Wattpad Original
There are 7 more free parts

Kabanata 8

159K 3.3K 32
                                    

Kabanata 8

Hindi na.

"Oh my god! Shit!" gulat kong sabi habang nakatingin sa lalaking tahimik na natutulog sa tabi ko.

Bahagyang nakaawang ang mapupula at malalambot niyang mga labi habang mahinang humihilik. His lips were totally swollen na marahil ay dahil sa halik ko nitong nakaraang gabi. Mas natitigan ko ang kanyang mukha at ang mga perpektong anggulo nito kapag ganito kalapit.

God, I'm sorry!

Naihilamos ko ang mukha ko at mahinang minura ang sarili ko.

How could this happen?! Kasalanan ko ito!

Damn, wrong freaking move, Allison! I just let it happen again!

"Hmm..." Naalarma ako sa bahagyang paggalaw niya at naramdaman ko ang init ng mga palad niya sa baywang ko. Bumilis ang paghinga ko nang maramdaman ko ang hita niya na nakapulupot sa hita ko. Muli pa siyang gumalaw at nag-panic na talaga ang sistema ko.

Dahan-dahan kong iniabot ang kamay nitong nakapulot sa baywang ko at tinanggal. Sinunod ko naman ang hita niya and I silently cursed myself when my hand accidentally touched his shaft.

"F-Fuck..."

I took a deep breathe and stayed on focus.

Come on, Madlang-Awa, you can do it!

Winala ko ang atensyon sa pinagmamalaki niyang sandata at pinagpatuloy ang pagtanggal ng maputi niyang hita sa akin. Napahiyaw naman ako nang mahina nang mapagtagumpayan iyon pero hindi ako agad nakatayo dahil sa bumaba ang tingin ko sa matigas niyang dibdib, pababa sa abs niya at parang naglalaway yata ako.

Focus! Focus! My mind screamed frustratingly at me and that's when I woke up from my crazy fantasies.

Agad akong napatayo at pinasadahan ng tingin ang kwarto niya. Mabilis ko ulit siyang tiningnan na ngayon ay nakatihaya na at napamura na naman ako nang makita ang v-line niyang nakalitaw sa kumot na bahagyang nakalihis.

"You won't ever see me again," mahinang sabi ko bago mabilis na pumihit habang walang saplot. Wala sa sarili kong hinablot ang boxers niya na nakalagay sa sahig at parang tangang tumakbo palabas. Nahagilap ko ang damit ko sa may pintuan ng unit niya at agad ko itong isinuot pati na rin ang boxers niya.

Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko at hindi na pinansin ang mga tingin sa akin ng tao sa lobby. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa lugar namin.

Ang gaga ko talaga! Sobrang napakagaga!

Bakit ako bumigay? Kasalanan ito ng mga hinayupak na naglagay ng gamot sa inumin ko, eh! I should have known!

Kaya ayokong uminom sa bar dahil doon pero dahil sa nagpadala ako sa malalim na tingin sa akin ng Salcedo na iyon ay napainom ako nang wala sa oras. Look what happened? And now, I am totally doomed!

Nang makarating ako sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto ng anak ko at nakita ko siyang mahimbing na natutulog habang yakap-yakap ang unan na iniregalo ko sa kanya noong nakaraang kaarawan niya. I touched his hair at hinalikan ang noo niya.

"Ate, bakit hindi ka umuwi kagabi?" tanong sa akin ni Mare habang tumutulong sa akin na mag-ayos ng hapagkaininan.

"Pasensya na ha? Matagal kasing nagsara ang bar kagabi kaya hindi na ako nakauwi. Doon na lang ako natulog kasi inaantok na rin ako," palusot ko, kaysa naman sabihin ko sa kanya na may nangyaring kababalaghan kagabi at kakatakas ko lang sa sitwasyon na iyon ngayon, 'di ba?

"Mama ko?"

Umayos ako ng tayo at agad na lumingon sa likod ko sa may pintuan ng kusina. Nakita ko mula roon ang anak ko, suot ang kanyang ternong pantulog. Magulo ang buhok niya at kinukusot ang mga mata habang papalapit sa pwesto ko.

"Chance," mahinang tawag ko sa kanya. Lumapit ako at lumuhod sa harapan niya. Inayos ko ang nagulo niyang buhok sa mukha at agad siyang kinarga.

"Hindi ka umuwi? Miss na kita." Ang pagkabagabag na nararamdaman ko nitong umaga lang ay parang bulang nawala nang marinig ko ang sinabi ng anak ko. Agad akong napangiti at pinaupo siya sa kandungan ko.

"Sorry, anak. Ginabi ako sa work, eh," sagot ko at hinalikan ang tungki ng ilong niya. "Did you have any nightmare?"

Umiling siya at sumiksik sa leeg ko. "No po pero sad ako kasi hindi ka umuwi kagabi."

I sighed when he said that at niyakap ko ang baywang niya.

"Bawi na lang si Mama. Gusto mo pasyal tayo ngayon?"

Mabilis siyang humiwalay sa akin at malaki ang ngisi habang nakatingin sa akin. Lumubog tuloy ang dimple niya sa pisngi at ngumiti ang mga mata niya. I can see his resemblance to him.

Ipinaling ko ang ulo ko.

No, 'wag mo nang isipin pa iyon.

I just need to get away from this. Kailangan kong lumayo habang maaga pa. It will just destroy my senses lalo pa at may nangyaring hindi ko iniisip na mangyayari ulit.

"Bihis ka na, baby," mahinang sabi ko sa anak ko pagkababa niya sa hita ko. Inasikaso naman agad siya ni Mare papunta sa kwarto niya at dumiretso ako sa banyo ng kwarto ko para makapag-ayos din ng sarili.

Hinagilap ko ang tuwalya ko at dumiretso sa banyo para makaligo. Hinubad ko ang damit ko at napalabi ako nang makitang suot ko ang boxers ni Greg.

Gosh, bakit ko ba sinuot pa ito? Pinunit niya kasi ang underwear ko kaya wala na akong choice! Hindi naman na kami magkikita pa! Hindi na.

Nag-umpisa na akong maligo at magsabon ng katawan pero nasa kalagitnaan pa lang ako ng ginagawa ay napansin ko ang mapula-pulang marka sa dibdib ko. Binitiwan ko ang sabon at ineksamin iyon at iyon na lang ang pagluwa ng mata ko nang mapagtanto kung ano iyon.

Kiss marks!

"Shit!"

Mabilis akong tumakbo sa salamin at nagulat ako nang makita ang kabuuan ng katawan ko. Marami akong mapupulang marka sa dibdib ko at may isa pa sa leeg ko.

"What have I done?"

Sinabunutan ko ang buhok ko at napakagat ng labi. Hindi ko na talaga dapat makita ang lalaking iyon! Hindi na talaga pwede! Once is enough.

Don't repeat the same mistake twice or you'll burn, Allison!

Taking Chances (Published Under Bliss Books)Where stories live. Discover now