Chapter Seven

31 3 0
                                    

"Trisha, mauna na ako ah? Nandyan na kasi 'yong sundo ko eh." paalam sa akin ni Pam. Tumango lang ako dito bilang sagot at kinawayan siya.


Nang makaalis na siya, parang bumigat na ang mundo ko. Ngayon na ang simula ng community service ko at nararamdaman kong hindi magiging masaya ang maglinis ng campus lalo na sa park. Aside from the fact na napakadaming taong laging nandoon, dismissal pa ngayon kaya makikita nilang may babaeng nakagreen ang naparusahan.


Sa bawat hakbang ko, dinarasal ko na sana umulan ngayong araw para ma-cancel 'yong community service ko. Napakabigat sa loob ko nitong gagawin ko pero hindi ako pwedeng umarte dahil madadagdagan lang ng araw 'yong paglilinis ko. Mas pipiliin ko na siyempreng mapahiya ngayon kaysa sa mga susunod pa na araw.


Maya-maya lang ay narating ko din ang washroom para makapagbihis na. Sa 1st floor ako nagpunta para mas maiksi na lang ang lakarin ko. Naisip ko kasi, kapag sa taas pa ako magbibihis, for sure maraming makakakita sa akin at doon pa lang ay mapapahiya na ako.


Nang makapagbihis na ako ay dumiretso na ako sa guidance para maglog.


"Good afternoon Ma'am. Maglalog na po ako." sabi ko sa principal namin.


Iniabot naman niya sa 'kin ang logbook kaya isinulat ko na doon ang pangalan ko. Ibinalik ko iyon sa kanya pagkatapos kong magsulat at lalabas na sana nang bigla siyang magsalita.


"Always remember na kapag tumakas ka, madadagdagan ka ng 1 week, okay?" paalala nito sa akin.


"Yes Ma'am!" sagot ko naman dito at lumabas na ng office.


Kinuha ko na ang gagamitin ko sa janitor's room. Dust pan and broom stick lang ang kinuha ko at dumiretso na sa park para makapagsimula na.


Nang makarating ako doon, madaming tao ang napansin kong nakatingin sa akin kaya't yumuko na lang ako at nagsimulang magwalis. 


Habang nagwawalis, parang gumaan ang pakiramdam ko dahil unti-unting nawala ang mga nakatingin sa akin. Of course, that would be in my favor because I can now work with ease.


Nang i-angat ko ang ulo ko, doon ko lang napansing may pinapalibutan silang lahat. Sino naman kaya 'yon? Masyado bang importante ang tao na 'yan para pagkaguluhan nila?


Nagpatuloy na lang ako sa pagwawalis hanggang sa matapos ang dalawang oras ko. Nang makatapos ako ay agad ko ring ibinalik sa janitor's room ang mga ginamit ko at dumiretso na sa washroom para makapagpalit na ulit.


Sobrang pawisan ako. Napatingin ako sa salamin at nakita ko kung gaano kagulo ang buhok ko. Nakakatawa siguro akong pagmasdan habang naglilinis sa park.


Nang masigurong ayos na ako ay dumiretso na akong muli sa guidance office. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.


"Ikaw?!" 



Ang Malas na PantyWhere stories live. Discover now