Chapter Two

103 4 0
                                    

Sa mga oras na ganito, nakakatulong talaga ang pag-iyak upang mabawasan ang sakit na nararamdaman ko. Ibinuhos ko lang naman lahat ng sakit para maging okay na ako ulit.


Naghilamos ako ng mukha upang mabawasan ang pagiging haggard ko dahil sa pag-iyak. Nag-ayos din ako ng sarili ko bago tuluyang lumabas. 

 

Bumalik na ako sa classroom namin at nakangiting pumasok doon. Pagkaupong pagkaupo ko ay dinaldal na agad ako ng katabi ko.


"Oh my gosh. I'm so sorry to hear that." sa salita pa lang niya, halatang trying hard na siyang mag-English at magpaconyo.


"Alam mo, nagtatagalog ako." natatawa kong sabi dito.


"Ay talaga ba? Akala ko kasi spokening dollar ka eh." nahihiyang sagot nito pero halatang hindi pa rin siya makapaniwala. "Ang galing ng accent mo ah. Mukha ka pang Amerikana." dagdag pa nito.


Ang gaan kaagad ng pakiramdam ko sa kanya. Sa tingin ko, masaya siyang maging kaibigan.


"Nakuha ko 'yun sa Papa ko. Am-boy kasi siya eh." paliwanag ko dito.


"Oh. Ang ganda siguro ng lahi niyo. May mga kapatid ka ba?" tanong niya sa akin.


Sa tanong niyang iyon, alam ko na kaagad na gusto niyang maghanap ng gwapo. Pero totoo naman eh, sobrang gwapo ng dalawa kong kapatid. Napakalakas ng genes ni Papa dahil sa kanya namin nakuha iyon.


"May dalawa akong lalaking kapatid. Magkaiba nga lang sila ng nanay." sagot ko naman dito.


"So bukod sa pagiging Am-boy, chickboy din pala Papa mo?" natawa ako sa sinabi niya.


"Parang gan'on na nga. Dalawa lang naman 'yung naging babae ni Papa eh. Si Mama pati si Tita Laura. Pero si Tita Laura 'yung legal dahil kailangan niya 'yung pakasalan kahit na nauna pang maging sila ni Mama. Parang pelikula nga love story nila eh." kwento ko dito. Wala naman sigurong masama kung ikukwento ko diba?


"Kayo nauna pero 'yung isa ang pinakasalan? Ang weird ah." komento nito.


"Mayaman kasi pamilya ni Papa. Uso sa kanila ang arranged marriage kaya kahit iba pa ang mahal ni Papa, kailangan niyang pakasalan si Tita Laura." 


"Alam mo, may nabasa na akong ganyan. Nagsakripisyo 'yung lalaki para lang makasama 'yung pamilyang mahal niya talaga." 


"Iba naman kasi 'yung istorya nila Mama. Pinili ni Papa si Tita Laura kasi alam niyang maganda pa rin ang buhay niya kung gagawin niya 'yun. Tapos, makakasama pa rin niya si Mama tuwing gusto niya dahil may iba din namang pamilya si Tita Laura." paliwanag ko dito.


"So ginamit lang nila ang isa't isa?"


"Parang gan'on na nga." 


Napatango tango na lang siya pagkatapos noon. Baka wala na siyang maisip na itanong pa tungkol sa pamilya ko.


"Ay. Hindi pa pala ako nagpapakilala. Ako nga pala si Pam. Pwedeng pampam, pero Pamela talaga 'yun." natawa ako sa pagpapakilala niya sa sarili niya.


Simula pa lang pero alam ko nang mayroon siyang sense of humor.


"Ako naman si Patrisha. Trisha na lang kasi hindi naman ako fat." biro ko din dito at nagtawanan kami.


Buti na lang, nasa likod kami ng klase. Hindi kami nasita ng professor namin na nagdadaldalan dito.


Mabilis ding natapos ang klase naming iyon at agad din namang lumabas ang professor namin matapos ang klase niya.


"May one hour break tayo. Gusto mo bang kumain?" tanong sa akin ni Pam.


"Tara. Nagugutom na din naman ako." pagpayag ko dito.

Ang Malas na PantyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon