Chapter Nine

32 4 0
                                    

"Trisha, pangalawang araw mo na 'to. Isa na lang tapos ka na kaya tiisin mo pa." bulong ko sa sarili ko habang naglalakad ako papuntang canteen dahil dito ako inutusan ngayon. Wala naman akong alam sa pagluluto kaya feeling ko, paglilinisin lang ako sa canteen which is actually better than forcing me to cook.


Nang makarating ako sa canteen, napansin kong napakadaming taong nandoon. Ibig sabihin, madami akong gagawin dito kaya naman hindi pa nagsisimula ay halos pinagbagsakan na ako ng mundo.


Bakit kasi lunch time pa 'yong dismissal namin? Hindi pa man ako nagsisimula ay nararamdaman ko na ang pagod sa gagawin ngayong araw.


Para matapos agad, dumiretso na ako sa kusina para itanong kung ano ang gagawin pero pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ay hinarang na ako ng head cook.


"Excuse me pero hairnet area 'to. Hindi ka ba nasabihang magdala ng hairnet?" masungit na tanong nito sa akin. Bigla akong nainis dahil sa inasal niya. Simula pa lang, ang sungit-sungit na niya na akala mo, napakataas na ng narating. Kinalma ko ang sarili ko bago magsalita ulit dahil baka hindi na ako makapagpigil pa.


"Ay hindi po eh. Sorry po." lalabas na sana ako ng kusina nang magsalita siya ulit.


"Napakairesposable mong estudyante! Hindi nakakapagtakang naparusahan ka." hindi na ako nakapagpigil dahil sa sinabi niyang 'yon.


"Excuse me? My name is Patrisha Pontifico. Pon-ti-fi-co! Kung hindi mo makuha ang sinasabi ko, pwes ipapaintindi ko sa 'yo. Anak ako ng may-ari ng pinagtatrabahuhan mo. Ooops, dito ka pa ba bukas? 'Wag kang masyadong mataray lalo na't hindi mo kilala ang kausap mo, ate!" sagot ko dito na may diin sa salitang 'ate'. Sumusobra na kasi siya eh. Wala na sa lugar. How come na sabihan niya akong iresponsable, knowing na hindi niya naman alam ang rason kung bakit nandito ako ngayon?


Pagkatapos kong sabihin iyon ay naglakad na ako papalabas ng kusina. Sa canteen na lang ako dahil nainis ako sa head cook na 'yon. Akala mo kung sino siya.


"Ano pong pwede kong gawin dito?" tanong ko sa babaeng nasa canteen.


"Dyan ka na lang sa mga inumin. Wala kang hairnet kaya bawal ka dito sa pagkainan." sagot nito sa akin kaya pumunta na ako sa mga inumin. 


Mabuti na lang at mas madali ang trabaho dito. Ang problema lang ay 'yung lamig dahil nakakanginig sa kamay pagkaahon mula sa tubig na may yelo.


"Hey there, little Trisha." bati sa akin ni Kuya Matthew nang makita niya ako sa canteen. Pinsan siya ni Kuya Fonso na madalas lagi sa bahay kaya niya ako nakilala.


"Hello, kuya." nahihiya kong bati dito. 


"You have a story to tell. Dadaan ako sa inyo mamayang gabi kasi may project kami nila Fonso." doon pa lang, alam ko nang ipapakwento niya kung ano ang nangyari sa akin. Nginitian ko na lang ito bilang sagot at nagpatuloy na ako sa trabaho dahil umalis naman siya kaagad.


Nang matapos ang duty ko, nagpaalam na ako at umalis na. Dumiretso ako sa principal's office at kagaya kahapon, nakita ko nanaman 'yung Navarra na 'yun. Hindi ko na lang siya pinansin para hindi na kami magkasagutan pa. Naglog-out na lang ako sa logbook bago tuluyang umalis.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Jul 14, 2016 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Ang Malas na PantyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora