Wattpad Original
There is 1 more free part

Kabanata 14

150K 3K 30
                                    

Kabanata 14

Ihahatid

"Miss mo mukha mo." Umirap ako at sumimsim sa juice na nasa harapan ko.

"Ouch!" He acted as if he was hurt at nilagay pa ang kamay sa dibdib habang nakatingin sa akin. "Hindi mo ako namiss?" He pouted cutely at iniwas ko agad ang tingin ko sa labi niya. Baka ma-tempt pa ako at sakmalin ko na lang bigla.

"Asa ka," sikmat ko.

"Sorry if you hadn't seen me in three days Nakakainis kasi iyong kliyente ko noong isang araw. Gusto pa kitain ko siya sa Davao. Fuck it. Is he gay?" reklamo niya bigla habang nakasimangot kaya natawa ako sa reaksyon niya. Hinagis ko sa kanya ang tissue paper na nasa kamay ko.

"Nagrereklamo ka d'yan, mabuti nga may kliyente ka, eh." Ngumuso naman siya sa akin at inagaw sa akin ang baso ng juice na hawak ko saka niya ininom.

"Hoy! Akin 'yan!" Iniabot niya sa akin ang wala ng lamang baso at naiinis kong kinuha iyon mula sa kanya. Nang tingnan ko ang baso ay wala na itong laman.

"Sus, arte naman," sabi niya at noong tingnan ko siya ay binabasa niya ang kanyang labi. Umirap ako at humalukipkip sa harapan niya.

"At bakit kailangan ako sa meeting na 'to? If may I ask," tanong ko sa kanya pero agad akong natigilan ng mapansing nakatingin siya sa dibdib ko. Mabilis kong pinagkrus ang braso ko at sinamaan siya ng tingin.

"Quit staring at my boobs!" singhal ko at napahagalpak siya ng tawa. Lumiliit ang mga mata niya sa katatawa at napahawak siya sa tiyan niya. Hinampas-hampas pa nga niya ang mesa na parang kaka-release lang niya mula sa mental facility.

"S-Sorry..." natatawa niyang sabi bago pinunasan ang gilid ng mata niya. "I just can't stop admiring it. It really fits perfectly in here." Tinaas niya ang palad niya at pumisil sa ere.

"Gago! Manyak!"

Sinipa ko ang paa niya sa ilalim. Agad ko ring hinawakan ang pisngi ko dahil sa pag-iinit nito. Masama ko siyang tiningnan na tatawa-tawa pa rin at nang makita niya siguro ang mga matalim kong titig sa kanya ay tumigil siya. Tinaas niya ang dalawang kamay niya na parang sumusuko.

"Sorry na, baby," nag-aalangan niyang sabi pero nakataas pa rin ang labi sa ngiti.

Damn it! How can he possible looked hot just by doing that?

Umismid ako. Bigla namang nagbukas ang pinto at lumabas mula roon si boss na wala nang kausap sa telepono.

"Having fun?" tanong niya sa amin at mabilis namang sumagot ang loko-loko.

"Yes, I'm really having fun," nakangiting niyang sabi bago bumaling sa akin pero hindi ko siya sinuklian noon. Nang bumaling sa akin ang boss ko ay pilit akong ngumiti at tumango na lang.

"Good," sabi nito. "Magkaklase pala kayo dati?" tanong ni Sir at napatindig ako mula sa pagkakaupo.

Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Greg sa sinabi ni Sir at nakakunot ang noo niyang tiningnan ako.

"Ah, yes," sagot ko na lang nang matulala si Greg sa akin.

"It's nice meeting you personally, Mr. Salcedo. I feel bad for leaving this early but I really need to go. Kailangan kasi ako ng misis ko," nakangiting sabi bigla ng boss ko at iniabot ang kamay ni Greg na tulala.

Napamaang si Greg at tumango-tango na tinanggap ang kamay ni Mr. Agoncillo. Tumayo na rin ako at inayos ang sarili ko pero magpapaalam pa lang sana ako kay Greg ay inunahan na niya ako.

"Can I have my classmate's time?" biglang sabi niya at hinawakan ako sa braso kaya napapiksi ako.

"Oh, sure. No problem, Mr. Salcedo," sagot ni boss at tumingin sa akin. "See you tomorrow, Miss Madlang-Awa," dagdag niya bago pumihit patalikod.

"Sir!" tawag ko pa rito pero hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang ipaikot ni Greg ang kamay niya sa baywang ko.

"Hoy! Anong..."

Lumayo ako pero hindi niya ako hinayaan. Niyakap niya ang baywang ko kaya napaharap ako sa kanya. Bumilis ang paghinga ko nang magkalapit na ang mukha namin at pumungay ang mga mata niya.

"Classmate? Hmm..." mahinang sabi niya at bumaba ang tingin sa labi ko pabalik ulit sa mata ko. He smiled at naramdaman ko ang daliri niya sa pisngi ko.

Gusto ko siyang itulak at mag-iwas ng tingin pero hindi ko nagawa dahil sa nahahatak ako ng mga mata niya. It's like it has its own gravity that's making my eyes only look at his.

Lumapit ang mukha niya sa akin at unti-unti kong isinara ang mga mata ko para tanggapin ang halik niya pero narinig ko ang pagbukas ng pintuan kaya natigilan ako.

"Oh! I'm sorry! I didn't mean to barge in here." Mabilis kong inilayo sa akin si Greg at nakita ko ang boss ko na mukhang gulat din habang nakatingin sa amin. "I just forgot something," mahinang sabi nito nang natatawa at kinuha ang folder na naiwan niya.

"You can continue," ngisi nito bago tumalikod.

Napahugot ako ng malalim na hininga nang makaalis ito bago muling bumaling kay Greg na nakatitig lang nang malalim sa akin.

"W-What...are you...staring at?" utal kong sabi kaya halos mahampas ko na ang bibig ko.

Why the hell are you stuttering, Allison?!

Hindi niya ako sinagot. Sa halip, inilang hakbang niya lang ang distansya naming bago ako agad na sinalubong ng halik. Napaungol ako sa gulat sa ginawa niya pero nakita ko na lang ang sarili kong ipinapaikot ang kamay ko sa leeg niya at sinasabayan ang ginagawa niya.

Mahigpit ang pagkakayakap niya sa baywang ko. Hindi niya pinapakawalan ang labi ko kahit wala na kaming mapagkunan ng hangin.

Naghiwalay na ang mga labi namin at dinikit niya ang noo niya sa akin. Mabilis ang paghinga namin at nanatiling nakapatong ang kamay niya sa baywang ko. Sinalubong niya ang mga mata ko at ngumiti siya bago bumaba ang kamay niya sa akin. Nagmamadaling hinila niya ako palabas ng restaurant.

Marahan niya akong ipinasok sa sasakyan niya at mabilis na lumipat sa kabilang side pagkatapos ay nilingon ako. Pakiramdam ko ay namumutok na sa init ang pisngi ko dahil sa ginawa niyang pag-ayos ng seatbelt ko at pagkintal ng mababaw na halik bago paandarin ang sasakyan.

Mabilis ang kabog ng dibdib ko. Parang nag-jo-jogging ang puso ko sa bilis ng tibok nito. Parang magsusuka ako ng rainbow dahil sa pag-ikot ng tiyan ko.

"S-Saan tayo?" mahinang tanong ko sa kanya. Sumulyap lang siya bago ngumiti.

"Anywhere," pilyo niyang sagot pero nang mapasulyap ako sa orasan sa loob ng sasakyan ay mahina akong napamura.

"Why?" takang tanong niya sa akin pero umiling-iling ako at tinuro sa kanya iyong daan para makababa. Ginilid naman niya agad.

"Bakit?" tanong niya.

"May pupuntahan pala ako," paliwanag ko saka ko kinalabit ang seatbelt ko para makaalis pero nahila niya ako pabalik.

"Ihahatid kita," sabi niya pero marahas akong umiling.

"'Wag!" mabilis kong sagot dahilan para magsalubong ang kilay niya. Umigting ang panga niya at matiim akong tinitigan.

"Ihahatid kita," mariing uliy niya kaya natigilan ako. Wala sa loob na bumalik ako sa upuan ko. Inayos niyang muli ang seatbelt ko bago ibalik ang atensyon sa manibela.

"Saan tayo?" seryoso niyang tanong. His mood switched again at napaismid lang ako.

"Sa Day Care Center," mahinang sagot ko at nagtatakang bumaling siya sa akin.

"What are you going to do there?" nagtataka niyang tanong. Nakagat ko yata ang dila ko dahil naubusan ako ng sasabihin.

"H-Huh? Ano...Ibaba mo na lang kasi ako," alangan kong sagot sabay lunok.

"No, ihahatid kita ro'n," sabi niya bago pinihit ang manibela at halos mapamura ako sa isip.

Shit! Hindi pwede!

Taking Chances (Published Under Bliss Books)Where stories live. Discover now