Chapter One

159 5 2
                                    

Trisha's POV


"And that's how my most unforgettable day happened." maluha luha kong pagtatapos.


Unang araw ko na ngayon bilang kolehiyo at hindi pa rin mawawala ang "introduce yourself" part. Meron ding pakulo ang professor namin na kailangan ding ikuwento ang pinakahindi makakalimutang pangyayari sa buhay namin.


"And how did it became your "most unforgettable" day miss Patrisha?" dagdag na tanong ng professor namin sa English. Tumayo ako nang tuwid at mahinang itinugon ang:


"Because that is when my father died." kasabay nito ang pagpatak ng luhang kanina ko pa pinipigilan.


FLASHBACK


Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa parking lot upang umuwi.


"Sobrang saya ko ngayon." sabi ni Papa nang makasakay na kami sa sasakyan namin.


"Bakit naman po? Eh hindi ka naman bumili ng mga gamit mo?" nagtataka kong tanong dito.


"Kasi ngayon ko lang nakita na sobrang saya mo. Dati kasi, ni hindi man lang kitang makitang ngumiti. Kapag kasama natin ang mga kuya mo, nakikita ko kung gaano ka kalungkot." paliwanag nito.


Kapag kasama kasi namin ang mga kuya ko, sila lang ang nagkakaintindihan. Usapang lalaki lang ang pinag-uusapan kaya wala akong kaimik-imik. 


Ano naman kasing sasabihin ko? Wala naman akong maintindihan sa sinasabi nila.


Wala din akong kasamang bumili ng mga gamit ko noon kaya wala akong ganang bumili. Kapag iniisip ko kasing magkakasama silang tatlo, tapos mag-isa lang ako, nalulungkot ako sobra.


Kaya pinipili ko na lang na sumama sa kanila.


"Kung may pagkukulang man ang papa, patawarin mo ako ah? Siguro, hindi ko lang talaga alam kung anong mga dapat kong gawin sa'yo dahil babae ka." dagdag pa niya.


"Okay lang po 'yun 'Pa. Naibibigay mo naman lahat ng kailangan ko eh." 


"Sapat na ba 'yun sa'yo? Kasi para sa akin, sobrang kulang pa eh." 


"Hindi 'Pa. Sobra sobra nga po eh. 'Wag mo na pong isipin 'yun dahil sobrang thankful ako dahil ikaw ang Papa ko." hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya.


"Tandaan mo lang lagi na mahal na mahal--" hindi na natapos ang sasabihin ni Papa dahil isang putok ng baril ang narinig namin.


Nanlaki ang mga mata ko dahil nagkaroon ng butas ang bintana ng sasakyan namin. Natakot ako dahil nasa side iyon ni Papa.


"k-kita." hirap na hirap na dugtong niya.


Bigla namang bumagsak ang ulo nito sa mga balikat ko kaya naiyak na ako.


"PAPA!!!" sigaw ko habang umiiyak.


"Kuya, pumunta tayo sa hospital." natataranta kong sabi sa driver namin.


"Kuya naman! Mamamatay si Papa kapag binagalan mo pa." humahagulgol na sigaw ko dahil sa bagal ng takbo ng sasakyan namin.


Hindi ko na alam ang gagawin ko. Umaagos na rin ang dugo sa likod ni Papa.


Maya-maya lang ay nakarating na kami sa isang ospital.


Pero wala rin palang maitutulong iyon. Idineklara si Papa na dead on arrival kaya't sobra na lang ang iyak ko noong araw na iyon.


END OF FLASHBACK


"I'm sorry to hear that Ms. Patrisha." malungkot na sabi ng professor ko.


"Excuse me Ma'am." paalam ko dito at lumabas ng classroom.


Dumiretso ako sa washroom at doon nagpatuloy sa pag-iyak.


Naalala ko na naman.


Naalala ko na naman kung paano namatay ang Papa ko. Naalala ko na naman kung gaano ako kasaya noong araw na iyon at kung paano ipinaramdam sa akin ni Papa na mahal niya ako.


Sobrang bigat sa pakiramdam. Sobrang sakit. 


Lalo na kapag naaalala ko 'yung oras na sinabi niya sa aking mahal na mahal niya ako kahit nahihirapan na siya.


Sobrang sakit.

Ang Malas na PantyWhere stories live. Discover now