Siete

1.1K 47 3
                                    

Pediophobia 7

Lingon takbo naman ang ginawa ni Reyna. Kailangan niyang makalayo sa lugar na iyon. Ayaw niya pang mamatay. Pero bakit ganun parang paikot ikot lang siya. Nilingon niya ang pinanggalingan at pagkatapos ay ang daang tinatahak. Huminga siya ng malalim bago muling naglakad pasulong habang nag-iisip ng paraan kung panu niya malalaman kung paikot ikot lang ba talaga siya. Ang dinadaan niya isang napakahabang hallway. Parepareho lang ang mga nadadaanan niyang silid na pinagdadausan ng lamay. Mayamaya ay may nakita siyang silid na maliwanag at yon ang ginawa niyang palatandaan. Iniwan din niya sa lugar na iyon ang suot niyang hair clip bilang palatandaan parin. Pagkatapos ay unti unti niyang binilisan ang paglalakad hanggang sa maging takbo iyon. Hinihingal na napalingon siya sa likuran niya at halos manginig siya sa takot sa natuklasan. Hindi naman pala siya umiikot dahil sa hindi din naman pala siya umuusad. Andun parin siya kung saan ang pwesto niya kanina. Hinang hinang napaupo siya sa sahig.

"Pagod ka na ba, bff? Ayaw mo na ba akong kalaro?"

Halos panawan siya ng ulirat sa narinig at kahit hapong hapo ay pinilit niyang tumayo. Takbo Reyna takbo. Utos niya kahit pa nga ba alam niyang hindi niya talaga kayang igalaw ang mga paa. Para kasing may mabigat na bagay na nakadagan doon. Khit natatakot ay naglakas loob siyang yumuko upang tingnan ang mga paa. At halos maihi siya sa nakita. May isang pares ng mga kamay ang nakayapos sa paa niya mula sa likod.

"Diyos ko po gusto ko pa pong mabuhay."

Pinilit niyang galawin ang mga paa ngunit di niya talaga iyon maihakbang.

"Ama namin sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo. Sundin ang loob mo.-

Nag-uumpisa pa lamang siyang magdasal ay naudlot na iyon dahil sa naririnig niyang mga kaluskos. Kaluskos mula sa ibabaw. Mula sa kisame! Dahan dahan ay tumingala siya.

"Ahhhhhhhhh..." Wala ng paglagyan ang takot niya ng makita ang maputlang mukha ni Ashley na nakatiwarik paharap sa kanya.

Pero kung nasa kisame si Ashley sino naman yung nakayakap sa kanya? Parang hindi niya na talaga kakayanin ang mga nangyayari. May multo sa itaas at ibaba. Ano pa kayang meron? Hindi niya pa maigalaw ang sarili. Nag-umpisang mag-unahan na sa pagdaloy ang kanyang mga luha. Nagulat pa siya ng may mga malalamig na kamay na pumunas nun. Parang nahihipnotismong napatitig siya sa may gawa nun. Si Ashley. Iginiya siya nito sa kung saan. Wala na siya sa sarili habang nakasunod dito.

Samantala ay nakita naman ni Lea si Reyna. Nanlaki ang mata niya ng mapagtanto kung saan ito papunta. Sa hindi pa tapos na fire exit ng punerarya  ito papunta. At knowing na nasa ikalimang palapag siya ay tiyak na magkakalasolasog ito pag nahulog.

"Reyna?!"

Malakas niyang sigaw. Inulit niya ang pagtawag at palakas ng palakas pero nagpatuloy parin ito. Wala siyang choice kundi takbuhin ang distansya nila. Binilisan niya ang pagtakbo habang panay parin ang tawag niya dito. Pero bakit ganun imbes na malapit ay parang lalo pa siya lumalayo sa direksyon nito.

"Ashley, please tama na."

Naiiyak niyang pakiusap lalo na ng makita niyang napakalapit nalang ni Reyna sa pintong hindi pa tapos.

...Togsh...

Napapikit na lamang siya ng tuluyang mahulog si Reyna.

"Ashley, please para mo ng awa bumalik ka na sa mundo kung saan ka nararapat. Iwan mo na kami."

"Hindi ko magagawa yun,bff." Sagot ng napakalamig na boses na galing pa sa kailaliman ng lupa.

"At bakit? Kasi gusto mong magsamasama tayong lahat? Bakit kasi nalulungkot ka? Napakaunfair mo! Napakamakasarili mo!"

"Bff, ikaw ang dahilan kaya nandito parin ako. Dahil kelan hindi mo ko pinakawalan."

Tila humalo lang sa hangin ang mga katagang huling binitawan nito. Anong ibig sabihin nitong hindi niya ito pinakawalan? Tila naman may kung sinong nakarinig ng tanong niya at mula sa kung saan ay may nalaglag na larawan papunta sa kanyang paanan. Nakataob iyon at kinuha niya para makita. Nanlaki ang mga mata niya. Iyon ba ang tinutukoy ni Ashley? Ang larawang iyon ay kuha nilang magkakabarkada nung huling kaarawan niya na kumpleto sila. Magkatabi sila at magkayakap ni Ashley, ang bff niya. Nag-unahan sa pagpatak ang luha niya dahil ang larawang iyon ay itinago niya ng pagkatagaltagal para wag niyang maalalang wala ng silang makakasamang Ashley kailanman. Iyon din ang dahilan kaya di siya dumadalaw tuwing araw ng kamatayan nito dahil para sa kanya ay walang namatay. Para sa kanya ay buhay parin ito at kapiling nila. Siya ang may kasalanan ng lahat kaya dapat narin siyang mamatay. Hindi niya kayang pakawalan si Ashley kaya dapat lang na magsama na sila nito. Hindi niya kakayanin pang may masawi ng dahil sa kagagawan niya. Humakbang siya ay dumungaw sa pinagbagsakan ni Reyna.

"Sige na bff tumalon ka na. Diba gusto ng matapos ang lahat ng ito? Sundan mo na si Reyna para magkasama na tayo." Bulong ni Ashley sa may punong tenga niya. Humakbang siya pasulong ngunit bago pa man siya makatalon ay bigla na lamang may tumawag sa pangalan niya.

"Lea?"

Nilingon niya kung sino iyon at nanlaki ang ulo niya ng makita ang gumagapang na si Ashley papunta sa kanya. Pero kung ganun sino ang kasama niya? Kinakabahang nilingon niya ito at ganun na lamang ang sigaw na lumabas sa kanyang lalamunan ng makilala ang nakangisi nitong mukha.

"Cherry?"

To be continued...

To be continued...

Pediophobiaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن