Prologue

236 8 0
                                    

"Anak, tara sa mall. Bibili tayo ng bagong gamit mo." yaya sa akin ni Papa kaya natuwa ako.


Sa wakas, mabibili ko na rin ang panty na gustong gusto ko.


"Sige po. Maliligo lang ako Pa." paalam ko dito at dali daling naligo.


Nang matapos akong maligo, kinuha ko na ang mga susuotin ko. Dahil Sunday ngayon, isusuot ko ang panty kong may tatak na Sunday. Kulay dilaw iyon at may design na bulaklak sa parte ng ah-uhmm. Basta alam niyo na 'yun.


"Anak? Nasaan ka na?" kinatok na ako ni Papa kaya naman nagmadali na akong magbihis.


Nang matapos na ako, nagsuklay ako nang mabilisan at saka lumabas ng kwarto.


Pumunta na ako sa sala dahil nandoon lagi nakatambay si Papa. Naabutan ko siya doong nagbabasa ng diyaryo kaya nilapitan ko na ito.


"Papa, tapos na ako." masaya kong sabi dito.


"Very good. Tara na." nakangiting yaya nito sa akin.


Tumayo na siya at hinawakan ang kamay ko. Sabay kaming naglakad papunta sa garahe namin upang makasakay na sa sasakyan namin.



Awtomatikong nagbubukas ang gate namin sa tuwing lalabas kami dahil sa sensor nito kaya naman hindi na namin iyon binuksan. Sa likod ng sasakyan kami sumakay ni Papa dahil may driver naman kami.


Siguro, nakikita niyo na ang buhay ko. Oo, mayaman ako. Pero dahil lang 'yun sa Papa ko. Sa totoo niyan, anak lang naman ako sa labas eh.


'Yung Mama ko, tindera lang siya sa tindahang binigay ni Papa sa kanya. Tuwing Lunes hanggang Biyernes, kay Mama ako nakatira. Tuwing Sabado at Linggo naman, kay Papa naman ako sumasama.


May mga kapatid din ako. Isa sa side ni Mama at isa naman kay Papa. Parehas silang lalaki at parehong mas matanda sa akin kaya sobrang protektado ako.


Nag-aaral ako kasama nilang dalawa. Pinapaaral kaming lahat ni Papa sa Pontifico University. Sa kasalukuyan, fourth year highschool na ang dalawa kong kuya at ako naman ay second year highschool na.


"Nandito na po tayo sir." sabi ng driver namin kay Papa.


"Sige. Maghintay ka lang dito ah." bilin ni Papa dito at pumasok na kami sa loob ng mall.


Sobrang saya ko nang makapasok muli dito. Noong Biyernes kasi, napadaan din kami dito ng mga kaibigan ko at nakita ko ang kulay pink na panty na nagustuhan ko.


"Anong gusto mong bilihin?" tanong ni Papa sa akin. 


"Halika 'Pa. Kunin po natin." hinila ko na ito sa kung saan ko nakita ang panty na iyon.


Ang Malas na PantyWhere stories live. Discover now