Chapter Eight

32 3 0
                                    

"You seem to know each other." puna ng principal sa amin matapos naming sumigaw.


"Ma'am, siya po kasi 'yong nagtapon sa akin ng orange juice kaya naparusahan ako." parang batang sumbong ko dito.


"What? Bawal ba ang may orange juice sa damit? I didn't know." napataas ang kilay ko dahil sa paraan niya ng pagsagot sa akin. Siya na nga 'tong mali, siya pa 'yung pabalang na sasagot? Tapos, babarahin pa  niya ako?


"Excuse me Mr. Navarra. Kung hindi mo naman ako tinapunan, I won't even wet my clothes para hubarin siya." depensa ko dito.


"But Ms. whoever you are, I guess that your reason is invalid. As far as I could remember, I gave you my jacket." 


"But that doesn't even solve my problem. Malagkit 'yong juice na tinapon mo sa akin so don't expect that putting jacket can remove that sticky feeling." napansin kong medyo tumataas na ang boses ko dahil napakaunreasonable na ng lalaking kausap ko ngayon. He's making my blood boil and it's irritating.


"Ssshhhh! You, two! Tumigil kayo kung ayaw niyong may ibang parusa akong ibigay sa inyo at hinding hindi niyo magugustuhan 'yon!" napatigil kaming dalawa nang sumigaw na ang principal namin. Halos makalimutan kong nasa guidance office nga pala kami.


"Sorry Ma'am." sabay naming sabi kaya nagkatinginan kaming parehas.


"Ms. Pontifico, maglog-out ka na." utos nito sa akin kaya't kinuha ko na 'yong notebook at naglog-out na.


Nang makapaglog-out ay lumabas na agad ako ng guidance office at dumiretso na sa parking lot. 


Habang naglalakad, hindi pa rin maalis sa isip ko kung gaano ka walang modo 'yong lalaking 'yon. Walang galang sa babae. Bastos, walang kwenta. Sobra akong naiinis sa kanya.


Ipinagmamalaki niya ang jacket na 'yon? Kung hindi sana siya careless, hindi sana ako natapunan. Nakakainis talaga siya.


"Huy! Kalma!" nabigla ako nang bigla akong gulatin ni Kuya James. Nanggaling siya sa likod ko kaya hindi ko inaasahan na susulpot siya bigla.


"Anong kalma?" maang-maangan kong tanong. Nagtataka din naman ako kung paano niya nalamang hindi ako kalmado ngayon. Una sa lahat, hindi naman ako nagsasalita habang naglalakad kaya imposibleng narinig niya ako.


"Halos pumutok na 'yang ugat sa kamay mo dahil sa panggigigil mo oh." sagot niya sabay turo sa kamay kong nakakuyom sa sobrang inis. Wala na akong nagawa kaya napilitan na akong sabihin kay Kuya James ang dahilan kung bakit ako naiinis.


"'Yong Navarra na 'yon kasi eh. Napakawalang modo. Kung makapagsalita, akala mo wala siyang kasalanan. Nakakainis sobra!" nanggagalaiti kong kwento sa kanya. Napataas naman ang kilay ko nang mapansin kong humahagikgik siya. "Anong nakakatawa kuya?"


"Ikaw. Napakapikon mo kasi." natatawang sagot nito sa akin. 


"Nakakainis kasi siya! Alam mo 'yon? Kung makasagot siya, akala mo reasonable. Ano naman kung binigay niya 'yong jacket sa akin? Nakakapikon sobra. 'Wag na lang nating pag-usapan." inis kong pagpapatuloy at naglakad na papunta sa sasakyan namin.


Nasa loob na si Kuya Fonso dahil siya lagi ang pinakauna sa aming tatlo. Mabuti na lang at 2 hours ang pagitan namin ni Kuya James kaya hindi sila maaabala habang nagcocommunity service ako.


"Oh? Why do you look like that?" bungad sa akin ni Kuya Fonso.


"Wala. 'Wag na nating pag-usapan kasi naiinis lang ako." sagot ko dito at mas pinili na lang na matulog sa sasakyan kaysa problemahin pa 'yon.


Ang Malas na PantyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon