Wattpad Original
There are 9 more free parts

Kabanata 6

163K 3.5K 26
                                    

Kabanata 6

Is it bad?

"Excuse me pero sa amin 'yang hinahawakan mo."

Biglang may naulinigan akong nagsalita sa may bandang likuran ko kaya napabitiw ako bigla kay Greg. Pero sa halip na pakawalan ay mas hinapit niya ako sa kanya at naramdaman ko ang pagtulak niya sa ulo ko pabalik sa may leeg niya.

"What are you talking about?" malamig na tanong niya at naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya nang langhapin ko ang mabango niyang leeg.

Shit, bakit ang bango?

"The girl, sa amin siya. Bitiwin mo na." Narinig kong sagot ng lalaki sa likuran pero hindi ko siya pinoproblema. Masyado akong nawiwili sa amoy ni Greg at hindi ko alam kung bakit.

"Sa inyo?" He chuckled sarcastically that sends chills through my spine. Nag-vibrate ang tawa nito sa may tainga ko kaya lumalim ang paghinga ko.

"This girl is fucking mine. Touch her and I will make sure that you won't see the sun again." Kinilabutan ako sa sinabi niya at hindi nakaangal.

Mine? May kumiliti sa tiyan ko sa narinig. Inilapit ko ang ilong ko sa leeg niya para mas maamoy pa siya.

"F-Fuck," he hissed. Napapiksi ako sa pagkabigla sa ginawa niyang paghaplos sa baywang ko.

"Nauna kami Salcedo!" sigaw galing sa kung saan pero malamig at matigas na boses lang ang narinig ko mula kay Greg.

"The hell I care! Stay away from my sight if you still want your company standing before this fucking night ends," he said evilly. I can imagine him smirking at them.

Wala na akong narinig na sagot mula sa kausap niya kaya idinaan ko ang ilong ko sa pagitan ng leeg niya.

"S-Stop..." I groaned when he held my arms at inilayo niya ako sa kanya. Namumungay ang mga mata niya akong tiningnan at hindi ko alam kung bakit ang gwapo-gwapo niya?

"May ininom ka ba?" Mariin kong naipikit ang mga mata ko nang dumoble ang paningin ko at mabilis nitong inalalayan ang braso ko. Tumango ako at sinalubong ang mga mata niya.

"Bullshit! Humanda sa akin ang mga hinayupak na iyon!" Hinawi niya ang buhok ko sa mukha at natigil ako nang dumausdos ang kamay niya sa kamay ko bago nagsalita. "Let's get you home."

Akmang hihilahin na niya ako pero pinigilan ko siya at pilit na umiling kahit na init na init na ako at makirot ang ulo ko.

"'W-Wag...M-May...may trabaho pa ako."

He sighed in exasperation at mas humigpit ang hawak sa kamay ko. Nagsalubong ang kilay niya at kulang na lang ay bugahan niya ako ng apoy para sumunod sa gusto niya.

"Damn it! Sumunod ka na lang! Those motherfuckers put something in your drink so you need to be home. Now!" istrikto niyang sabi.

Wala na akong nagawa na parang papel lang ako na kinaladkad niya palabas. Naririndi ako sa ingay ng tugtog sa loob ng bar at naghahalo na ang amoy ng usok at alak sa buong lugar.

Halos hapuin ako nang tumigil kami sa kung saan at narinig ko ang pag-alarm ng kung ano. Muli niyang hinawakan ang kamay ko palapit sa isang itim na sasakyan.

"Why the hell are you wearing that kind of dress?!" Parang may kuryente na dumaloy sa katawan ko nang naramdaman ko ang pag-ayos niya ng damit ko at gumulo ang sistema ko sa kakaibang init na naramdaman. "Better."

Nakita ko ang pagngiti niya pagkatapos ibaba nang maayos ang umakyat kong damit sa may hita. Hinawakan niya nang marahan ang braso ko at ipinasok ako sa loob ng sasakyan. Hindi ko alam kung ilang segundo ang lumipas nang nakapunta siya sa tabi ko dahil sa hinihilot ko ang sentido ko habang nakasandal.

Taking Chances (Published Under Bliss Books)Where stories live. Discover now