Chapter Six

61 4 1
                                    

Kinakabahan akong naglalakad ngayon papunta sa parking lot. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa mga kapatid ko kung bakit late ako nakarating dito. Nakakahiya din kasi baka may pinapagawa pala sa kanila tapos naging rason ako para mabawasan 'yung oras nila doon.


Nang makarating sa sasakyan, pansin kong nanlaki ang mga mata nilang dalawa.


"Kaninong jacket 'yan?" tanong ni Kuya James. 


Eto na. Napahinga ako nang malalim at lalong tumindi 'yung kaba ko nang hawakan ako ni Kuya Fonso sa likod.


"Navarra. Sabi ko na nga ba eh." nagtaka ako sa sinabi niyang iyon.


"Kilala mo siya?" nagtataka kong tanong sa kanya.


"Basketball player din siya ng university. Rookie pa lang dahil magkabatch lang kayong dalawa. At kung ano man ang meron sa inyo ngayon, itigil niyo na. Ikaw din ang masasaktan." nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Kuya Fonso.


"Walang kung ano man ang meron sa amin." depensa ko dito. Bakit ba ganoon kaagad ang iniisip nila kapag nakikita na suot ko ang jacket ng Navarra na 'yon?


"That jacket costs 20,000 pesos. Napakamahal niyan para ipahiram lang sa kung kanino man." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi sa akin ni Kuya James. Ito na ang pinakamahal na nasuot ko dahil hindi naman ako nagpapabili ng mamahaling damit kay Tita Laura eh. Tapos, ni hindi sinabi sa akin ng lalaking 'yon kung kailan ko 'to ibabalik o kung ibabalik ko pa ba.


Huminga ako nang malalim bago ipaliwanag sa kanila ang nangyari.


"Nasa canteen kami kanina ng bagong kaibigan ko. Tapos, bigla na lang may natapon na sobrang lamig sa likod ko. I found out, orange juice pala 'yon. Si Navarra 'yong nakatapon sa akin." paliwanag ko dito. "Inabot niya 'tong jacket sa akin so tinanggap ko. Pero dahil malagkit, nilabhan ko pa rin uniform ko sa cr. Late ko nang narealize 'yong nangyari. Hindi ko na sinuot 'yong uniform ko kasi baka magkasakit lang ako. Pero 'yon, nahuli ako ng prof ko kaya naipadala ako sa guidance." napayuko ako nang sabihin ko ang huling pangungusap na iyon.


Matagal na katahimikan ang bumalot sa buong sasakyan. Lalo akong kinabahan dahil doon. Pakiramdam ko, sobrang nadisappoint sila sa nangyari.


Naghintay ako na pagsabihan nila ako ngunit wala pa rin. Unti-unti kong iniangat ang ulo ko upang tignan kung ano ang hitsura nila.


Doon ko lang napansing napakalaki ng ngiti nilang dalawa kaya nagtaka ako.


"Na-guidance ako. Paparusahan ako ng community service. Hindi kayo magagalit?" tanong ko sa kanila.


"Alam mo kasi, may hindi kami sinabi sa inyo ni James eh." sagot ni Kuya Fonso na ipinagtaka ko.


"Ano 'yon kuya?" tanong ko dito.


"We've also experienced being sent to the guidance office. Three days of community service 'yong naging parusa namin. Well, because of what happened to you, we're tie now." natatawang kwento nito sa akin kaya napahinga na ako nang maluwag.


"Kinakabahan ako kanina kung paano ko sasabihin sa inyo tapos ganito lang pala?" natatawa ko na ring sagot dito.


Buti na lang, nangyari sa kanila 'yon. Kung hindi kaya, ano kayang mangyayari sa akin? Hindi ko ma-imagine na nagagalit sila sa akin.

Ang Malas na PantyWhere stories live. Discover now