Otso

987 40 0
                                    

Pediophobia 8

"Cherry? Ikaw? Ikaw ang pumapatay?" Nanlalaki ang mga matang tanong niya dito. Hindi. Hindi to totoo. Malamang ay halusinasyon lamang niya ang lahat. Mas lalo pa siyang nanginig sa takot ng makitang niyakap ni Ashley mula sa likuran si Cherry.

"Diba sabi ko sayo itigil na natin to. Magpahinga na tayo, Cherry." Nakakapangilabot ang boses ni Ashley na nanunuot sa bawat himaymay ng kanyang laman.

"Hindi pa ko tapos. Huli na to pagbigyan mo na ko. Diba galit karin naman kay Lea."

Nag-usap ang dalawa na para bang wala siya sa harap ng mga ito. At ang kakatwa pa ay naririnig niya ang dalawa kahit pa di naman bumubuka ang bibig ng mga ito. Pero buhay pa naman siya hindi ba? Hindi naman porke't nakikita at naririnig niya ang dalawa ay magkapareho na ang mundo nila? Tinitigan niya ang dalawang babae. Magkamukha ang dalawa kaya hindi katakatakang mapagkamalan nilang si Ashley ang pumapatay gayung si Cherry naman talaga. Magkapatid ang dalawa kaya hindi iyon katakataka. Magkapatid na parehong namatay sa mga kamay nila. At ang malala pa ay hindi nila akalaing gagamitin sa kanila ni Cherry ang bagay na ginamit nila sa kamatayan nito. Ang rugdoll. Bigla ay parang tubig na rumagasa sa kanyang alaala ang nakaraan.

Flashback

...Kriiiing...

"Kim, ano ba sagutin mo nga yang cellphone mo. Ang ingay ingay natutulog pa ang tao, eh." Naiinis na sita ni Lea sa kapatid na si Kimberly. Panu naman kasi alas dos palang ng madaling araw may caller na ito. Ang sarap sarap ng tulog niya ng bigla nalang tumunog ang cellphone nito na hanggang ngayon ay di parin sinasagot ng kapatid. Para tuloy gusto niya na iyong ibato sa dingding ng magtigil na sa kakaring.

"Hello?" Napipilitang sinagot ng kapatid niya ang tumatawag dahil nahalata nito na nagagalit na siya. Humihikab pa ito at halatang di pa ganun ka gising ng sumagot.

"Kim, bakit?" Takang tanong niya niya ng bigla nalang nitong mabitawan ang hawak na cellphone at nag ala papel sa putla ang mukha nitong tila tinakasan ng dugo. Iiling iling lang ito at parang di makapaniwala sa kung ano mang narinig nito. Dahil sa pagtataka ay kinuha niya ang cellphone nito at akmang ilalagay sa tenga para pakinggan kung ano ang dahilan at nagkaganun ito. Ngunit bago pa man niya magawa ang bagay na iyon ay hinablot na nito sa kanya ang cellphone sabay bato sa dingding. Natulala na lamang siya sa ginawa ng kapatid. Bakit? Nang tingnan niya ito ay umiiyak na ito. Hindi man nito sinasabi kung ano iyon ay batid niyang hindi iyong pangkaraniwan base narin sa takot na nakikita niya sa kapatid. Niyakap niya ito at pinabalik sa pagtulog at ng makitang nahihimbing na ay kumilos siya at kinuha ang cellphone nito. Built in ang battery ng cellphone ni Kimberly kaya sigurado siyang hindi iyon namatay. Pinulot niya iyon ay inilagay sa may tenga at dun niya narinig niya ang galit na boses ni Cherry sa kabilang linya habang pinagbabataan si Kimberly na lumayo sa boyfriend nito dahil buntis at kung hindi ay papatayin nito ang kapatid niya. Nawala siya sa sariling pag-iisip ng marinig ang salitang papatayin. At bago pa siya makapag-isip ng matino ay nagawa niya na ang isang bagay na habang buhay niyang pagsisisihan. Ang kitlin ang buhay ng pinsan para isalba ang buhay at kaligayahan ng kapatid.

End of Flashback

"Bakit nakatulala ka, bff? Naalala mo na ba ang kasalanan niyong magkapatid sa amin? Pinatay ng malandi mong kapatid ang kapatid ko pero hindi ako minsan nagalit sa inyo. Naiintindihan ko yun dahil mga bata pa lamang tayo pero pnatunayan mo lang sa akin na wala ka talagang puso, Lea. Dahil pati anak kong hindi pa naisisilang ay pinatay mo."

"Bagay lang sayo ang mamatay, Cherry dahil malandi ka. Inakit mo ang boyfriend ng kapatid ko. At ikaw pa talaga ang may ganang pagbantaan ang kapatid ko?"

"Kung ganun bagay din pala sa kapatid mo ang mamatay dahil malandi din siya." Nakangising pahayag nito na ikinapanlaki ng mata niya.

"Anong ibig mong sabihin? Wag mong sasaktan ang kapatid ko!" Ibigay niya ang buong lakas ng magsalita na wari ba ng dahil doon ay mapipigilan niya ito.

"Hindi ko sasaktan si Kimberly sa isang kondisyon."

"Anong kundisyon?"

"Tumalon ka!"

"Ano?!"

"Sabi ko tumalon ka!"

Tiningnan niya ang kanyang likuran at napalunok siya ng makita kung gaano kataas ang kanyang  babagsakan kung sakali.

"Ano tatalon ka ba o si Kimberly ang gagawa niyang para sayo?"

"P-pag ginawa ko ba lulubayan niyo si Kimberly?"

"Oo naman. Wag kang mag-alala makakaligtas si Kimberly."

Ilang beses siyang lumunok bago siya humarap sa walang saradong pintuan. Isang hakbang lang. Isang hakbang lang ang dapat niyang gawin at kusang babagsak ang katawan niya at magkakalasuglasog sa ibaba. Isang hakbang lang at maililigtas niya ang kapatid niya. Gagawin niya ba? Hindi ba pwde magpakaselfish siya ngayon at sarili naman niya ang unahin niya? Hindi ba pwedeng siya naman. Hindi pa pwede?

"Mamili ka Lea si Kimberly o-

Hindi niya na pinatapos pa sa pagsasalita si Cherry at nagkusa na siyang humakbang. Naramdaman niyang mabilis na bumulusok ang katawan niya pababa at wala siyang nagawa kundi pumikit na lamang at antayin ang paglapat ng katawan niya sa sementadong daan sa ibaba. Pero bago pa man tuluyang bumagsak ang kanyang katawan ay naramdaman niyang may malamig na bagay na pumulupot sa kanya. Wari niyayakap siya ng isang napakalamig na kamay. At ganun na lamang ang pag-agos ng mga luha niya ng bulungan siya nito.

"Ate sana hindi mo nalang ginawa alam mo namang traydor si Cherry hindi ba?" Si Kimberly iyon. Parang gusto niyang magsisi sa ginawa dahil wala naman palang kabuluhan ang sakripisyo niya. Pero bago pa man siya tuluyang mamaalam sa gahiblang natitira sa kanyang hininga ay nagawa niya paring mapangiti. Bakit nga ba siya magsisisi kung sa lugar na pupuntahan niya ay sila parin namang dalawa ni Kimberly ang magkasama.

To be continued...

PediophobiaWhere stories live. Discover now