Chapter Three

79 4 0
                                    

"Alam mo, narealize ko lang. Baka malas talaga 'yung panty na binili mo kaya namatay Papa mo." biglang sabi ni Pam habang kumakain kami.


Natawa naman ako dahil sa sinabi niyang iyon.


"Anong malas? Ang ganda kaya." sagot ko naman dito. "Suot ko nga ngayon eh." pagmamalaki ko pa dito.


Paano ba naman kasi, hindi ko mahanap ang panty ko na may tatak na Monday. Kaya 'yun, sinuot ko na lang 'to.


"Tignan mo ah. 'Pag minalas ka ngayon, ibig sabihin malas talaga 'yang panty na 'yan." 


"Paano naman ako mamalasin?" nagtataka kong tanong dito.


"Hindi ko naman sinabing mamalasin ka eh. Malay mo lang nam--" hindi na natuloy ang sasabihin ni Pam at nanlaki na lang ang mata habang nararamdaman ko ang malamig na daloy ng likido sa katawan ko.


"Oh my gosh." dahan dahang sabi ni Pam.


"What the hell." sagot ko naman dito at tumayo upang harapin ang taong nagtapon nito sa akin. At hindi lang basta bastang tubig na malamig ah. Orange juice pa!


"Sorry miss." paumanhin ng isang lalaki sa akin. Napatulala na lang ako sa hitsura niya dahil sobrang gwapo niya. Kung ikukumpara sa mga kapatid ko, napakagwapo nga talaga niya.


"Ayos ka lang ba? Natulala ka yata sa kagwapuhan ko?" biglang bumalik ang ulirat ko dahil sa sinabi niya.


"HOY LALAKING MAYABANG! NAKIKITA MO BA 'TONG GINAWA MO SAKIN? HA? ALAM MO BANG MAY KLASE PA AKO MAMAYA AT WALA AKONG DALANG EXTRA NA UNIFORM?! ALAM MO BANG AKO ANG PAGTATAWANAN NG MGA KAKLASE KO AT HINDI IKAW? HA?!" sunod sunod na sigaw ko dito dahil sa galit.


Akalain mo nga naman. Nakatapon na nga siya, ang yabang yabang pa. Akala mo naman kung sinong gwapo.


Oo nga. Gwapo nga siya. Pero gwapo lang!


"Kaya nga nagsosorry eh. Sorry na. Hindi ko naman sinasadya eh. Pinatid kasi ako ng mga kaibigan ko." mahinahong sagot nito sa akin.


"MADADAAN BA NG SORRY MO ANG NANGYARI SAKIN?! BUTI BA SANA KUNG MALILINIS AKO NG SORRY NA 'YAN EH!" imbis na umimik, nagulat ako nang bigla niyang hinubad ang suot niya. "ANO? MAGPAPAPOGI KA? HOY HINDI AKO TINATALABAN NIYAN!" sigaw ko pa dito.


"Oh. Jacket ko. Isuot mo na para hindi ka magmukhang dugyot. Sorry talaga miss." inabot nito sa akin ang jacket niyang kulay violet - pangalawa sa paborito kong kulay. Umalis na rin siya pagkasabi ko noon.


Doon ko lang napansing pinagtinginan na pala ako ng mga tao.


Dahil sa kahihiyan, umupo na lang akong muli at napansin ko ang kakaibang tingin ni Pam sa akin.


"Ang gwapo n'on ah." 


"Wala akong pake kung gwapo siya 'no. Dinumihan niya ako." 


"Sabi ko na sa'yo eh. Malas 'yang panty na 'yan." natatawang asar nito sa akin.


"Fine. Hindi ko na 'to susuotin. Pero hindi ko itatapon kasi reserved panty ko 'to." nahihiya kong sagot sa kanya.


"Reserved panty?" nagtataka niyang tanong sa akin.


"Oo nga. Reserved panty. May schedule kasi 'yung mga panty ko. May tatak sila ng days of the week. Ginagamit ko lang 'to kapag nawawala 'yung isa." paliwanag ko dito.


"Oh my gosh Trisha. Gumagamit ka pa n'on? Pambata lang 'yun ah?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Pam.


"Oo nga. Meron kayang pang matanda." depensa ko naman dito.


"Ang weird mo."

Ang Malas na PantyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon