi na ang necktie na suot.

No... You got to be kidding me...

"Miss?" Kumibot ang labi nito at lumitaw ang biloy niya sa magkabilang pisngi. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at minura ang sarili sa sobrang inis. Nang magmulat akong muli ay nakita ko ang pagtitig niya sa katawan ko.

Just... Just...

Get a hold of yourself, Allison!

"A-As I was saying, naghintay ako d'yan sa labas—" Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang mabilisan siyang nakapagmartsa papalapit sa akin at bago pa man ako makapagsalita ay naramdaman ko na lang ang pagtama ng likod ko sa pader na di kalayuan dahil sa pagtulak niya sa akin.

Taking Chances (Published Under Bliss Books)Where stories live. Discover now