Chapter Five

58 3 0
                                    

Kagaya ng sinabi ng professor namin, pinatawag nga ako sa guidance office pagkatapos ng klase. Nakanguso akong naglakad papunta roon dahil sa hiya.


Bakit ba kasi naisipan ko pang gawin 'yun? And worse, first day of class pa talaga.


Nang makarating ako sa guidance office, halatang nagulat ang principal nang makitang nandoon ako.


"Ms. Pontifico is not wearing her proper school uniform." nakataas ang kilay na bungad ng professor ko.


Matagal namang itong tinitigan ng principal na wari'y nagtataka sa mga sinasabi nito.


"You're reporting the daughter of the founder of this university. Are you sure to continue this, Ms. Malba?" nagulat naman ako nang sabihin ng principal iyon.


"Ma'am, okay lang po. Kasalanan ko naman po eh." ako na ang sumagot para sa professor ko. "Sinabi naman sa akin ni daddy na 'wag ko daw pong gamitin kung ano man pong connections ang meron ako." dagdag ko pa dito.


Matagal din akong tinitigan ng principal kaya tumango ako dito upang sabihing sigurado ako. Kasalanan ko naman talaga eh. Pinalaki ako ng mga magulang ko na panagutan kung ano mang kasalanan ang nagawa ko.


"Okay Ms. Malba, you may now leave the office." yumuko ang propesor namin at umalis na.


"Umupo ka muna Trisha." kagaya ng inutos niya, umupo ako sa upuan sa tapat ng table nya. "Now tell me, bakit mali ang uniform mo? Ngayon lang kita nakita dito sa office tapos ganyan ang rason? Tell me what happened." sunod-sunod na sabi nito.


Huminga muna ako nang malalim bago sagutin ang kanyang katanungan.


"Kanina po kasi, natapunan ako ng orange juice sa canteen. Sobrang lagkit po so nilabhan ko 'yung uniform ko sa cr." nakayuko kong pagpapaliwanag dito.


"Natapunan ka lang ng orange juice, nilabhan mo na 'yung buo?" 


"Hindi naman po kasi patak lang eh. May nakabuhos po sa akin kaya sobrang lagkit po." kwento ko dito.


"But still, you violated the rule. Alam mo naman sigurong may kapalit na parusa ang bawat paglabag sa rules hindi ba?" napatango na lang ako dito. Sobrang kinakabahan ako dahil ngayon ko lang naranasan ito. Marami akong nakikitang mga napaparusahan na naglilinis sa campus. Meron sa mga hallway, sa guidance office, or worst, sa cr.


"Ano pong parusa ko?" kinakabahan kong tanong dito.


"Dahil unang parusa mo pa lang naman 'to simula n'ong bata ka, 3 days community service lang ang parusa mo. 6 hours per day ka maglilinis and you need to log in kung kailan ka magsisimula at kung kailan ka magtatapos." paliwanag nito sa akin at may kinuhang papel. "Ito 'yung magiging guideline mo sa paglilinis. Bukas, nakaassign ka sa park. Sa isang araw naman, tutulong ka sa canteen. At ang pinakahuli, sa cr." nanlaki ang mga mata ko dahil sa huling sinabi niya.


Tanggap ko na sana ang parusa ko eh. Pero ang maglinis ng cr? Hindi ko kailanman ginawa 'yun.


"Cr po talaga sa last day?" 


"Yes Trisha. May schedule din kung anong mga cr ang lilinisin mo na nandito sa guideline na ibibigay ko sa'yo." napabuga na lang ako ng hangin dahil doon. "Hindi ka rin makakatakas dahil magsusuot ka ng green uniform at makikita ko sa CCTV kung kumikilos ka ba talaga o hindi. Ang pagtakas sa trabaho mo ay magdadagdag ng 1 linggo sa iyong parusa. Nakuha mo ba?" 


Wala na akong nagawa dahil kasalanan ko kung bakit ako naparusahan nang ganito. Ang tanga tanga ko kasi eh.


"Yes Ma'am."

Ang Malas na PantyWhere stories live. Discover now