Wattpad Original
This is the last free part

Kabanata 15

158K 3.5K 95
                                    

Kabanata 15

Si Doc!

Halos gusto ko nang tumalon palabas ng sasakyan niya habang papunta kami sa Day Care Center. Para akong hihimatayin sa kaba. Nanlalamig ang mga kamay ko at naririnig ko na ang marahas na kabog ng dibdib ko.

God, please!

"You're pale," puna niya sa akin habang nakasilip sa mukha ko. Nakahilig siya sa manibela dahil sa traffic. May nagkabanggaan daw sa may unahan.

"H-Huh?" pagmamaang-maangan ko. Lumulutang na ang utak ko na hindi ko maintindihan.

He chuckled at iniabot niya sa akin ang isang tissue kaya nagtatakang kinuha ko iyon.

"Ano ito?"

Tinuro niya ang gilid ng labi ko. Kinunutan ko siya ng noo.

"Lipstick," mahinang sabi niya at agad kong pinunasan ang gilid ng labi ko at nakitang may kalat nga. I pursed my lips at napasulyap ako sa kanya na nakamasid sa akin.

Natawa ako bigla nang makita ang gilid ng labi niya. Iniabot ko ang tissue sa kanya pabalik at tinuro rin ang sa kanya.

"May lipstick ding natira," sabi ko at mukhang nagulat siya.

"Oh!"

Kinuha niya ang hawak kong tissue at pinunasan din ang gilid ng labi niya. Natawa siya nang makita ang nasa tissue. He looked at me with amusement. Napasinghap ako nang abutin niya ang kamay ko pero hindi ako umangal.

He played with my fingers for awhile at binitiwan niya lang nang umandar na ang mga sasakyan. I almost groan when he let my hand go pero kinimkim ko na lang sa sarili ko.

Ang plano ko kasi ay lumayo sa lalaking ito then why am I with him, right now?

Seriously? Allison? Ikaw lang ang sumisira sa plano mo!

"Magkaklase tayo dati?" biglang sabi niya sa akin habang nagmamaneho. Sumulyap ako sa daan na medyo lumuluwang nab ago ibinalik ang tingin sa kanya.

"Oo," sagot ko at pinaglaruan ang daliri ko. Pasulyap-sulyap din ako sa orasan niya sa loob ng sasakyan.

Nakalabas na kaya ang anak ko? God, sana hindi pa. I told him to stay at sana nga ay manatili siya roon.

"Really? Bakit hindi ko alam?" manghang tanong niya sa sarili kaya napairap ako.

"Busy ka kasi sa mga babae mo." Umismid ako. Sinundan na naman niya ng tawa ang sinabi ko.

"Jealous?" Iniabot ang kamay ko na agad kong inilayo sa kanya.

"Hindi, ah! Asa ka!" Hinampas ko ang kamay niya na pumatong sa hita ko. "Hoy! Gregorio, iyong kamay mo!" sita ko sa kanya.

Tinanggal niya naman ito at tinawag ang pansin ko.

"Kailan tayo naging magkaklase?" tanong niya bago tumigil dahil sa nagkulay pula ang stoplight.

"Noong fourth year ako sa college tapos nagma-masteral ka na yata no'n, eh." Nagkibit-balikat ako at sumandal. Naalala ko na naman noong college ako.

Masyado kasi siyang malapit sa mga babae na ka-block namin pero hindi ako kasama ro'n. Hindi ako patay na patay sa kanya. I also needed to stay away from him dahil sa napakaraming dahilan. Dapat nga ngayon ay hindi ko na siya kasama pero bakit ako nandito?

Shit! What am I thinking?

"Ah! Oo, tama ka." Tumango siya. "Do you know Tyrone?" tanong niya at na-freeze ang sasabihin ko. Bumagsak ang tingin ko sa daliri ko.

icon lock

Show your support for HN🥀, and continue reading this story

by HN🥀
@heartlessnostalgia
Hot Bachelors Series #4: Allison Clarisse Madlang-awa's happy and unc...
Unlock a new story part or the entire story. Either way, your Coins help writers earn money for the stories you love.

This story has 47 remaining parts

See how Coins support your favorite writers like @heartlessnostalgia.
Taking Chances (Published Under Bliss Books)Where stories live. Discover now