Chapter Four

57 6 0
                                    

"Buti na lang talaga masyado kang babae kumilos." sambit ni Pam habang naglalakad na kami pabalik sa classroom namin.


"Bakit naman?" tanong ko dito.


"Kasi sa laki ng jacket na yan sa'yo, magmumukha kang tomboy." napansin ko nga din ang laki ng jacket na suot ko ngayon. Sabagay, malaki din naman kasi ang katawan ng lalaking nagbigay sa akin nito. Hindi siya mataba pero malaman ang mga braso niya.


Kung hindi niya lang ako tinapunan ng orange juice sa likod, crush ko na sana siya. At kung nangyari iyon, napakaswerte niyang nilalang.


"Nagmukha tuloy na girlfriend ka ng may-ari niyan." nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.


"Anong girlfriend sinasabi mo diyan?" nagtataka kong tanong sa kanya.


"Eh may apilido sa likod oh. Navarra." nagulat ako sa sinabi niya.


Ibig sabihin, aakalain ng mga tao na girlfriend ako nung lalaking 'yun. Pero hindi naman siguro siya kilala sa buong university 'di ba? Kasi ako dapat ang unang makakilala sa kanya bago siya sumikat.


"Hindi naman nila kilala 'yan." pampakalma sa sariling sagot ko na lang dito.


Pero muli akong nagulat nang may marinig akong usapan mula sa dalawang babae.


"Ayan kaya 'yung girlfriend ni Navarra?"


"Baka. Look, she won't wear that if she isn't."


"In fairness kay ate, maganda siya."


"Pero akin lang si Navarra!"


Nanlaki ang mga mata ko. Ibig sabihin, kilalang kilala pala 'yung lalaking iyon dito. Pero bakit hindi ko siya kilala?


"Mukhang sikat yata 'yung may-ari niyan ah." bulong sa akin ni Pam.


"It can't be." sagot ko dito at hinila siya papunta sa washroom.


"Uy teka! Saan tayo pupunta?" tanong nito sa akin.


"Sa washroom. Tulungan mo ako."


Nang makarating kami doon, hinubad ko na ang suot kong jacket at hinubad na rin ang uniform ko.


"Anong ginagawa mo?" nanlalaki ang mga mata ni Pam habang tinatanong niya sa akin iyon.


"Lalabhan ko 'to. Hindi pwedeng pagkamalan nilang girlfriend ako ng lalaking 'yun." sagot ko dito at binasa na ang uniform ko.


"Pero hindi agad matutuyo 'yan." huli na nang marealize ko ang sinabi niya.


I'm dead.


"ANG MALAS MALAS KO!" sigaw ko dahil sa inis.


"Kumalma ka na. Isuot mo na lang ulit tong jacket. 'Wag mo nang isuot 'yang uniform mo kasi basa na. Baka magkasakit ka lang." inabot niyang muli sa akin ang jacket at wala na akong nagawa kundi isuot iyon.


"Ang malas talaga ng panty mo." asar nito sa akin habang isinusuot ko ang jacket.


"Oo na. Malas na. Bakit binili ko pa kasi 'to eh." 


"Malelate na tayo sa klase natin. Tara na." nagmamadali niyang sabi sa akin. Napatingin ako sa relo ko at nakitang dalawang minuto na lang bago magsimula ang klase namin.


Nagmamadali na kaming lumabas ng washroom at naglakad nang mabilis patungo sa classroom namin. Nang makarating kami sa pinto ng classroom, kinabahan ako nang makitang nandoon na ang professor namin sa harapan ng klase.


Bilang paggalang, kinatok ko muna ang pinto at nang makita kami nito, sabay kaming bumati ni Pam.


"Good afternoon po." 


Pinagmasdan ako ng professor namin. Nakita ko kung paano nanlisik ang mga mata niya habang nakatingin sa jacket ko.


Ganoon ba kasikat 'yung Navarra na 'yun para makilala siya ng lahat? Kahit professor, mukhang kilala siya ah.


"Uniform Rule. It is stated that a bonafide student of Pontifico University must at all times wear their proper school uniform. Violating the said rule is equivalent to one punishment." sabi nito habang lumalapit sa akin. Pinagpawisan na ako dahil doon. Alam ko na ang tinutukoy niya.


Napansin niya sigurong hindi ako nakauniform sa loob ng jacket na suot ko ngayon.


"What's your name miss?" tanong nito sa akin habang nakataas ang kilay.


"P-Patrisha po." kinakabahan kong sagot dito.


"See you at the guidance office after this class. I know that this is your last subject."

Ang Malas na PantyWhere stories live. Discover now